Chapter 06
Letter A
-----
Humikab ako nang makaramdam ako ng antok. Tiningnan ko kung anong oras na at nakitang malapit nang mag-madaling araw. Dahil do'n, nilikom ko na ang mga gamit ko bago ako pumasok sa kwarto para matulog. Tatapusin ko na lang 'yung script sa school tutal ay malapit na rin naman na akong matapos. Maaga pa ang pasok namin bukas kaya dapat lang na matulog na ako.
Mabigat ang mga talukap ng mga mata ko nang makarating ako sa school kasama si Kuya NePagpasok namin sa loob ng room ay agad kong inilabas ang yellow pad ko, kung saan nakasulat ang script na ginawa ko. Nasa upuan na si Yohan nang magsimula akong mag-sulat habang si Kuya Neil naman ay lumabas ng classroom para maki-chismis sa kabilang section. Ang dami no'ng friends, pucha.
Hinati sa tatlong grupo ang section namin. Leader ng group 1 ay ako habang si Jonah naman sa group 2. Si Yohan ang leader ng group 3 dahil siya ang top 3 ng section namin. Sobrang talino ni Yohan dahil hindi naman talaga siya naga-aral minsan kapag may quiz kami pero ang taas pa rin ng mga nakukuha niya. Kung may best in History kami, siya 'yung makakakuha no'n dahil ang galing niya talaga sa History. Mabilis kasi siyang mag-memorize.
Pero kahit gano'n, gago pa rin siya kasi magkaaway pa rin kami. Kapag bati na kami, gwapo na siya.
"'Yan ba 'yung atin, Kheerah?" tanong sa 'kin ni Loren na umupo sa upuan ni Kuya Neil.
"Oo," sagot ko, abala sa pagsu-sulat.
"Ang galing mong gumawa ng script, Kheerah," puna ni Loren. "Journalist ka ba rati?"
"Hindi. Nakakatamad 'yon," sagot ko bago bumaling sa kaniya. "Pero nagsu-sulat ako fanfiction sa big notebook ko rati tuwing wala akong magawa kaya nasanay na akong mag-sulat,"
"Talaga? May sinusulat ka ba ngayon? Mahilig kasi akong mag-basa ng mg story, e," sabik na sabi niya.
"Teka lang," binuksan ko ang bag na dala ko para hanapin ang dalawang big notebook na dala ko, kung saan nakasulat ang isang istorya tungkol sa lalaki't babaeng magkaribal sa paga-aral pero minahal ang isa't isa sa huli. "Hindi ko 'yan tapos, pero malapit na. Pangit lang ang sulat ko r'yan kasi nangangalay na ako,"
"Iintindihin ko!" masigla niyang wika. "Pahiram ako nitong una. Babasahin ko lang,"
Pinanood kong umalis sa tabi ko si Loren kasama ang big notebook ko. Totoo nga ang sinabi niya dahil nakita ko siya na agad na sinimulan ang pagba-basa ng istorya'ng isinulat ko. Sinimulan ko 'yon noong bakasyon dahil wala na akong maisip na fanfiction na pwede kong gawin para sa mg Kpop idols ko. Nagawan ko na naman silang lahat noong grade 6 pa ako kaya napagdesisyonan kong gumawa ng istorya na walang kinalaman sa kanila.
BINABASA MO ANG
Take It Slowly (High School Series #2)
Romance[High School Series #2] She never expects something in high school when she entered her 1st year at Aristotle Academy. She just wants to study and graduate. To be specific, she only wants to graduate without even studying because she's too lazy to s...