Chapter 20

28 3 0
                                    

Chapter 20

Partner

-----

"Ano 'yan? Ha?!" turo ni Kuya Neil sa 'min ni Atlas nang maabutan nila akong nakakapit sa braso nito.

"Secret," mapaglarong sagot ko bago mas higpitan ang kapit kay Atlas na napangiwi sa 'kin.

Nakita kung papaano umawang ang kanilang mga labi na para bang alam nila ang nangyayari. Peke pang umubo si Pablo bago dumaan sa gitna namin ni Atlas, dahilan nnag pag-bitaw ko roon. Pinandilatan ko ng mga mata si Pablo dahil sa ginawa niya ngunit nagpatay-malisya lamang siya sa 'kin.

"Bawal 'yon! Bawal 'yon!" singhap ni Rica bago takpan ang mga mata ng kapatid ko na kanina pa sa 'kin nakangiwi. "Rated PG tayo rito!"

"Gagi," Atlas reacted. "Makapagsalita naman kayo, parang may ginagawa kaming masama ni Kheerah?"

"Masama ang lumandi sa harapan namin!" sambit ni Pablo bago ako pandilatan ng mga mata. "Lalo na kapag si Kheerah ang lumalandi,"

Sarkastiko akong tumawa. "Bastedin ka sana nung nililigawan mo,"

"Sama ng ugali mo!" agad na reaksyon ni Pablo bago ako halos sakmalin kung hindi lang siya napigilan ni Kuya Neil. "Ipagkakalat ko kung sino crush mo r'yan, e!"

"E, 'di, ipagkalat mo!" matapang kong wika sa kaniya. "Alam na naman niya!"

Nakita kung pa'no sila natigilan dahil sa sinabi ko. Narinig ko ang pag-buntong hininga ni Atlas dahil sa sinabi ko, dahilan nang pag-ngisi ko. Nakaawang ang mga labi ng mga kasama namin nang tumikhim si Atlas.

"Shall we go around the mall? Maaga pa para umuwi," anito, sinusubukang baguhin ang usapan.

"Umamin ka na?" Gulantang na tanong sa 'kin ni Amanda. Bumaling siya kay Atlas. "Alam mo na?"

"Kanina lang," sagot ni Atlas. "Let's go over there. May nakikita akong magandang damit na pwede kong bilhin,"

Nauna nang mag-lakad si Atlas sa 'min. Umalis na rin daw kasi ang Mommy nito dahil may trabaho pang pupuntahan. Mabilis na rin akong sumunod kay Atlas bago pa man ako mahila ng mga kaibigan namin para tanungin. Dinig ko ang pag-tawag nila sa mga pangalan namin kasabay nang pag-sunod nila.

"Bakit ba ang tapang mo?" Tanong ni Kuya Neil. "Umamin ka pa talaga, ha? Simula grade 8, siya na crush mo tapos ngayong grade 10 na tayo, umamin ka na?! Pucha,"

"S'yempre," tumawa ako. "Last year na naman ng junior high, e. Isa pa, mas mabuti na 'yon, 'no! Kaysa naman mamatay ako kapag nalaman ko na crush niya rin pala ako pero hindi ko nalaman kasi hindi ako umamin!"

"Crush ka rin ba niya?" Tanong ni Pablo.

Tumawa ako. "Hindi,"

"E, bakit masaya ka pa r'yan?" Tanong naman ni Keizhel.

"Kasi friends pa rin kami? Alam ko naman kasi na hindi niya talaga ako gusto. Gusto ko lang umamin para masabi ko ang nararamdaman ko. Tsaka base sa mga nababasa ko, kahit hindi ako sigurado kung true ba ang mga 'yon, kailangan kong umamin para maka-ahon ako. Gusto ko nang magkagusto sa iba kaya ako umamin kay Atlas,"

"Ang landi mo naman," biglang sabat ni Masernan. Nakita ko pa siyang umirap sa 'kin. "Aamin para lang magkaroon ng bagong magugustuhan. Sus,"

"Problema mo?!" Pinanlisikan ko siya ng mga mata.

"Wala!" Sagot niya bago rin ako pandilatan ng mga mata. "Pangit mo!"

"At least, may admirer!" Mayabang ko pang ani. "E, ikaw?! Meron?!"

Take It Slowly (High School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon