Chapter 12

20 2 0
                                    

Chapter 12

Motto

-----

Tulala, pumasok ako sa loob ng classroom namin. Nasa unahan ko si Kuya Neil na kanina pa ako gustong batukan dahil sa pagiging lutang ko. Hindi ko na lang siya pinansin dahil wala naman siyang kwenta kung sasabihin ko sa kaniya ang nangyari sa 'kin kahapon. Baka, asarin niya lang ako kapag nalaman niya na umiyak ako dahil lang sa pagiging top 2 kung kailan ay ang lowest grade niya ay 71.



Buti pa siya. Petiks-petiks lang.



"Kheerah," tawag sa 'kin ni Sanya.



"Huh?" Baling ko habang nakaupo na sa upuan ko.



Kumurap-kurap ako nang makita ang maluha-luhang mukha ni Sanya sa harapan ko. Nakaupo siya sa upuan ni Masernan habang pinaglalaruan niya ang mga daliri niya. Halatang hindi siya masyadong nakatulog ng maayos dahil sa malaking itim sa ilalim ng mga mata niya. Hindi rin niya suot ang paborito niyang satin headband.



"Bakit?" Tanong ko, nalilito.



"I'm sorr—"



"Sanya felt guilty for being the top 1," putol ng kararating lang na si Yohan sa sasabihin ni Sanya. Humarap ito sa 'kin habang ako ay gulat na napatingin sa kaniya dahil sa sinabi niyang 'yon. "She saw tearing up yesterday, so she felt guilty for taking your place at the list,"



"Huh? Bakit? Bakit guilty?" Naguguluhan kong tanong bago humarap kay Sanya na malapit na talagang umiyak. "Hoy, gaga ka! Bakit ka naiyak d'yan?! Guilty?! Omg ka! Dapat talaga!"



Tuluyan nang umiyak si Sanya nang marinig niya ang sinabi ko. Si Yohan naman ay ngumiwi na lamang bago mag-tungo sa upuan niya habang ako ay agad na tumawa ng malakas. Naguguluhan man sa reaksyon ko, umiyak pa rin si Sanya.



"Bakit ka ba naiyak?! Tears of joy?! Alam mo, hindi ko pa nasasabi sa 'yo kung ano 'yung nangyari kahapon pero naiyak ka na agad! Pucha, Sanya! The best na araw ko kahapon!"  Natutuwa kong sambit sa kaniya.



"What do you mean?!" Naguguluhan nitong tanong sa 'kin, medyo kumakalma na.



Umayos ako nang pagkakaupo ko bago bahagyang hawiin ang bangs ko. Maarte kong inilagay ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga ko kasabay nang pamumula ng buong mukha ko habang inaalala ang nangyari kahapon. Impit akong napairit habang tinatakpan ang buong mukha ko bago muling harapin anv kaibigan na hindi na makapaniwalang nakatingin sa 'kin.



"Kahapon... Sa may plaza..." panimula ko bago bahagyang kagatin ang pang-ibabang labi ko upang pigilan ang ngiting gustong umusbong sa 'king mga labi. "Habang nagda-drama ako, may lumapit sa 'kin para kuhanin 'yung mga nahulog kong gamit sa sahig. Tapos, shit! Inabot niya sa 'kin 'yung panyo niya no'ng napansin niyang umiiyak ako. Pucha, Sanya. Ang bango no'ng panyo! Amoy pogi!"



"May itsura na pala 'yung mga amoy," sabat ni Pablo na nakikinig din pala sa kwento ko.



"Ikaw ba 'yung kausap ko?" Masungit kong tanong dito.



"E, bakit ka muna naiyak?" Tanong nito sa 'kin, hindi nagpapatalo.



"Secret," inirapan ko siya bago muling harapin si Sanya. "'Di ba, ano... 'Di ba, umiyak nga ako? E, 'di, lumabo 'yung salamin ko dahil nag-moist kaya hindi ko masyadong makita 'yung itsura niya except do'n sa logo ng Bright Academy sa suot niyang slacks. Alam mo ba? No'ng nalinis ko na 'yung salamin ko gamit 'yung panyo niya... Hulaan mo kung sino 'yon!"



Take It Slowly (High School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon