Episode Casts:JL TORELIZA as DARK
AKIRA MORISHITA as GRIO
GELO RIVERA as RAIN
MIKKI CLAVER as DAVIS
NATE PORCALL as ARIES
AC BONIFACIO as PRINCESS
KIRA BALINGER as LIBRA
PINKY AMADOR as NAY SELYA
AGOT ISIDRO as VESTRA
NONIE BUENCAMINO as ARTHURKinahapunan, namasyal sa likod ng bahay bakasyunan sina DARK at GRIO...
Napakaganda sa likod nito dahil may halamanan ito at hardin..."DARK ... bakit may mga tanim na bulaklak dito...
Meron ka bang katiwala na bumibisita dito???" takang tanong ni GRIO habang pinagmamasdan ang mga bulaklak ng gumamela at rose na nasa hardin..."Oo.. kada hwebes pumupunta dito si Aling MELVA..
sya ang naglilinis ng bahay at nag aayos ng halaman kapag hindi ko nabibisita ang lugar na ito... Dati pa syang katiwala ni LOLA PACIFICA kapag umuuwi siya dito.." pagtango ni DARK..."Ahh ganun ba ?? Kaya pala ang gaganda ng halaman at mukhang naalagaan sya. " manghang wika ni GRIO...
Maya maya ay nakaisip ng kalokohan si DARK..
plano nyang pagselosin at tingnan ang reaksyon ni GRIO sa pamamagitan ng mga bagay na naaalala niya tungkol kay LIBRA..."Ahhhmmm alam mo ba ..kaya ako nagpatanim ng gumamela kase paborito yan ni LIBRA. " unang pasada niya..
Napatingin si GRIO pero di sya nagpakita ng kahit anong selos na reaksyon ..
"Talaga ba??? Magaling naman kung ganun .. atlist buhay pa ang alaala niyo..."nakangiti lang si GRIO...Tinitingnan pilit ni DARK ang reaksyon nito pero mukhang di umobra ang una nyang banat
"At saka pati yang ROSE paborito rin ni LIBRA... gustong gusto pa nga nya na pipitasin ko yan at ibibigay ko sa kanya.."pangalawang banat ni DARK.. pagkuway muling sinulyap si GRIO para makita kung magrereact na ito ng pagseselos..."Ahhh oo maganda naman talaga yang ROSE bagay kay LIBRA yan... Ang sweet naman kung ganun.." sagot ni GRIO ng nakangiti pero deep inside nagseselos siya ngunit ayaw niya lang ipakita kay DARK dahil nahahalata niya na parang sinasadya nito na pagselosin siya..
Nagtataka pa rin si DARK kung bakit d man lng nagbabago ang reaksyon ng mahal niya ni hindi man lang nagpakita ng pagseselos kaya ipinagpatuloy nya pa rin ang pilyo niyang plano...
"At saka dati ... Naghahabulan kami ni LIBRA dito sa likuran... Ang saya saya namin nun... Para nga kaming totoong mag asawa nung mga panahong iyon..."
Pangatlong banat ni DARK...Muli ay nakangiti lang sumagot si GRIO pero ang totoo ay sasabog na sya sa selos... Kaya lang nahalata niya na mukhang sinasadaya tlaga nito na pagselosin sya... Kya sinakyan niya ang kalokohan ng kanyang pilyong mahal na si DARK..
"WOW naman... Ang ganda nun DARK siguro para kayong sina KATHRYN at DANIEL nun di ba?? Ang dami mo palang masasayang alaala kay LIBRA.. nakakatuwa naman.." nakangiti pa ring tugon ni GRIO...TILA hindi na mapakali si DARK dahil hindi nya man lang makitang magselos ang reaksyon ni GRIO bagkus pa ay pangiti ngiti ito na parang wla lang...
"Naaalala ko pa nun.. hawak ko ang kamay ni LIBRA tapos sabay kaming humiga sa damuhan ... Nanonood kami ng mga ulap na magkayakap.." muling banat ni DARK pero ang totoo ay lahat ng mga sinabi nyang ito ay pawang gawa gawa niya lamang para lang makitang magselos ang mahal niyang si GRIO...
Ngunit tila hindi pa rin epektibo kay GRIO ang sinasabi niya bagkus pay nakangiti lalo ito ng sobrang lapad sa kanya..
"Teka!!! Mahal ba tlaga ako ng GRIO ko??? Bakit ayaw niyang magselos.. kakainis naman!!" bulong ni DARK sa sarili habang naasar na tinitingnan ang mga ngiti ni GRIO..."WOW....!! grabe DARK... ang sweet nung ganun... Yung hihiga kayo sa damuhan tapos magbibilang kayo ng mga ulap... Grabe ang sweet nung ganun..." Nakangiti pa rin pero selos na selos na si GRIO...
ayaw niya lang talaga ipahalata dahil sinasakyan niya ang trip ng DARK niya...
