Chapter 01
Crush
-----
"Congrats," ani Cher Emma habang nakalahad ang bahagyang nakatuping exam paper ni Kuya Neil sa kaniya.
"Congrats, bagsak ako," sabi ni Kuya Neil na naging dahilan nang halakhakan naming lahat.
Tapos na ang exam week namin sa Aristotle Academy. Binabalik na ang mga test papers namin, at sobra-sobra ang kaba ko dahil ang subject ni Cher Emma ang pinakamahina ko, Science. Nag-aral naman ako kagaya nang paga-aral ko sa ibang subject. Hindi ko alam kung dapat ba akong mag-expect na mataas ang markang makukuha ko dahil nag-aral talaga ako ng husto para sa exam namin.
Dalawang subject na ang na-perfect ko, at talagang nagulat ako roon dahil hindi ko iyon inaasahan na makuha. Bukod sa sanay akong palaging mababa ang score ko sa mga exam, alam ko rin naman na hindi ako sobrang matalino kagaya ng iba. Kaya nga nasa section B lang ako, e. Pero nang makita ko ang scores ko sa mga exam, bigla akong nabuhayan para mag-aral ulit kagaya nang paga-aral ko para ma=perfect ko ulit ang mga exam ko.
Hindi pa naman periodical exam 'to. Unit exam pa lang, pero mataas na rin ang makukuha kong grado kung mataas na score ang makukuha ko dahil ipinaliwanag sa 'min 'yon ni Cher Emma noong first day of school.
"Abcan," basa ni Cher Emma sa apelyido ko.
Kabado, tumayo ako mula sa upuan ko at kinuha ang exam paper mula sa kamay niya. Nakatayo sa tabi niya si Kuya Neil na kinukulit siya para sabihin ang score ko. Kinibot ni Cher Emma ang pareho niyang kilay nang magkatinginan kami habang nakangiti sa 'kin na naging dahilan kung bakit kabahan ako lalo.
"Pasado si Kheerah," ani Kuya Neil. "Walang congratulations, e,"
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil sa sinabi niyang 'yon, pero hindi ko na lang siya pinansin. Bahagyang nakatupi rin ang exam paper ko para walang makakita ng score ko. Huminga ako ng malalim pagkaupo ko, kabado sa makikitang score sa test paper ng Science.
Ayos lang 'yan, Kheerah. Kung mababa ang nakuha mo, e 'di, mag-aral ka na lang sa susunod para tumaas. Kapag mataas, e 'di, congrats. Puta. I hate Science!
"Anong score mo?" Tanong sa 'kin ni Amanda bago ipakita ang kaniya. "Ako, 36 over 45. Ikaw, Kheerah?"
"Hindi ko pa alam," sagot ko.
"Tingnan mo na," aniya.
BINABASA MO ANG
Take It Slowly (High School Series #2)
Romance[High School Series #2] She never expects something in high school when she entered her 1st year at Aristotle Academy. She just wants to study and graduate. To be specific, she only wants to graduate without even studying because she's too lazy to s...