Chapter 24
Yabang
-----
"Try mo lang!" Pagu-udyok ni Pablo sa 'kin.
"Ayoko nga!" Todo iling ko. "Ayoko uminom! No! Never! Ew!"
"E, 'di, 'wag! Maka-ew naman 'to!" Umirap sa 'kin si Pablo. "Oh, Lander! Shot mo na!"
Napailing na lamang ako habang pinapanood silang uminom. Nandito kami ngayon sa may Muzon, kung saan sila nagi-inuman. Nagpaalam kasi ako kay Mama na mag-sleep over sa bahay namin sina Sanya, at hindi ko alam kung pa'no 'yon nalaman nina Kuya Neil. Nang malaman kasi nila 'yon, nag-aya na sila ng inunam. Dahil nga gago mga kaibigan ko, pumayag sila, lalo na't malapit lang ang bahay nina Kuya Neil, kung saan naman mag-sleep over ang mga boys.
Naka-itim na checkered pajamas ako habang nakalugay ang mahaba kong buhok. Nasa may terrace kami ng bahay nina Kuya Neil, kung saan mismo sila nagi-inuman. Nandito kaming lahat sa labas ng bahay nila, sa may terrace, dahil nga may inuman na nagaganap. Hindi ko naman gustong maiwan sa bahay habang nagsisiyahan sila rito.
Inayos ko ang pagkakasuot ng salamin ko habang abala sa pagba-basa ng istorya gamit ang cellphone ko. Isinubo ko ang bagong binalatan na lollipop na binili ko pa kanina habang ang mga mata ko ay abala sa pagba-basa. Sa tabi ko ay si Amanda na kanina pa rin tumatanggi sa mga tagay na inaalok sa 'min nina Pablo at Kuya Neil.
"Masernan, ikaw? Ayaw mo rin?" Tanong ni Kuya Neil.
"Ayoko, 'di pa 'ko nakakatikim ng alak," sagot naman ni Masernan.
Napa-angat ako ng tingin nang marinig ang sagot ni Masernan. Nakaupo siya sa may tapat ko habang kumakain ng chichirya. Pulutan 'yon nina Kuya Neil pero dahil nag-ambag din siya ro'n ay hindi siya masaway nina Kuya Neil. Nakasuot siya ng dilaw na hoodie at pink na jersey shorts, 'yung jersey ng section namin. He was wearing the hood of his hoodie while his eyes were under his gold specs. Walang grado ang salamin niyang 'yon dahil hindi naman malabo ang mga mata niya. Trip niya lang mag-suot ng salamin.
"Ayoko, 'di pa 'ko nakakatikim ng alak," panggagaya ni Lander, lasing na. "Ayaw mong makatikim ngayon?"
"Ayoko," iling ni Masernan bago bahagyang ngumuso. "'Pag legal age na 'ko, ro'n lang ako iinom,"
"Scam 'yan! Gan'yan din sinabi ko no'n, e!" Suminghap si Keizhel. "Tingnan mo 'ko ngayon! Hindi pa legal age pero lasinggera na!"
"Proud ka pa?" Nakangiwing tanong ni Yohan.
"Sinabi ko bang proud ako, gago ka?" Asik ni Keizhel.
"Whatever," umirap si Yohan.
Napailing na lang ako sa kanila bago ibalik ang mga mata sa cellphone ko. Napansin ko kung pa'no sinusubukan ni Kuya Neil ang sumilip sa cellphone ko, dahilan nang pag-patay ko sa cellphone ko bago 'yon ilayo sa kaniya. Tumaas ang kilay ni Kuya Neil dahil sa ginawa ko.
"May ka-chat ka ba?" Nakataas ang kilay na tanong nito sa 'kin.
"Wala! Sino naman ang magiging ka-chat ko?!" Tanong ko, tinatago na ang cellphone.
"Kalandian?" Hindi siguradong sagot ni Kuya Neil. "'Wag ka nang lumandi sa iba. Rito ka na lang kay Masernan, patay na patay sa 'yo,"
Halos ibuga na ni Masernan ang iniinom niyang softdrinks nang marinig ang sinabi ni Kuya Neil. Humalakhak naman ang mga kasama namin dahil sa naging reaksyon niya. Alam na rin kasi ng buong section namin ang pagkagusto sa 'kin ni Masernan simula no'ng ayain niya ako sa prom. Ang lakas kasi mang-asar nina Kuya Neil kaya nagka-idea na sila. Nakumpirma pa dahil sa mga sunod-sunod na panga-asar nina Pablo at Kuya Neil kay Masernan sa 'kin.
BINABASA MO ANG
Take It Slowly (High School Series #2)
Romantizm[High School Series #2] She never expects something in high school when she entered her 1st year at Aristotle Academy. She just wants to study and graduate. To be specific, she only wants to graduate without even studying because she's too lazy to s...