Chapter 27

21 2 0
                                    

Chapter 27

Double

-----



"Aidan, I'm already done with my part. Pwede na ba akong umalis?" tanong ko sa katabi ko na tutok sa sariling laptop niya.



Tinanggal niya ang mga mata niya mula sa screen ng laptop niya bago humarap sa 'kin. Tiningnan niya muna 'yung gawa ko bago niya 'yon pinapasa sa laptop niya. Pagkatapos niyang makuha ang parteng ginawa ko, hinayaan na niya akong umalis kagaya nang ipinagpaalam ko sa kaniya. Hinarap ko si Atlas na tapos na rin sa ginagawa niya bago ako tumayo para ayusin ang mga gamit ko.



"Friends, una na 'ko sa inyo. Kaya niyo na 'yan. Ang babagal niyo," pagbibiro ko habang nililikom ang mga gamit ko.



"Natapos ka lang ng maaga," sambit ni Atlas bago ako lingunin. "Susunduin ka ba ni Austin?"



"Oo," sagot ko. "Bakit? Sasabay ka na ba sa 'min? Isa lang naman ang pupuntahan natin,"



"Hindi pa 'ko tapos," sumimangot siya bago inguso si Aidan na abala sa pagtitipa sa laptop niya. "Sasamahan ko na rin 'to hanggang sa matapos siya. Kawawa naman, e. Naligaw lang naman siya rito sa STEM kahit na dapat ay sa HUMSS siya,"



"Naririnig ko kayo," biglang sambit ni Aidan, hindi kami tinitingnan.



"Talaga? Akala ko, hindi, e," kunwari'y manghang wika ni Atlas. "Malapit na 'kong matapos, Aidan. Sana, ikaw din,"



"Bakit kasi tatlo lang tayo? Puta," mahinang reklamo ni Aidan habang nakakunot ang noo.



"Mas ayos na 'yan kaysa umasa lang sila sa 'tin," sambit ko bago tapik-tapikin ang balikat niya. "Kaya mo 'yan leader. We're not the so-called STEM trio for nothing,"



"AKA lang sakalam," natatawang suporta pa sa 'kin ni Atlas.



"AKA, amputa. Corny talaga!" nakangiwi kong sambit bago ayusin ang strap ng bag ko sa balikat ko. "Sige na, friends! Alis na 'ko. Goodluck sa inyo! Matapos na sana 'yan ngayong araw!"



Hindi na ako pinansin nang dalawa kaya tuluyan na akong nakaalis sa library kung saan namin ginagawa ang thesis namin. Tatlo lang kami dahil 'yon ang ni-request ni Atlas. Kung may iba pa kasi kaming miyembro, aasa lang sila sa 'min katulad no'ng nangyari last year. We're already on the 12th grade in senior high school, and we've been classmates for the second time. We are known in our school, Cohen Academy, because of our intellegence and great teamwork. Mas nakilala pa kami nang sinali kaming dalawa ni Atlas sa school pageant habang sa debate naman si Aidan.



Yes, Aidan is my first love. The guy that I liked when I was in kinder. That's him. The one and only Aidan Eros Balmores, the guy should be in HUMSS strand but went to STEM strand instead. He wants to be a lawyer, but he went to the wrong strand. Akala niya ay ang STEM ang para sa kaniya pero nagkamali siya. Sa HUMSS dapat siya. Huli na nang malaman niya 'yon kaya hindi na rin siya lumipat ng strand. Sayang na rin kasi.



Kaming tatlo nina Aidan at Atlas ang palaging magkakasama sa school dahil bukod sa pare-pareho kami ng strand, magkakaklase pa kami. Nakilala kami sa school dahil palaging sumasali si Atlas sa mga school competition habang si Aidan naman ay sa debate. Ako naman ang palagi nilang sinasali sa mga beauty pageant sa school namin. No choice ako palagi dahil 'yon palagi ang punishment ko sa tuwing nagpapataasan kami ng score. Ako palagi ang lugi sa dalawang 'yon!



Hindi ko alam kung sino ang nag-simula o kung sino ang gumawa, pero tinatawag nila kaming tatlo na AKA. AKA as in the first letters of our names. Aidan, Kheerah, and Atlas. STEM trio pa dahil nga palagi kaming magkasama at palagi rin kaming tatlo ang nananalo sa tuwing may sasalihan kaming program sa school. Ako ang pinaka-kilala sa 'ming tatlo dahil sa YouTube channel ko na may almost 60k subscribers na. Pati na rin sa mga stories ko na ilang milyon na rin ang nakakabasa. Although my works are still not books, they are already known for their stories themselves.



Take It Slowly (High School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon