EPISODE 11: " SINO SI DARIO?"

61 5 0
                                    


Episode Casts:

JL TORELIZA as DARK
AKIRA MORISHITA as GRIO
GELO RIVERA as RAIN
MIKKI CLAVER as DAVIS
NATE PORCALLA as ARIES
PINKY AMADOR as NAY SELYA

SA KAKANINAN NI ALING SELYA,

.. "NAY SELYA.. andami nating costumer ngayon nuh???" masayang wika ni DAVIS habang nakatingin sa mga costumer nilang abalang nagmemeryenda..

" Oo nga kuya DAVIS tingnan mo ohhh halos wlang bakanteng mesa , lahat may nakpwesto..." sang ayong wika naman ni ARIES...

Ngumiti at itinigil ni ALING SELYA ang ginagawa nyang pag aayos ng patas ng pera sa kanilang kaha...
"kaya nga mga anak... Napakaswerte natin... Hiling ko nga rin na sana maging maayos si GRIO sa knyang bagong trabaho... At magtagumpay sila ng kanyang mga kasma sa plano nila"

"Naku nay... Kayang kaya yan ni BRADER GRIO... magaling at matalinong tao yata ang best friend ko... Magtatagumpay sila kung ano man ang plano nilang gawin" bilib n wika ni DAVIS...

"At ska nay... Mukha naman pating mababait yung mga kasma niya... Lalo na yung RAIN... sigurado ako hindi nila pababayaan si kuya GRIO..." Wika naman ni ARIES...

Napangiti si DAVIS na mabanggit ni ARIES ang pangalan ni RAIN...
" mukha naman tlagang mabait yung RAIN .. ewan ko lang yung GRIO para kaseng ang sungit nung una.." aniya..

"Hayyy sna nga matupad ng anak ko yung pangarap niya... Malaki ang tiwala ko kay GRIO.... At nagpapasalamat din ako sayo DAVIS.. dahil lagi kang nandyan para tulungan kmi , kaya nga parang anak na turing ko sayo.." nagpapasalamt na wika ni NANAY SELYA kay DAVIS...

"Naku nay.. ok lang yun... Kesa naman lagi akong tambay... Habang wla pa ko nahahanap n trabaho... Tutulong na muna ako sa inio dito sa kakaninan.."
Tugon ni DAVIS...

"WOW!!! ang sweet nmn ni kuya DAVIS "nakangiting sabi nmn ni ARIES...

Masayang nag group hug ang tatlo ... At pagkuway bumalik n ulit sila sa ginagawa knina..

SA DARK COFFEE AREA,
Sa office ni DARK, inumpisahan nang pag usapan ng dalawa ang kanilang plano tungkol sa mga main ingredients at kagamitang gagamitin nila sa bago nilang irerelease na special menu...

" So.. anong mga kailangan natin para sa pagbuo ng bago natin specialty.." tanong ni DARK na nakaupo sa silya kaharap si GRIO..

Nag- isip si GRIO..
habang nakatingin sa kisame...
"Ahh... San nga ba tau dapat magfucos muna??.." nag iisip na wika niya...

"Sa AKIN!!!" biglang bitaw na sabi ni DARK..

Nagulat at napatingin si GRIO dito..
"Hah??? " aniya

"Ahhh i mean... SA AKIN!!! ka tumingin ng diretso wag sa kisame .. hindi naman kase yan yung kausap mo..."kinakabahang at nangangabog ang dib dib na paliwanag ni DARK... Pagkatpos ay umiwas ng tingin kay GRIO.. ramdam niya na naman kaseng parang nahahatak na naman siya ng mga mata nito..

"Ahh ok sorry!! nag-iisip kase ako...
Ehhh kung sa KAPE muna tayo magfocus... Kase un naman tlga ung main menu na isineserve nio dto... At ung biko or anumang kakanin ay irerelease natin as CLASSIC side dish...".. suggest ni GRIO..

Muling ibinalik ni DARK ang tingin nya dito...saka umayos ng upo...
"So.. panu tau magfofocus sa kape...ano ung dapat natin unahing gawin.. ??? " tanong niya..

" Ganito... Kailangan nting humanap ng supplier ng mas mura at dekalidad na coffee beans ... Yung ung una nting gawin bago natin simulang buuin ang formula ng BARAKO BLANCA.." sagot ni GRIO ...

Umiiling na tumugon si DARK..
"Dun sa pinakita ko sayo kaninang list nmin ng supplier ng coffee beans...hindi ba pwedeng sa knila na lng ulit tayo umangkat ng supply...??"

" Pwede naman... Kya nga lang ..sa tingin ko mas maganda kung hahanap tau ng bagong supplier na may mas mababa at dekalidad na presyo ng coffee beans para mas makatipid tayo.. at kung wla namn tayong mkita.. ehh di sa kanila na lng ulit tayo kukuha ng supply.." paliwanag ni GRIO at saka tumingin ng diretsong nakangiti kay DARK..

Napaisip dn si DARK at sa tingin niya ay may punto si GRIO.
"Ok ... Ganito... Tatawagan ko si RAIN magtatanong ako if may kakilala pa ba syang tao na pedeng maging SUPPLIER natin... Sa tingin ko kase maraming alam yun.." wika nito...

Pagkuway... Tumayo ito at Dinampot ang celpon pra tawagan si RAIN...
agad naman itong sumagot sa tawag ni DARK

"Hello BRO... musta unang araw mo ng GRIO mo...??"
Pabirong wika ni RAIN sa kabilang linya

"Gago ka tlga... may kailangan lang akong itanong sayo kaya ako tumawag.." sagot ni DARK..

"Ahh ganun ba..?? Ano ba yun??" tanong naman nito...

"Ahhmmm may kakilala ka pa bang pwede nating kunin na bgong supplier ng coffee beans.. yung may mas murang presyo at sa tingin moy good quality ang mga produkto??..".. tanong din nya..

"Ahh oo meron naman... Si Tyong DADO kaibigan ni DADDY un... kaso nga lang sa BAGUIO sya nakatira kase andun yung taniman nya ng ibat ibang uri ng kape...
At saka pre maganda ang quality ng COFFEE BEANS nila kase alagang alaga yun dun.." sagot ni RAIN sa kabilang linya...

"Ahhh good ... Pero makukuha ba natin sila ng mas mbabang halaga....??" natutuwang wika ni DARK pagkuway nagtanong ulit...

"Oo naman pre papayag yun basta puntahan nio na lang sa BAGUIO at pag nakausap mo, savhin mo lng na kakilala mo ako at si Daddy.. makukuha mo na yun..."..sagot ni RAIN...

Nanlaki ang mata ni DARK...
" Hah??? Hindi ka sasama sa BAGUIO??..."
tanong niya...

"Ehh sinong mag aasikaso sa MAIN BRANCH at dto ...
Kung sasama ako... Ehh alangan naman si GRIO ang iwanan natin sa SHOP.. malay pa ba nyan ang mga dapat gawin... At ska bro mas maganda kung si GRIO ang kasma mo.. kase mas marami syang alam sa uri ng COFFEE BEANS... ehh coffee maker yan ehh.. at saka para magkamoment dn kayo sa byahe hahhaha...
DaRio SHIPPER na to boy... Hahahahhaa" wika ni RAIN na may halong pang aasar pa..

Nangunot ang noo at clueless si DARK
"Anong DARIO??" nagugulumihanang tanong niya...

"DARK at GRIO.... In short DARIO ... layag....hahhahahhahaha" malakas na hagalpak ang tawa na sagot ni RAIN sa kabilang linya...

Nagulat at nanggagalaiting naasar si DARK..
"GAGO ka tlga.... Anong palagay mo sa min mga ano...
Ahhhh basta babye n ... Ingat ka na lang at sna hindi masarap ulam mo mamaya.. haysst" pagkuway ibinaba na ni DARK ang tawag at saka muling binalikan sa mesa ang nakaupo at nag iintay na si GRIO...

" Cno si DARIO??? narinig ko kse pre, may binanggit kang DARIO?? sya n ba yung nakuhang supplier??" curious na tanong ni GRIO kay DARK..

Nanlaki ang mata at hindi alam ni DARK ang isasagot nya sa tanong ni GRIO...
"Hah?? si DARIO??? ahhhmmmm ahhhhh ehhh...
Oo.... Oo ... Tama si Mang DARIO yung kailangan natin puntahan bukas sa BAGUIO ... Sya yung sinuggest na supplier ni RAIN..
Kaibigan daw kase yun... ni TITO NICK na daddy ni RAIN ..." naging palusot na lang ni DARK ..
pero ang bilis ng kabog sa dib dib niya...

Ngumiti at di makapaniwla si GRIO..
"Tlga pre pupunta tau ng BAGIO bukas?? kasama ako??" Sobrang saya nyang wika...

" Oo.. kase kailangan nating pormal na kausapin si MANG DADO este DARIO pla.." nadudulas na wika n DARK pagkuway napakamot sa ulo...
Habang nakatingin kay GRIO na sobrang saya dahil for the first time makakarating sya sa BAGUIO...
Tila natigilan n naman ang mundo ni DARK habang pinagmamasdan si GRIO napapangiti na lamang sya ng makita kung gaano kasaya ang reaksyon nito...
Maya maya.. ay napabuntong hininga sya at umiiling na wika sa sarili...
"Yung mga ngiti mo parang ang lakas magdala ng liwanag sa kin... Ano bang meron ka pre... Bat ako nagkakaganito.. Hindi naman ako ganitong tao dati.. LORD!!!!! ano bang nangyayari sa kin??... Bakit simula nung dumating sya.. parang gumaan ang loob ko??"...

Itutuloy...

THIS I PROMISE YOU (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon