EPISODE 56: "TULUYANG PAGLAYO"

36 5 1
                                    


Episode Casts:

JL TORELIZA as DARK
AKIRA MORISHITA as GRIO
GELO RIVERA  as RAIN
MIKKI CLAVER as DAVIS
NATE PORCALLA as ARIES
KIRA BALINGER as LIBRA
AC BONIFACIO as PRINCESS

Isang Linggo na ang lumipas pero hindi pa rin nababawasan ang sakit na nararamdaman ni DARK..
Mas lalo pang tumindi ang hapdi sa kanyang puso ng magresign si GRIO bilang business partner niya...
At ilang araw na rin silang hindi nagkikita...
Nalaman na rin nina DAVIS at RAIN ang tungkol dito.... Kaya pati ang mga tao sa paligid ng nina DARK at GRIO ay apektado sa nangyare sa kanila...

"Anak ... Ano nang pLano mo??? Hahayaan mo na ba talagang ganito yung nangyare sa inyo ni GRIO...??? Bakit ka pumayag na mawala sya sa buhay mo???" malungkot na wika ni VESTRA sa anak habang kinakausap niya ito...

Naiiyak na napailing na lang si DARK..
"MA... hindi ko na din alam kung anong gagawin ko...
Ilang beses ko syang tinawagan at tinext pero di na nya ako sinasagot.. Ma.. gulong gulo na po ako...." Aniya...

Hinagpos ng ina ang likod ni DARK at pagkuway pinayuhan ito...
"Anak kung hindi mo na kaya.... Pakawalan mo... Wag mong kimkimin... Siguro mas mabuti pa nga munang hayaan niyo muna ang isat isa... At Mag isip isip ka muna...Anak... Hayaan mo muna si GRIO.. malay natin isang araw sya yung kusang bumalik sayo at kausapin ka..."

"Sana nga Ma... Kase hirap na hirap na ako...
Alam mo naman kung gaano ko sya kamahal di ba??..
Ang kailangan ko ngayon ay mag isip isip at magpalamig.... Ayoko syang isuko ... Pero sa ngayon ayoko rin syang pilitin kung hindi pa sya handang kausapin ako...."... Malungkot na sambit niya sa ina...

"Mabuti pa anak... Magpalamig ka muna sa US... bisitahin mo dun ang lola PACIFICA mo... Alam ko namimis ka na nun... Baka ito na rin yung time para makapag isip isip ka ng maayos...tapos saka ka bumalik pag alam mong handa ka na...
Kami na muna nina RAIN ang bahala sa business natin...." Suhestyon ni VESTRA...

Kahit litong lito ay tila napisip muli si DARK.. ramdam niyang hindi nya kayang umalis... Pero kung ito yung tanging paraan para gumaan ang kanyang kalooban ay tila kailangan nyang subukan...
"Tama ka Ma... Lilipad muna ako papuntang US.. kailangan ko ng oras at pahinga ... Sobrang lugmok ako ngayon.... Pero pinapangako ko...
Pag balik ko... Aayusin ko kung ano man ang gusot namin ni GRIO...Gagawin ko ang lahat mapabalik lang sya sa akin..."

"Oo anak.. ganyan ang tamang gawin mo...
Pero magpapaalam ka pa ba sa kanya??? Anong plano mo??? Kakausapin mo ba sya bago ka umalis???" Tanong ng ina...

Muling natigilan ang makungkot na mukha niya pagkuway malumanay na tumugon..
"Hindi na Ma.... Mas mahihirapan lang akong umalis pag nagpaalam pa ako sa kanya... Ang plano ko sana pagdating ko sa US ay aalisin ko muna ang lahat ng contact ko na may kaugnayan kay GRIO... Para hindi ako mahirapang makapag isip at makapagplano ng ayos.... Mas madali akong makakaisip ng sulosyon kung walang gumugulo sa utak ko..."

Agad sumang ayon si MOMMY VESTRA  sa gusto ng anak...
"Kung yan ang desisyon mo anak.. susuportahan kita... Basta lagi mong tandaan na nandito lang kami ng kapatid mo... Handang intindihin ka anumang oras kailanganin mo" wika ng ina pagkuway niyakap ang nanlulumong si DARK...

"OPO MA... lagi kong tatandaan yan....
Pero sa ngayon may kailangan muna akong kausapin... " malungkot na tugon niya ....

Tama nga bang ang paglayo ang sulosyon para muling makapag isip ng ayos si DARK...
paano kaya ito matatanggap ni GRIO.???
Tuluyan na ba nilang isusuko ang isat isa...

Habang pasado Alas DOS ng hapon...
Sa isang Park, Doon nagkita sina DARK at LIBRA para makapag usap...

Magkatabi silang naupo sa isang bakanteng bench...
" Buti sumipot ka???" malungkot na wika ni DARK dito...

" Sumipot ako... Kase gusto kong marinig kung ano ang sasabihin mo..." sagot ni LIBRA pagkuway malungkot na tiningnan ni DARK...

" Aalis na muna ako... Pupunta akong US...
sa nangyare sa amin ni GRIO... wala akong maisip na sulusyon kundi ang magpalamig muna ng ulo..." paliwanag ni DARK saka tiningnan ang katabing si LIBRA...

"So... Yun lang ba sasabihin mo... Pinapunta mo ako dito para magpaalam ka??? Pero bakit??? Hindi ka ba galit sa akin kase sinira ko kayo ni GRIO...??" medyo naiiyak ng muling wika ni LIBRA...

Umiling si DARK..
"Hindi..  ... Kse ako naman talaga ang may kasalanan...
Kung inamin ko kaagad yun kay GRIO... hindi sana sya magagalit at maguguluhan... Kaya sarili ko ang sinisisi ko...." Aniya....

" DARK im sorry.... Hindi ko gusto na ganun ang mangyare sa inyo ni GRIO... napakasama kong tao...
Nagpadala ako sa OBSESSION ko sayo... Hindi ko alam na sobrang nakakasakit na pala ako...
Im sorry talaga..." tugon ni LIBRA pagkuway naiiyak na hinwakan niya ang kaliwang palad ni DARK...

"Hindi mo kailangang magsorry...
Wala kang kailangang ipaliwanag kase naiintindihan ko na... Basta tandaan mo na kahit anong mangyare..  ikaw pa rin yung kaisa isang babaeng bestfriend ko since high school..." Pag unawang wika niya habang pagkuway nagpakawala ng buntong hininga...

"DARK.. guilting guilty ako ngayon... Nang dahil sa akin iniwan ka ni GRIO... kung gusto mo kakausapin ko siya... Ipapaliwanag ko ang lahat....
Gusto kong ayusin ang lahat ng gulong ginawa ko sa inyong dalawa...." Naguiguilting wika ni LIBRA..

Muling emosyonal na umiling si DARK..
" Wag na LIBRA... basta mag iingat ka na lang palagi..
At sana matagpuan mo na yung tamang tao para sayo..."

"Ikaw din DARK.. mag iingat ka... At sana maayos niyo na ni GRIO ang isat isa.. naniniwala ako na babalik sya sayo sa tamang panahon..." Tugon ni LIBRA na bakas sa mukha ang pagkaawa kay DARK...
ramdam niya rin sa sarili nya yung pagka guilty at tila gusto nyang itama ang lahat...

Itutuloy......

THIS I PROMISE YOU (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon