EPISODE 55: "PAGBITAW"

26 4 2
                                    


Episode Casts:

JL TORELIZA as DARK
AKIRA MORISHITA as GRIO
GELO RIVERA  as RAIN
MIKKI CLAVER as DAVIS
NATE PORCALLA as ARIES
KIRA BALINGER as LIBRA
AC BONIFACIO as PRINCESS

  Umihip ang hangin kasabay ng pagbagsak ng mundo nina DARK at GRIO sa dalampasigan...
Tila huminto ang oras habang magkalayo silang nakatitig sa isat isa at ang luhang patuloy umaagos mula sa kanilang mata ay tila wala ring humpay...

" Totoo ba??" wasak ang puso na wika ni GRIO pagkuway ngbitaw sya ng marahang buntong hininga...

Napailing si DARK at hindi alam kung paano mag uumpisang magpaliwanag...
"Mahal pakinggan mo muna.  Ako hah???" Aniya...

" Of course makikinig ako... Basta sabihin mo sa akin ang totoo..." Mahinahong tugon nmn ng isa...

"Totoo ang sinabi ni LIBRA.... Mayyy... May.. nangya... re na dati sa amin... Pero.... Isang beses lang yun... Nung mga panahong kami pa at lasing ako nun GRIO..." paliwanag ni DARK habang umiiyak at tila mautal utal pa...

Umiwas ng tingin si GRIO at pagkuway napahagulhol ng marahan...
" Bakit di mo sinabi??? Bakit nagsinunangaling ka sa kin... Ano pa bang inililihim mo na dapat kong malaman???? Please sabihin mo na bago ko tapusin to..."

Nagulat ang reaksyon ni DARK sa sinabi ng mahal niya... Kaya agad syang lumapit dito at niyakap ng mabilis...
"Mahal plis..wag nating tapusin to...
Sorry kung di ko agad sinabi sayo yung tungkol dun...
Ayoko lang na masaktan ka... Sorry kung inilihim ko...
Wag mo naman gawin agad to ... Na tatapusin mo kung anong meron sa atin...  Baka hindi ko kayanin mahal plis..." hinaing niya....

Marahang itinulak ni GRIO palayo si DARK...
" Tama na DARK... tama naman yung lahat ng sinabi ni LIBRA... hindi ka magiging masaya sa akin... Madidisaappoint lang kita pag di ko naibigay yung mga bagay na kailangan mo... "

" Wala akong ibang kailangan GRIO... ikaw lang yung kailangan ko.... At wala akong ibang hinihingi sayo kundi yung pagmamahal mo lang... Sapat na sa kin iyon mahal ko... Kaya plis lang wag mong gawin to...Plis!!!" Muling paghihinaing ni DARK dito...

Umiling iling si GRIO...
" Maliwanag na sa kin lahat DARK... hindi talaga tayo para sa isat isa...at yun yung maluwag kong tinatanggap sa dib dib ko ngayon.... Oo aaminin ko .. nasaktan ako sa nalaman ko.... At siguro sign na din yun para wag na nating ipagpatuloy ito.... " Masakit sa dib dib at umiiyak na wika niya kay DARK...

" NO.. GRIO... dont do this..plis... Kailangan kita... Ikaw yung buhay ko.... Ikaw yung gusto kong katabi sa pagtulog at kayakap sa umaga... Mahal plis... Wag mo naman akong iwanan ng ganun lang..." Pagbagsak ng mundo na wika ni DARK pagkuway agad lumuhod sa buhanginan at hinalik halikan ang mga kamay ng GRIO nya....

