Chapter 32

20 2 0
                                    

[I suggest you to play this song while reading this chapter: Kathang-isip -Ben&Ben]

Chapter 32

Gone

-----

Nakasuot lang ako ng simpleng grey na t-shirt at itim na fitted denim shorts habang ang mga paa ko ay may suot na puting sneakers. My hair was in a messy bun as my face was only wearing a thin makeup, so my face wouldn't feel heavy. Nakaupo lang ako sa isang tabi ng isang coffee shop malapit sa publishing company kung saan ako palaging nando'n, abala sa pagti-tipa ng bagong chapter ng story na ia-update ko ngayon.


Bahagya kong inayos ang pagkakasuot ng salamin ko bago abutin ang iced tea na binili ko para uminom dito. Habang abala sa pag-inom ng iced tea at pagti-tipa, napabaling ang mga mata ko sa cellphone ko na kanina ko pa tinitingnan, naghi-hintay sa mensahe sa 'kin ni Austin. Kagabi pa siya walang mensahe sa 'kin. Ilang beses ko na rin siyang sinubukang tawagan pero hindi siya sumasagot. Baka, busy lang siya kaya hindi na rin ako nag-abala pang kulitin siya dahil ganito rin siya noong nagka-problem silang pamilya. Baka, kailangan niya ulit ng oras para sa sarili niya.


Huminga ako ng malalim bago itaob ang cellphone ko, ayaw nang mag-isip pa ng kung ano dahil sa pagkakaalala sa kaniya. Ang sabi naman niya ay magsa-sabi siya sa 'kin kapag hindi niya na kayang sarilinin ang mga problema niya. Kahit naman gano'n, sinasabi niya pa rin sa 'kin ang mga problema niya pero hindi lahat. Alam ko 'yon. Alam ko rin na alam niya 'yon.


Inabala ko na lang ulit ang sarili ko sa pagti-tipa gamit ang laptop ko. Hindi ko alam kung nasa'n ngayon ang boyfriend ko pero hindi ko na lang siya pakikialamanan dahil kaya na naman niya ang sarili niya. Alam naman niya na narito ako para sa kaniya kaya kung ganito na gusto niyang 'wag munang mag-usap, hahayaan ko siya. Alam ko naman na alam ni Asher kung nasa'n ang Kuya niya. Hindi naman kasi pwede na para kay Austin na umalis siya nang walang pinagsasabihan. Kung wala siya sa bahay nila at sa apartment nila ni Kuya Neil, alam ni Asher o ni Aliyah kung sa'n mahahagilap ang Kuya nila.


Isang linggo pa lang naman simula nang maka-graduate kami ng college. Hanggang ngayon ay nandito pa sa Pilipinas si Tito para kina Austin. Hanggang ngayon din ay wala pa rin sinasabi sa 'kin si Austin tungkol sa issue ng pamilya niya, at ayos lang sa 'kin 'yon dahil nandito lang naman ako para makinig sa kaniya kapag kailangan na niyang mag-salita para gumaan na ang pakiramdam niya. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa pamilya nila kaya hindi ko alam kung aalis pa ba ulit si Tito papuntang Canada o mananatili na siya rito para ayusin 'yung problema nila.


Mabilis kong kinuha ang cellphone ko nang marinig ang ringtone nito. Hindi ko maiwasang manghina nang makita na hindi si Austin ang dahilan nang pagi-ingay ng cellphone ko. Si Kheezah 'yon, tumatawag sa 'kin. Nanghihina kong sinagot ang tawag niya bago ibaling ang mga mata sa screen ng laptop ko.


"A-Ate," hagulgol ng kapatid ko ang bumungad sa 'kin. "A-Ate... Si... Si T-Tatay..."


Naramdaman ko ang mabilis na pamumutla ng buong mukha ko nang marinig ang hagulgol ng kapatid ko. Lalo lang ako namutla nang marinig ang pag-banggit niya kay Tatay. Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo ko bago likumin ang mga gamit ko habang nasa tainga pa rin ang cellphone, nanginginig habang pinapakinggan ang hagulgol ng kapatid ko.


"Anong nangyari? Papunta na 'ko r'yan sa hospital," natataranta kong wika.


Agad kong isinukbit ang strap ng dala kong bag bago tumakbo palabas ng coffee shop. Pumara ako ng bus at mabilis na sumakay do'n para makapunta na agad ako sa hospital. Bukod sa hagulgol ni Kheezah, rinig ko rin ang kaguluhan sa lugar kung nasa'n siya. Hindi lang ang hagulgol na mula sa kaniya ang naririnig ko. Meron din mula sa iba na hindi ko mawari kung sino.


Take It Slowly (High School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon