Chapter 18
Dare
-----
Last year na namin bilang junior high school student, at ang mga tang ina, ginawa pa akong muse tapos si Atlas ang escort. Alam kasi nila na hanggang ngayon ay crush ko pa rin si Atlas. Atlas never entertain my feelings because he's too busy studying. Ni hindi nga niya alam na may gusto ako sa kaniya, e. Wala namang problema ro'n dahil hindi rim naman ako nagha-hanap ng atensyon mula sa kaniya. Ayos na sa 'kin na magkaibigan na kami. Close friends, to be exact.
The more years I've been endured, the more pain I've been felt. Hindi na ulit ako naging top 1. That's fine, but the feeling that I was defeated by someone who was effortlessly studying felt so unfair for me. Natural lang kay Sanya na maging matalino. Natural lang din kay Yohan na maging matalino. Natural lang din kay Atlas na maging matalino. Kahit hindi sila mag-aral, nakakasagot sila sa mga tanong. It's not unfair because they didn't wish to be born like that. It's not their fault. But I still find it not fair. Ako na gumagawa ng paraan para maging top 1, naging top 3 na lang. Well, at least, I am still on the top 3, right?
No'ng grade 8, I felt devastated when I learned I was still in the top 2 while Atlas replaced Sanya for being the top 1. Naging top 4 na lang si Sanya while Yohan was still undefeated for being the top 3. Sanya looked like she didn't care. I envied her for not caring about the ranking. In 9th grade, Atlas was still the top 1, the whole school year, while I was the top 3 since Yohan studied well and became the top 2 as Sanya was still the top 4. Ngayong 10th grade, si Atlas pa rin ang top 1 habang top 2 si Yohan. Ako ay top 3 pa rin habang top 4 pa rin si Sanya. Kaming tatlo nina Atlas at Yohan ang palaging nagtatalo sa pwesto ng top 3 pero alam ko, alam namin, na hindi na namin matatalo pa si Atlas dahil sa katalinuhan niya.
Hindi ko na rin alam sa sarili ko. Tanggap na naman nina Mama na hindi na ulit ako magiging top 1. Hindi na rin 'yon pinupuna ng mga kaklase ko dahil parang normal na para sa kanila na malaman na si Atlas ang palaging top 1 namin. Na para bang imposible na may makatalo kay Atlas. Na mas nakakagulat kung hindi na top 1 si Atlas.
Ilang beses ko nang sinasabi sa sarili ko na hindi ko na kailangan na maging top 1. Na ayos lang kahit na anong makuha ko. Na kahit mawala pa ako sa ranking, ayos lang dahil hindi naman ako bagsak. Dahil hindi naman 'yon ang priority ko. Ang maka-graduate ang priority ko, hindi ang mapasali sa top 10. Pero kada minuto na sumasagi sa isip ko ang mga salitang matagal na nilang nabitawan, hindi ko mapigilang saktan ang sarili ko para ipamukha na tanga ako. Na bobo ako. Na mali ako.
Bakit ko ba kasi naisip na mag-aral no'n? Ayos naman ako no'ng elementary, ah? Wala akong iniisip na top. Wala akong pinoproblema na awayan. Wala akong iniiyakan na test papers. Wala akong iniisip na bagsak na mga scores.
Pa'no ba mawala sa top 10 nang hindi nasasaktan? Gagawin ko.
"Saan ka maga-aral ng senior high school?" Hinihingal na tanong ko kay Atlas.
Umupo siya sa tabi ko habang pinupunasan ang pawis niya gamit ang dala niyang bimpo. Kitang-kita ko ang pawis niya sa noo niya maski sa leeg niya. Ang grey niyang t-shirt ay basa na rin ng pawis niya dala nang page-ensayo namin ng sasayawin sa Intrams. Kami ang muse at escort kaya malamang ay sayaw ang gagawin naming talent. Alangan namang kumanta kami, e, pareho kaming sintonado? E, 'di, automatic na talo na kami no'n.
"Hindi pa 'ko sigurado. It's either Lee or Cohen," sagot nito sa 'kin. Lumingon siya habang binubuksan ang tumbler niya. "Ikaw? Hindi ka na ba sa Aristotle maga-aral?"
BINABASA MO ANG
Take It Slowly (High School Series #2)
Romance[High School Series #2] She never expects something in high school when she entered her 1st year at Aristotle Academy. She just wants to study and graduate. To be specific, she only wants to graduate without even studying because she's too lazy to s...