EPISODE 12: " UNANG BYAHE NG PAG-IBIG"

53 6 0
                                    


Episode Casts:

JL TORELIZA as DARK
AKIRA MORISHITA as GRIO
GELO RIVERA as RAIN
MIKKI CLAVER as DAVIS
NATE PORCALLA as ARIES
PINKY AMADOR as NAY SELYA

Kinabukasan,
Maagang sinundo ni DARK si GRIO sa KAKANINAN...
pero bago ang lahat nagpaalam muna sila kina NANAY SELYA , ARIES at DAVIS..
at nang makaalis ang dlawa ay hindi maiwasang mapag usapan nina NANAY SELYA si DARK...

" Mabait naman pala si DARK akala ko nung una.. masungit at suplado..." Puring wika ni Nay SELYA..

"Akala ko nga rin po NAY ehhhh... Pero kita nio naman .. bumati pa sa tin kanina nung sinundo niya si KUYA GRIO.. tpos may dala pang pasalubong sa atin na pancake ohhh..." nakangiting hawak ni ARIES ang box ng mainit init pang apat na patong ng hugis bilog na pancake na may natutunaw pang butter sa ibabaw...

" hahhaha... Puro ka tlga kasibaan ARIES.... pero seryoso nay... Ngayon ko lang din napagtanto na mabait pala si DARK...  Akala ko din nung una masungit ehhh..." Wika naman ni DAVIS na nakatingin kay NAY SELYA...

"OO nga ehhh NAKU ... kung naging babae lang yang anak kong si GRIO... papaligawan ko na yan kay DARK.. mukha kaseng maginoo yung tao pag nakilala mo na..." Sambit naman ng ina...

Biglang natawa sina DAVIS aT ARIES..
" Hala ang inay... Gusto pa ytang ibugaw si kuya GRIO hahhaha.." ani ARIES.

" Nay... Hindi pwedeng mangyari yun ... Kase di sila talo ... Parehas silang lalaki nuh??" Natatawang wika dn ni DAVIS...

" Hayy.. ewan ko sa inyong dlawa... Mabuti pa kainin na natin yang pancake na dala ni pogi .. baka lumamig pa tpos maya maya ay mag ayos n tayo dto sa kakaninan.." sambit naman ni NAY SELYA...

Nag uumpisa nang bumyahe.. sina DARK AT GRIO patungo sa BAGUIO para kausapin ang bago nilang kukuning supplier ng COFFEE BEANS..

Habang nasa byahe si DARK na mismo ang nag umpisang magkwento kay GRIO para di sila mabored ...
" GRIO... ilang taon k na nga ba??"
Tanong niya...

"Ahhh , 20 Pre... Ikaw ba??"
Tugon nito...

"Wow!! Magkasing edad lng pala tayo ehhh... 20 na rin ako katatapos ko lang magbirthday.."
Muling wika niya...

"Ganun ba??? Ang galing naman kaseng edad lng pala kita.. " sagot ni GRIO na tila nauubusan ng ideya kung ano bng sasavihin nya...

Bumuntong hininga si DARK habang patuloy na nagdadrive..
"Ahhhmmm... Nasan na nga pala ang tatay mo..?? Para kaseng di ko sya nakikita sa pwesto niyo sa kakaninan ehh.."tanong niya dito

Malungkot na tumingin si GRIO sa knya...
" Mtagal na syang wla... Bata pa lang ako...kaya nga si inay na ang nagtaguyod sa min ni ARIES ... Alam mo kung hindi madiskarte ang NANAY ko malamang baka wlang nangyare sa buhay ko ngayon.. " wika nito...

Marahang nilingon ni DARK si GRIO..
"SOrry kung naitanong ko pa... Nalungkot ka tuloy bigla... Ang swerte mo pla sa nanay at tatay mo nuh??" Aniya pagkuway siya naman ang nakaramdam ng lungkot at awa sa sarili...

"Bkit naman?? Ahhhmmmm.. may problema ka ba sa NANAY at TATAY mo..??" nacucurious na tanong ni GRIO...

Tila nabagsakan ng langit at lupa sa lungkot ang mukha ni DARK na agad namang napansin ni GRIO...
"Ahhh sorry baka hindi ka pa pala handang magkwento sa kin... Pasencxa na DARK.." biglang binawi ni GRIO ang kanyang tanong...

Lumingon si DARK sa kanya..
May namumuong luha sa mga mata niya na handa na dapat bumagsak pero tila pinipigilan nya ito...
"Bata pa lang ako.. pinaniwala ako nina MOMMY at DADDY na isa kaming perpektong pamilya.. na masaya ang pagsasama nilang dalawa... Na nagmamahalan sila.... Pero... Isang araw nalaman ko na lang na may iba pa palang pamilya si MOMMY.. at matagal na ring alam ni DADDY ang tungkol dito...
Pero nagpapakamartyr lang sya kase mahal nya dw si MOMMY...Pero alam mo yung masakit sa side ko...????
Yung pinaniwla nila ako sapul pagkabata pa lang na ok sila pero ang totoo.. hindi naman pala...
Niloko nila ako pareho... Nagsinungaling sila...
Tpos isang araw bigla na lng nawla si MOMMY .. hindi na sya nagpakita kailanman ... Kahit nung namatay ang DADDY ko.." naiiyak na kwento nito...

Tila nadala si GRIO at nahabag sa narinig... Gusto nyang yakapin si DARK pero di nya magawa dahil nahihiya sya at bukod pa dun nagmamaneho din ito..
"Sorrry... Sana d ko na lang tinanong ... Kaya ka pla ganyan DARK... parang ang dilim dilim ng Nilalaman ng puso mo....yun pala matindi ang sakit na pinagdaanan mo.. pasensya na pre... Sobra akong nasasaktan para sayo..." wika ni GRIO...

Napailing habang nagdadrive si DARK at pagkuway tuluyan nang tumulo ang luha sa mga mata niya...
Tila hindi nya na napigilan ang emosyon...
"Kaya hanggang ngayon galit na galit ako kay MOMMY.. sinungaling sya... At isa rin sya sa dahilan kung bakit nawla ang tiwala ko sa ibang tao... " Umiiyak ng wika niya...

"Itigil mo muna sa tabi ang sasakyan DARK!!" utos na wika ni GRIO..

"Hah?? Bakit??" takang tanong ni DARK..

"Basta pre.. itigil mo." ulit na wika nito..

Sumunod na lng si DARK sa sinabi nito at inihinto muna niya sa gilid ng high way ang kotse... Pagkuway nagulat sya sa ginawa ni GRIO...
bigla na lamang syang niyakap nito ng sobrang higpit..
"DARK .. alam ko masakit pinagdaanan mo.. pero hayaan mong kahit sa simpleng yakap ng isang kaibigang tulad ko... Ay maipadama ko sayo na nandito lang ako.. at kaibigan mo rin ako...
Ill promise na magiging totoong tao ako sau a hindi ko sisirain ang tiwala mo.." emosyonal na wika ni GRIO habang mahigpit na yakap si DARK...

Naramdaman ni DARK na tila gumagaan ang pakiramdam niya at  sobra ang sayang nararamdamab niya ngayon kaya niyakap niya rin ito pabalik ng sobrang higpit...

"Salamat GRIO... hindi ko akalain na may makikilala pa pala akong isang kaibigan na kagaya mo... Sobrang swerte ko ngayon at nandito ka....
Sobrang saya ko at bahagyang gumaan ang loob ko.. slamat sa comfort mo GRIO..
Pero sana wag mo kong iwan hah... Sana di ka mawala sa buhay ko hah... Ipangako mo na isa ka sa mpagkakatiwalaang kaibigan ko..." Mangiyak ngiyak na wika niya pagkuway mas lalo pang hinigpitan ang yakap dito...

"Oo DARK.. pare... Hindi ako mawawala sayo... Magiging totoong kaibigan mo ako.. promise.!!!
Every words i say is true, THIS I PROMISE YOU pare..

English pa yun hah.. kinuha ko lang lyrics ng kanta ng NSYNC.." nangangakong wika ni GRIO ..

At nang kumalas na sa pagkakayakap ang dalawa ay nagtawanan sila...
" Astig english mo pre ... Akala ko nmn totoo ng galing sa puso mo yun ehhh" unti unti ng nawawala ang lungkot ni DARK at nakangiti na sya...

"Kahit papano galing pa rin sa puso ko yun nuh??? Tingnan mo ngumingiti ka na??" Nakangiti ring tugon ni GRIO..

"OHH sya mahaba haba pa ang byahe natin pre... Alis na tayo.." nakangiting pagyayakag niya... Pagkuway inistart na ang sasakyan at nagmaneho...

Nagsimula n muli silang magbyahe at sa pagkakataong yun na nawala na ang boundary na namamagitan sa knila.. hindi na sila nagkakahiyaan sa isat isa at para bang nabuo na ang closeness sa dalawa..

Itutuloy..

THIS I PROMISE YOU (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon