Chapter 29

24 3 0
                                    

Chapter 29

Love

-----

Love is worth it.


Love is worth beyond our imagination. Love contains a lot. It contains trust, stupidity, pity, desire, kindness, and even brutality. It contains a lot of things which make it worth it. Why? Because in any way, love makes us happy. Even it hurt us most of the time, it still makes us happy. Super happy.


Kaya natin pagpaka-tanga para sa pag-ibig. Kaya natin maging brutal para sa pag-ibig. Kaya nating maging mabait para sa pag-ibig. Love can make us do a lot of things. It's kinda awesome, I must say.


Hindi naman kasi kapag sinabing pag-ibig, jowa na agad ang ibig sabihin no'n. Love means a lot. Pwedeng pamilya, kaibigan, at kasintahan. Ang daming ibig sabihin ng pag-ibig kaya lahat tayo, masaya. Kahit na madalas sa 'tin ay nasasaktan dahil sa pag-ibig, alam kong hangad pa rin natin na mahalin. Sino ba naman kasi ang ayaw mahalin? Lahat yata ng alam kong kontrabida sa bawat istorya na nababasa ko ay gusto lang mahalin kaya sila naging masama. Kung sino pa nga 'yung sinasabi ng karamihan na masama, sila pa itong mas owrth it mahalin.


Is it bad if most villains just want to be loved? Hindi naman talaga sila masama. Gusto lang nila mahalin. O 'di kaya ay naloko sila dahil sa pag-hangad ng pagmamahal. May mga tao kasing gagamitin ang pag-ibig para makapang-loko ng kapwa. Dinudumihan nila ang halaga ng pag-ibig. Dahil sa mga taong gano'n, ang dami ng tao ang hindi naniniwala sa pag-ibig.


Love is not the one who changes people, it's the people who used love to fool them. Love is great. Love is pure, but because of the bad people like traitors, the purity of love already has stains.


People are blinded by the stain on love. They can't see the pure greatness of love anymore.


Well, love can bring pain. If you love the wrong person, love can bring you pain. But if you love the right person, you will not notice the pain you've been worrying about. Why? Because love can make you numb and blind. How? Because pain brought love. You are in pain because you are in love. You are in love while you are in pain. Pain brought love to ease the pain you are feeling of. The love will make you numb, so you won't feel the pain. You are in love, so you won't be in pain.


"Hello? Asher?" pag-sagot ni Austin sa kapatid niyang tumatawag sa kaniya gamit ang cellphone.


Nandito kami ngayon sa labas ng venue kung saan may booksigning. Isa ako sa mga writers na may booksigning ngayon, at kasama ko si Austin dahil gano'n naman kami palagi. He will come with me to support me. Kasama rin naman namin sina Kuya Neil at Amanda. Kasama si Amanda dahil s'yempre, best friend ko siya. Kasama si Kuya Neil dahil pinsan ko siya at palagi niya akong sinusuportahan. Silang tatlo ang palagi kong kasama sa mga booksigning na napupuntahan ko. Minsan lang sumama si Aidan sa 'min dahil mas abala siya sa paga-aral niya.


Papasok na kami ng venue nang biglang may tumawag kay Austin. Pinanood ko kung pa'no pumikit ng mariin si Austin kasabay nang pag-hawak niya sa noo habang pinapakinggan ang nakakabata niyang kapatid mula sa kabilang linya. Nang marinig ko ang malalim niyang pag-buntong hininga, alam ko na agad kung tungkol saan 'yung itinawag ni Asher.


Simula nang matanggap ni Austin 'yung larawan na pinadala sa kaniya ni Jonah, nabawasan na ang oras niya sa 'kin. Mas madalas na siyang umuwi sa bahay nila kaysa sa apartment nila nina Kuya Neil. Minsan din siyang hindi makapunta sa mga date namin dahil do'n. Mas madalas 'yung pag-cancel niya sa mga lakad namin dahil sa nangyayari sa kanila. Palagi kasing nagla-lasing 'yung nanay niya dahil sa tatay niya. Dahil sa kabit ng tatay niya.


Take It Slowly (High School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon