EPISODE 57: "PAGPAPATAWAD"

27 5 6
                                    


Episode Casts:

JL TORELIZA as DARK
AKIRA MORISHITA as GRIO
GELO RIVERA as RAIN
MIKKI CLAVER as DAVIS
NATE PORCALLA as ARIES
KIRA BALINGER as LIBRA
AC BONIFACIO as PRINCESS

Nakipagkita si LIBRA kay GRIO para makipag ayos dito... At humingi ng paumanhin sa lahat ng nagawa niya sa dalawa...

"LIBRA... kung ano man yang sasabihin mo... Pakiusap sabihin mo na agad ... Ayoko nang magtagal pa ang usapan natin.." wika ni GRIO dito...

Marahang bumuntong hininga si LIBRA pagkuway saka sumagot..
" GRIO.. gusto ko lng humingi ng sorry sa lahat ng ngawa ko sa inyo ni DARK... sinira ko ang relasyon nyo at sobrang guilty ako ngayon...masyado akong nagpadala sa nararamdaman ko kaya nagawa ko yung ganung bagay.."

Bahagyang lumingon si GRIO dito..
"Alam mo LIBRA... sobrang sinira mo yung lahat ng panagarap namin para sa isat isa... Ipinamukha mo sa akin na hindi ako karapat dapat kay DARK.. " aniya...

"Kaya nga nandito ako ngayon para magsorry sayo....
Kung pwede ko lang tanggalin yung mga sakit na nararamdaman mo at yung masasakit na salitang binitawan ko... Gagawin ko....Pero alam kong hindi yun ganun kadali... Nasaktan ko na kayo... At ang tanging magagawa ko lang... Ay magsorry at buuin muli kayo ni DARK.. " Muling paliwanag ni LIBRA...

" Tama ka... Sobrang sakit nung ginawa mo... At hindi yun ganun kadaling burahin... Nasira mo na kami... At sana masaya ka sa ginawa mo.." tugon naman ni GRIO pagkuway umiwas ng tingin dito...

" Yun na nga ehhh... Akala ko magiging masaya ako pag nasira ko na yung relasyon niyo... Pero.... Nung nakita ko si DARK na sobrang nasasaktan.... Dun ako nakaramdam na mali ang lahat ng ginawa ko... " Wika ni LIBRA

"Pero kahit sabihin mo yan.... Wala na.... Mas pinili namin na bitawan na lang ang isat isa... Kesa magpatuloy kami sa relasyon namin na parang wala naman patutunguhan.. " emosyonal na wika ni GRIO..

Lumapit si LIBRA pagkuway hinawakan ang mga kamay nito...
" GRIO... Makinig ka...Kung ano man yung nakaraan namin ni DARK... matagal na yun... At ala ala na lang ang lahat. ... Pero yung meron kayo ngayon??? Yun ang mas mahalagang dapat ipaglaban niyo....
GRIO wag mong bitawan si DARK...
Hawakan mo sya hanggang sa dulo.... Dahil ikaw lang yung magpapasaya at bubuo sa pagkatao nya... "

Marahang tiningnan ni GRIO ng diretso si LIBRA at tila naliwanagan sya sa mga sinabi nito...
" Pero huli na ang lahat... Nakapagbitaw na ako ng masakit na salita kay DARK... pinakawalan ko na sya.."

"Hindi... GRIO... habulin mo sya... Hawakan mo ulit yung mga kamay nya na minsang binitawan mo...
Ikaw lang muli ang makakapagpabalik ng relasyon mo.... Kase si DARK hanggang ngayon kumakapit pa sayo.... Gawin mo to GRIO para sa akin....
Maging masaya kayo... Dahil kayo talaga ang nararapat sa isat isa...".... Umiiling at naiiyak na wika ni LIBRA sa kanya...

Napangiti at pagkuway biglang niyakap ni GRIO si LIBRA...
"Tama ka LIBRA... hindi ako dapat bumitaw at sumuko na lang.... Ngayon naliwanagan na ako...
Maraming salamat sayo..." Aniya... Pagkuway kumals mula sa pagkakayakap...

"GRIO... aalis si DARK... pupunta sya ng US.. at magpapalamig... Pero hindi ko alam kung kelan ang flight nya... Kaya habang maaga pa.... Pigilan mo na sya..." panggugulat na wika ni LIBRA...

