Chapter 10
Disappointed
-----
"Sino pupunta sa inyo sa Sabado?" Tanong ni Sanya sa 'kin habang abala pinapanood ako sa pagsu-sulat ng outline ng bagong story na ipo-post ko online.
"As usual, si Mama," sagot ko.
"Busy si Mommy sa Sabado kaya hindi raw siya makakapunta," nakanguso nitong wika. "Pasuyo naman, Kheerah, oh? Pasabi kay Tita, siya na ang pumirma sa attendance para makuha ko card ko,"
"Bakit hindi ka magsabi kay Yohan?" Tanong ko bago mag-angat ng tingin sa kaniya, may nakakalokong ngisi ang mga labi. "Mommy mo na rin naman 'yung Mommy niya, 'di ba?"
"Kheerah!" Pinanlakihan ako ng mga mata ni Sanya habang namumula ang kaniyang magkabilang pisngi. "Baka, hindi na naman ako pansinin ni Yohan kapag narinig ka niya!"
Malakas akong napatawa dahil sa sinabi niyang 'yon. Alam ng lahat ang nararamdaman ni Sanya para kay Yohan. Hindi nahihiya si Sanya nang kumalat ang tungkol do'n. Sa katunayan, mas lumakas lamang ang loob niya na habol-habulin si Yohan na sinimulan na siyang iwasan matapos marinig ang tungkol do'n. Sa una lang mahiyain si Sanya, gaga rin pala siya kagaya ko. Ako pa nga yata ang nag-turo sa kaniya kung paano mas maging gaga, e. Master ako ni Sanya. Alipin ko sila pareho ni Yohan. Bagay sila.
Simple lang ang gusto't problema ni Sanya, si Yohan. Gusto niyang makuha ang atensyon ni Yohan pero hindi nito binibigay sa kaniya ang gusto niya kaya 'yon din ang problema niya. Sa totoo lang, halata na mas problemado si Sanya kung paano siya magpapa-pansin kay Yohan kaysa sa makikita niya sa card niya sa Sabado. Kahit na tinutulungan na namin siya nina Keizhel kay Yohan, wala pa ring talab 'yon dahil 'sing tigas ng bato ang mukha ni Yohan. Ayaw talagang bumigay kay Sanya!
"Grabe ka! Isang taon mo na 'yon na crush pero hanggang ngayon, wala pa rin!" Iling ko kay Sanya.
"Pa'no ba hindi mahulog sa seatmate, Kheerah? Halos lahat ng nakakatabi mong lalaki ay nagkakagusto sa 'yo! Gaga ka!" Iling din sa 'kin ni Sanya.
"Gago," tawa ko. "Pero, Sanya, tanong ko rin 'yon. Pa'no ba hindi mahulog sa seatmate? Pucha, ouch na malaki. First crush ko, seatmate ko no'ng grade 1. Tapos almost ex ko, seatmate ko sa church. Hay, grabe! Puro seatmates!"
"Balita ko nga, MU mo raw dati si Masernan na first seatmate mo rito sa Aristotle, e," bulong ni Sanya sa 'kin.
Mabilis na nanlisik ang mga mata ko nang marinig ang sinabi ni Sanya. Agad siyang natawa nang makita ang reaksyon ko bago niya ipinagpatuloy ang pag-kain ng binili niyang turon sa may canteen. Breaktime namin kaya nasa labas kami ng classroom. Actually, nasa ground floor kami, nakatambay sa may kubo. Nasa canteen pa rin 'yung iba pa naming mga kasama, hindi pa tapos bumili ng mga pagkain nila kaya nauna na kami ni Sanya rito sa may kubo.
"Tikom mo 'yang bunganga mo, ha? 'Di ko gusto ang mga salitang lumalabas galing d'yan," irap ko sa kaniya.
Tinawanan lamang ako ni Sanya dahil sanay na siya na gano'n ang reaksyon ko sa tuwing nasasali ang dating 'ugnayan' namin ni Masernan sa usapan. Hindi rin nag-tagal ay dumating na sina Amanda galing canteen kaya iba na ang pinaguusapan namin. Nasa kalagitnaan kami ng pagu-usap nang may tumamang bola sa likuran ng ulo ko, dahilan nang pag-sigaw ko sa gulat at sakit.
Putang ina. Kumalog yata 'yung utak ko!
"Hala, sorry, Kheerah! Hindi ko sinasadya!"
BINABASA MO ANG
Take It Slowly (High School Series #2)
Romantik[High School Series #2] She never expects something in high school when she entered her 1st year at Aristotle Academy. She just wants to study and graduate. To be specific, she only wants to graduate without even studying because she's too lazy to s...