"Ahhh ganun DARK ko hah... Tlagang sinasadya mo akong pagselosin... Kung alam mo lang sasabog na ako... Pero dahil pilyo ka... Sasakyan ko yang gusto mo para makita ko kung sinong unang pikon.."nakangiti naman na din bulong ni GRIO sa sarili habang nakatingin sa tila naiinis nang si DARK..."Tapos !!! Habang magkayakap kami .. pinagplaplanuhan namin yung mga bagay na gagawin namin balang araw... Gaya ng baby... Ng dream house at ng magandang buhay" ipinagpatuloy pa rin ni DARK ang nasimulan nyang pang aasar pero sa totoo naiinis na sya dahil parang wala naman itong epekto kay GRIO...
Pilit muling ngumiti si GRIO..
"AYYY... ang gandang desisyon yun sa buhay... Yung magpaplano kayo.. para sa future niyo... Grabe ang sweet niyo pala ni LIBRA nun???" wika ni GRIO...Nangunot ang noo.. at saka umiwas ng tingin si DARK kay GRIO...
"Nakakaiyamot ka!!!" asar na wika niya...Napanganga at pigil na natatawa si GRIO
"Ohhh bakit may problema ba DARK.. anong ginawa ko..???" Wika namn ni GRIO...Tumingin ng diretso si DARK..
"Hindi mo naman pala ako mahal..."tampong tugon nito..."Hah??? Bakit ba??? Ano na naman bang nangyayari sayo DARK.. ?? para kang baby..."maang maangan na tanong ni GRIO pero ang totoo alam niyang kaya nagkakaganun si DARK ay dahil hindi siya nagpakita ng mga reaksyong pagseselos sa mga sinasabi nito tungkol kay LIBRA... pero yung totoo sa sarlili nya ay gustong gusto nya nang magwala sa selos..
"Ehhh bakit hindi ka nagseselos...??? Bakit parang wla kang pakialam kung may ganung ganap sa min LIBRA
dati...??" Tampo at nakasimangot na tinalikuran ni DARK si GRIO...Natawa si GRIO..."So... Sabi ko na nga ba.. sinasadya mong banggitin at ikwento si LIBRA para mapagselos mo ako ehhhh.... Napakapilyo mong nilalang.." aniya dito...
Hindi pa rin lumilingon si DARK...
"Hindi mo kase talaga ako mahal.. kaya di ka nagseselos..."nakangusong tampo nito...Hindi talaga mapigilan ang pagngiti ni GRIO..
kase sa totoo lang ay cute na cute siya sa reaksyon ng singkit at nagtatampo nyang mahal na si DARK...
"Pag sinabi ko bang sasabog na ako sa selos kanina pa... at gustong gusto ko nang ipakain kayong dalawa ni LIBRA sa LEON ehhhh.... Mawawala na yang tampo mo....???" Wika ni GRIO..Biglang nagbago at lumingong nakangiti si DARK..
"So... Nagselos ka tlaga???? Yung totoo???" aniya..."Oo selos na selos... Nagpipigil lang ako kase nahalata kita na sinasadya mo... Kaya sinakyan ko lang.. kaso ang ending ikaw ung tampo at magpapasuyo..." Paliwanag ni GRIO sa kanyang makulit at pilyong mahal...
Ngiting ngiti na lumapit si DARK at pinisil ang ilong ni GRIO...
"AYieeeehh... Nagselos pala ang baby ko.... Akala ko naman hindi epektibo yung ginawa ko.... Muaaahhhh wag kang mag alala ... Kase lahat naman ng sinabi ko sayo kanina about sa min ni LIBRA... ay pawang gawa gawa ko lang... Kase hindi naman kami ganu kasweet ni LIBRA nung kami ehhhh..." pilyong wika ni DARK..pagkuway mabilis na naman hinalkan sa noo si GRIONapailing na lang si GRIO sa kapilyuhan nito...
"Kahit kailan ka tlaga DARK ... Napakabad mo..
Gusto na sana talaga kita hambalusin ng tsinelas kaso naalala ko mahal nga pala kita.. kaya wag na lang..." Kinikilig na sagot ni GRIO...Mas lalo naman ang kilig na nadarama ni DARK sa narinig..
" Ehhh di paluin mo ako ng tsinelas pero may pagmamahal... Hahhahhhaa" anito...pagkuway yumakap kay GRIO...Umihip ang malamig na hangin na magkaakbay ang dalawa habang naglalakad sa halamanan...
Tila ba nawawala ang lahat ng agam agam ni DARK sa sarili kapag kasama niya ang taong ngayoy may ari ng puso niya....Itutuloy.....
BINABASA MO ANG
THIS I PROMISE YOU (Completed)
RomansaJL TORELIZA- is DARK JUSTINE MONTERO or DARK isang taong lumaki sa mundong puno ng kasinungalingan buong buhay pakiramdam nya lahat ng taong mahal nya ay hindi totoo sa kanya.Sya rin ay nagmamay ari ng sikat na DARK COFFEE AREA isang Coffee Shop na...