Nagimbal si GRIO sa narinig at tila hindi sya mapakali...
Ramdam niyang hindi nya kayang umalis ang DARK nya...
"Ano???? Hindi ako papayag... Sige LIBRA... pupunta ako ngayon sa SHOP baka andun sya... Kakausapin ko sya at aayusin namin to..." Wika niya...

Nakangiting tumugon si LIBRA...
"Sige... Mag ingat ka.. at sana kayo ni DARK ang magsama hanggang dulo... Masaya ako para sa inyong dalawa..."

Pagkatapos ng usapan nila ay agad umalis si GRIO para tumungo sa DARK COFFEE AREA at doon ay kakausapin nya ng maayos ang pinakamamahal nyan si DARK....

HABANG sa AIRPORT, ay andun naman sina RAIN ,DAVIS , MOMMY VESTRA at PRINCESS para ihatid si DARK ... Ngayon na kase ang takdang paglipad niya patungong US... at pinakiusapan niya ang bawat isa na wag nalang ipaalam kay GRIO ang kanyang pag alis.. sapagkat mas mahihirapan lang syang bumitaw kung makikita niya si GRIO sa mga huling minutong natitira nya sa PILIPINAS..
Hindi rin naman sya sigurado kung pipigilan ba sya nito...at mas ginusto nya lang na umalis ng palihim sa kanyang mahal na GRIO...

" BRO... mag iingat ka dun ahhh.. wag kang masyadong magtatagal dun.. mamimiss ka namin..." Emosyonal na wika ni RAIN sabay tapik sa balikat ni DARK...

Ngiti lang ang naging tugon ni DARK...

"BRAD... Dapat sinabi mo na lang kay GRIO na aalis ka ngayon... Malay mo pigilan ka nya at magkabalikan pa kayo..." Sambit naman ni DAVIS saka tinapik din si DARK sa balikat...

Muliy isang malungkot na ngiti lang ang itinugon nya dito...

"ANAK.. ikamusta mo na lang kami ni PRINCESS sa Lola PACIFICA at sa TITA mo hah...
Mag iingat ka dun... Tandaan mo lahat ng payo ko sayo.... Bakit kase kailangan mong magdeactivate ng lahat ng social media mo... Pano ka namin makakamusta at makokontact.... Mamimiss ka namin ANAK..." umiiyak na wika ni MOMMY VESTRA pagkuway...niyakap ang anak...

Naiiyak na tinugon ng yakap ni DARK ang ina....
At pagkuway kumalas...
"Opo NAY.. tatandaan ko lahat ng sinabi niyo....
Basta mag iingat kayong lahat.... Mabilis lang naman ang ANIM na BUWAN.. babalik din naman agad ako...
Sa ngayon... Ang iisipin ko na muna ay yung sarili ko...
At bubuo ako ng magandang plano para sa amin ni GRIO..." naiiyak na tugon DARK...

"KUYA... wag mo na lang idelete social media mo.. para matawagan ka namin kase mamimis ka tlga namin... " Pakiusap naman ni PRINCESS sa isang tabi pagkuway yumakap din sa KUYA nya...

Ngumiti si DARK sa kapatid
"Kailangan ehhh... Parte ng plano ko yun para.. mabilis akong makapagrecover.... Basta mag iingat kayong lahat at mimimis ko kayo ng sobra...." Aniya...

ILANG segundo pa ay ngtawag na ng pasahero ang staff ng paliparan at ito na rin ang oras ng kailangan ng mag ayos ni DARK para sa nakatakda nyang paglipad sa US....

"Sige na... tinatawag na ako ng US... mag ingat kayo lagi hah... Pero bago ang lahat kailangan ko munang gawin to... " Naiiyak na sambit ni GRIO... pagkuway inilabas niya ang dalang celpone... At saka ito ipinakita kina RAIN, DAVIS at sa mag ina....

Pagkuway nagbilang sya...
"5..... 4......3.... 2.....1...."
Sa isang iglap ay narestore ang celphone nya at tuluyan ng naglaho lahat ng mga ala alang laman nun...
Mga ala alang kay tagal niyang inipon....
Pero pinapangako nya sa kanyang pagbalik ay bubuo sya ng mga bagong ala ala kasma ang mga taong mahalga sa buhay nya....

Lumipas ang oras ay tuluyan ng nakaalis ang eroplanong sinasakyan ni DARK...
AT tila ang buhay ng mga naiwan sa PILIPINAS ay mag uumpisang muli ng bagong yugto na wala si DARK sa pang araw araw nilang pamumuhay....

Itutuloy......

THIS I PROMISE YOU (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon