[I suggest you to listen to this song while reading this chapter: Ulap- Rob Deniel.]
Chapter 40
Free
-----
"Kheerah! Kheerah! Talk to me!"
I didn't bother looking back as I walked towards Austin's car. He was waiting for me outside his car when he saw me coming. Napaayos siya ng pagkakatayo nang makitang sinusundan ako ni Jonah pagkalabas ko ng bahay nila kasama ang abogadong binabayaran ko para sampahan ng kaso ang mga taong pilit na sinisira ang dangal ng pamilya ko.
I hired the civil litigation lawyer that Aidan has been talking about to file a case against Edgar, Ninang Rocelyn and her husband. Sumama pa ako para makita ang mga reaksyon nila, lalo na't may abogado pa akong kasama. Yes, the payment is high, but our dignity is at sake, so I'm not hesitating to waste my money on this. Isa pa, tinutulungan din ako ng mga kaibigan ko kahit na anong pigil sa 'kin nina Mama dahil matagal na rin naman daw 'yon. Kung kaya nilang mag-patawad, ako ay hindi. Kahit mamatay ako, hinding-hindi ko sila mapapatawad.
May mga kasalanan na pwede at kayang mapatawad. Pero meron din naman na mga kasalanan na hinding-hindi ko makakalimutan at mapapatawad. Malas nila, sila 'yon.
"Kheerah!" Jonah yelled my name as she held my elbow to force me to face her. "Let's talk, okay? 'Wag mong sampahan ng kaso sina Mommy, Kheerah. Please..."
"Talk to my lawyer, Jonah," I firmly said before taking my arm away from her. "And please, don't fucking touch me again, you dirty bitch,"
Tatalikuran ko na sana ulit siya nang muli niya akong haklitin paharap sa kaniya. Bahagya akong napangiwi sa sakit nang maramdaman na nakalmot niya ako dahil sa haras at diin ng pagkakahawak niya sa 'kin. Mahaba't matutulis pa naman ang mga kuko niya kaya talagang nakalmot ako.
Mukhang napansin ni Austin na nasaktan ako dahil sa ginawang panghi-hila ni Jonah kaya agad siyang lumapit sa 'min at hinila ako palayo. Bahagya niya rin akong tinago sa likuran niya habang hawak ko ang braso kung saan ako kinalmot ni Jonah.
"Pwede ka rin naming sampahan ng kaso dahil sa ginawa mo, Jonah," wika ni Austin habang diretso ang tingin sa babae. "Sa ginagawa mo ngayon at sa ginawa mo noon,"
"Bakit ka niya kasama, Austin? Why the fuck are you with her?!" Sumigaw si Jonah, dahilan nang pag-ngiwi ko dahil sa lakas ng boses niya.
"Bakit hindi?" Balik na tanong ni Austin.
Muli na sanang lalapit si Jonah sa 'min nang sumingit na ang kasama naming abogado. Natigilan si Jonah dahil sa lamig na mga tingin na pinupukol sa kaniya ni Attorney Lizardo habang nakatayo sa harapan niya.
"The neighborhood can file a case against you because of the disturbance that you're creating," malamig na sambit ni Attorney. "Pwede kitang isama sa kasong kinakaharap ng mga magulang mo ngayon kung gugustuhin ni Engineer Abcan 'yon, Miss Helio. Kung may reklamo ka tungkol sa kasong sinampa namin laban sa mga magulang mo, ako ang kausapin mo at 'wag mong guluhin ang kliyente ko,"
Hindi agad nakasagot si Jonah dahil sa takot nang marinig ang sinabi ni Attorney. Pinukolan niya ako ng isang matalim na tingin bago tingnan si Austin gamit ang hindi makapaniwala niyang mga mata. Hindi naman siya kinibo ni Austin at tiningnan lang siya bago ako hilahin papasok ng kotse. Nakita ko pa mula sa loob ng kotse kung pa'no sinubukan ni Jonah na kausapin si Austin pero hindi siya hinayaan ni Attorney Lizardo kahit makalapit man lang.
BINABASA MO ANG
Take It Slowly (High School Series #2)
Romance[High School Series #2] She never expects something in high school when she entered her 1st year at Aristotle Academy. She just wants to study and graduate. To be specific, she only wants to graduate without even studying because she's too lazy to s...