Agad namang inalalayan ni GRIO na tumayo si DARK para mas makausap ng maayos...
"DARK... ayusin mo na sarili mo... bumalik ka na sa dating mundo mo...  Yung mundong hindi mo pa ako nakikilala... At yung mundong alam mo sa sarili mong nababagay ka...  Kase ako????? Namimis ko na yung dating ako... Namimis ko na yung mga panahong wala ka pa sa buhay ko.... Kaya im sorry... Pero nagising na ako...  Mahal na mahal kita DARK KO...
Pero kailangan kitang bitawan at pakawalan....
Ang saaaakettt... Pero........ Yun ang realidad na meron tayo.... "

Sa narinig ni DARK ay bigla syang natigilan , tila huminto ang ikot ng mundo nya... At mga bulong ng alon mula sa dalampasigan ang unti unti nyang naririnig ... Habang ang mga luha sa kanyang matay tila nawalan ng preno at patuloy ang pagdaloy...
Sa mga segundong iyon ... Ay unti unti rin syang tinalikuran ni GRIO para lumakad papalayo sa kanya... Tanda ng tuluyan nyang pabitaw sa mga pangako nila....
Sa mga paningin ni DARK ay paunti unting naglalaho ang GRIO nya ... Sobrang bigat lang puso nya... Hindi nya maintindihan yung sobrang sakit na nararamdaman niya...
Napakatagal ng minutong siyay natigilan...
At hindi naglaon ay tuluyang hindi nya na maaninag si GRIO mula sa kalayuan...
Doon nya napagtanto na bumitaw na nga si GRIO sa mga yakap niya...
"Griiii..... Griiiii... Grio!!!!" mautal utal at may sakit sa dib dib na bigkas nya...

"Bakeeetttt??? BAAAAAAAA KEEEEETTTTTT?????!!!!" pagkuway isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni DARK sa tabi ng dalamapsigan na sumabay sa tuluyang paglubog ng ARAW.....

MAKALIPAS ang ISANG LINGGO, SELYAS DELICACIES STORE

" Anak??? hanggang ngayon hindi ka pa rin nagkukwento sa nangyare sa inyo ni DARK sa BAGUIO???? " tanong ni NAY SELYA sa anak ng mapansin ang matamlay n itsura nito...

"Ano po bang dapat kong ikwento???" Batong tanong ni GRIO sa ina...

" Ehhh bakit kailangan mong magresign sa DARK COFFFEE AREA... at saka bakit umuwi kang mag isa... At hindi mo ksama si DARK??? ano bang nangyare sa inyo sa BAGUIO???" curious na pangungusisa ng ina...

Bumuntong hininga lang si   GRIO at pagkuway nabakas sa mga mata niya ang kalungkutan....
"Nagdesisyon na po kaming maghiwalay ni DARK... kase ramdam namin na hindi kami para sa isat isa... At saka po... Hindi nya sinabi na may nangyare pala sa kanila ni LIBRA nung panahong sila pa... Naglihim po sya sa akin NAY... at sobrang sakit nun..." Paliwanag niya dito...saka muling nagparamdam na naman ang mga luha mula sa kanyang mata...

Nagulat si NAY SELYA sa nalaman at nakaramdam siya ng panghihinayang para sa relasyon ng dalawa...
" Ohhh tapos ganun na lang yun anak.... Maghihiwalay agad kayo dahil lang dun??? Anak!!! Akala ko ba mahal mo si DARK...??? At saka yung sa kanila ni LIBRA.... matagal na siguro yun... Sana man labg binigyan niyo muna ng ikalawang pagkakataon ang isat isa..." reaksyon ng ina...

"Oo nay!!! Mahal na mahal na mahal ko si DARK... pero.....?????? Ayokong madis appoint sya balang araw pag hindi ko naibigay sa knya yung kasiyahang pupuno sa kanya... Kaya mas mabuti pang bumitaw na lang kami sa isat isa..." Sagot ni GRIO pagkuway isang malakas na hagulhol ang binitawan niya sa harap ng ina....

Agad naman itong niyakap ni NAY SELYA para ikomfort ang anak nya...
"Anak???? Ang totoong nagmamahal.. ay hindi sumusuko... Kailanman...
Kaya pag isipan mo ang mga desisyon mo... Bago pa mahuli ang lahat...."

Itutuloy.....

THIS I PROMISE YOU (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon