Chapter 07
Pag-amin
-----
"Umamin ka na,"
Binalingan ko si Yohan na nakatayo sa tabi ko. Seryoso ang mga mata niya habang nakatingin sa ground floor, kung saan naglalaro ang mga kaklase namin. Kitang-kita namin sila dahil nasa third floor kami, hindi pa bumababa dahil sa katamaran. Free play naman daw kasi sabi ng PE teacher namin kaya nasa baba na sila, naglalaro na agad. Hindi ako mahilig maglaro dahil mabilis akong mapagod dahil sa hika ko at dahil na rin sa mabigat kong pangagatawan. Si Yohan ay sadyang tamad lang talaga.
"Ayoko nga," sagot ko rito.
Binalik ko ang mga mata ko sa ground floor para muling panoorin ang mga kaklase kong kung ano-ano ang mga nilalaro gamit ang mga bolang hiniram sa faculty. Tumaas ang kilay ko nang makita si Kuya Neil na tatawa-tawang naglalaro ng badminton kasama si Amanda. Dati pa lang, mahilig nang maglaro si Amanda ng badminton habang si Kuya Neil naman ay sa volleyball ang hilig. Bagay lang sa kaniya 'yon dahil matangkad siya at talagang malakas siyang pumalo.
"Bakit ba ayaw mo pang umamin? Mukha lang kayong tanga pareho," ani Yohan, bahagyang nakangiwi na.
Bakit nga ba ayaw ko pang umamin? Siguro ay dahil na rin sa pwedeng mangyari sa oras na umamin ako? Sayang 'yung friendship na nabuo naming dalawa kung sa simpleng pag-amin ko lang masisira 'yon. Crush ko pa lang naman siya kaya bakit ko hahayaang masira ang pagkakaibigan namin dahil lang do'n?
"Crush ko lang naman siya," tipid na sagot ko sa kaniya.
Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Yohan nang marinig ang sinabi ko. Sinulyapan ko siya at nakita kong nakatuon pa rin ang mga mata niya sa baba, pinapanood ang bawat kilos ng mga kaklase namin.
"Pa'no kung crush ka rin niya? O higit pa sa crush 'yung nararamdaman niya sa 'yo?" tanong niya sa 'kin.
Higit pa sa crush? Gusto? Gusto ako ni Masernan?
"Ewan," buntong hininga ko.
"May gusto sa 'yo si Masernan," sambit ni Yohan.
"Hindi naman ako manhid para hindi 'yon mapansin," sagot ko sa kaniya.
Lumingon ako kay Yohan nang maramdaman ang pagbaling niya sa 'kin. Nakataas ang kilay niya na para bang hindi siya naniniwala sa 'kin na naging dahilan nang pag-kunot ng noo ko. Anong problema ng isang 'to?
BINABASA MO ANG
Take It Slowly (High School Series #2)
Romans[High School Series #2] She never expects something in high school when she entered her 1st year at Aristotle Academy. She just wants to study and graduate. To be specific, she only wants to graduate without even studying because she's too lazy to s...