EPISODE 15: "NGITING HINDI MAPAPANTAYAN"

65 4 0
                                    


Episode Casts:

JL TORELIZA as DARK
AKIRA MORISHITA as GRIO
GELO RIVERA as RAIN
MIKKI CLAVER as DAVIS
NATE PORCALLA as ARIES
PINKY AMADOR as NAY SELYA

Hindi na namalayan ni DARK na nakatulog  na pla siya
sa yakap ni GRIO ... maya maya ay nagising siya... Dahan dahan niyang inangat ang kamay ni GRIO  na mahigpit na nakayakap sa kanya , para tumungo sa CR at umihi.. bago sya bumaba ng kama ay sinulyap niya muna ang mahimbing at parang baby kung matulog na si GRIO.. napapangiti na lang siya kase naririnig nya ang mahina at cute na hilik nito... Nafocus ang mga mata niya sa pikit na mata nito na napakaamo ...
Ilang segundo pay naulirat siya ng maramdaman nyang naiihi na talaga sya.. kya tumungo na sya sa CR...

Pagkatapos niyang umihi ay napatingin sya sa salamin na nasa wash area...
Lumapit sya sa salamin at tiningnan ang sarili...
" Hui.. Dark... Ikaw pa ba tlga iyan??
Bakit parang hindi ko na makita sayo yung dating madilim na awra...?? Bakit parang napakaaliwalas ng mukha mo??? ...... Si GRIO na ba ang dahilan???
Pero bakit si GRIO..??? samantalang napakadaming babae sa paligid mo... Hayyyssss... Pigilan mo ang sarili mo... Hindi ka ganyan.... Hindi mo pwedeng magustuhan ang isang taong hindi ka naman tataluhin..." aniya habang pabulong na pinagsasabihan ang sarili sa salamin... Pagkuway naghilamos siya at napatingin sa kanyang wrist watch...
Alas dos na pala ng madaling araw...

Muli siyang bumalik sa kama para muling tumabi kay GRIO...
pinag mamasdan nya lang ito habang natutulog... Ramdam niyang parang hindi na sya nakakadama ng antok..

" Ano DARK??? buong magdamag mo na lang bang titigan si GRIO... at makikinig sa mga mahinang hilik nya... ??? Ano ka ba DARK tumulog ka na.." bulong niya sa sarili...
Bandang alas tres na ng madaling araw ay gising pa rin si DARK  habang nakatitig pa rin sya sa ntutulog na gwapong nilalang sa kanyang tabi at tila nag iintay sya na gumalaw muli si GRIO at kusang yumakap sa kanya... Baka sakali kaseng makatulog muli siya sa mga yakap nito..... pero ilang minuto pa ang lumipas ay hindi pa rin  gumagalaw si GRIO at parang sobrang lalim ng tulog nito... Nainip na si DARK " bahala na nga... Basta bahala na..." Wika niya sa sarili at pagkuway kusa nyang hinigit si GRIO at sya na mismo ang yumakap dito.... Nang sobrang higpit....
Inamoy niya ang leeg nito na kahit nag hahalo ang amoy ng alak at pabango ay mbango pa rin...
Pakiramdam niyay naaadik sya sa yakap at amoy ni GRIO...
Mas hinigpitan pa nya ang yakap  na tila gusto nya nang pisain  ang kawawang GRIO na ang nais lang naman ay matulog pero bakit may paganitong galawan naman si DARK......

Mahimbing pa rin ang tulog ni GRIO pero maya maya gumalaw ito at  niyakap na din si DARK at di sinasadyang tumapat ang mukha ng tulog na si GRIO
sa mukha niya...
halos isang inches na lang ang pagitan ng labi at mga ilong nila ... Ramdam na ramdam at amoy na amoy ni DARK ang mainit at nakakalasing pero mabangong amoy ng hininga ni GRIO...
natigilan siya at tinitigan ang labi ng pikit at mahimbing ang tulog na nilalang...
Inamoy pa niya ng husto ang hanging inilalabas ng ilong at bibig ni GRIO... pakiramdam niyay mababaliw at malalasing siya sa samyo ng amoy nito...
Halos magpalitan na lang sila ng hanging ibinubuga ng kanilang katawan sa sobrang lapit ng kanilang mukha...
"Ayoko nang matapos ang gabing ito GRIO... ayoko nang magising kung panaginip lang ito...
Ikaw lang ang nagbigay ng liwanag at ligaya sa buhay ko....
Ngayon alam ko na sa sarili ko kung bakit ako ganito??? Mahal na siguro kita GRIO... mahal na mahal... Peto bakit ang bilis kong mahulog sayo...???
At bakit sayo pa... ??? masyadong komplikado ang mundo natin..." Nakangiti at siguradong wika ni DARK...  Pagkatapos ay unti unti na syang pumikit na para bang ang gaan gaan lang ng lahat...
At sa mga yakap at amoy ng isang GRIO.. ay nahele siya na naging dahilan para tuluyan na siyang makatulog...

THIS I PROMISE YOU (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon