Chapter 25

24 2 0
                                    

Chapter 25

Makapal

-----

"With high honor, Abcan, Kheerah Cachet Sarilla,"





Kinakabahan man, umakyat ako patungo sa stage kasama si Mama. Malakas ang palakpakan na narinig ko nang sandaling humarap ako sa unahan. Matamis ang naging ngiti ko habang pinapakinggan ang hiyawan ng mga kaibigan ko. Nang makita nila akong kumindat sa kanila ay mas lumakas ang kanilang hiyawan. Mabilis naman akong kinurot ni Mama sa beywang dahil sa ginawa ko bago kami bumaba ng stage.





Tatawa-tawa akong bumaling kay Mama na mukhang nahiya dahil sa nangyari kanina. Hindi pa rin siya nasasanay sa 'min. Ilang taon niya na kaming kilala pero hanggang ngayon ay nahihiya pa rin siya sa mga ginagawa namin sa tuwing kasama namin siya. Hinayaan ako ni Mama na umupo sa tabi ng mga kaklase ko nang makababa na na kami ng stage.





"Tingnan mo sina Neil," wika ng katabi kong si Keizhel habang tinuturo ang kabilang banda kung saan nakaupo ang mga boys.





Nang balingan ko ang tinuturo ni Keizhel ay agad kong tinakpan ang bibig ko para pigilan ang pag-tawa. Nagsasabunutan sina Kuya Neil at Pablo roon sa pwesto nila habang nagsi-singhalan. Mahihina lang ang mga singhalan nila pero alam kong puro pagmu-mure lang 'yon. Kahit kailan ay hindi na sila nag-seryoso. Graduation namin ngayon pero ganito sila kung umasta. Parang mga bata.





Lahat kami ay nagtayuan nang tawagin na sa stage si Atlas. Siya ang valedictorian namin kaya siya ang huling umakyat sa stage. Siya ang may pinakamaraming medals na natanggap dahil siya rin ang pinaka-active sa 'min. Si Atlas ang palaging uma-attend ng mga competition, bukod pa sa pagiging journalist niya. Hanggang sa maging grade 10 kami ay pinatili niya ang pagiging journalist niya kahit na sigurado na siyang doctor ang kukuhanin niyang profession.





Marami ang naiyak dahil sa speech ni Atlas. Hindi gaano kahaba 'yung speech niya pero halatang tumatak sa mga puso ng mga nakikinig sa kaniya ang speech niyang 'yon. Ang galing kasing mag-salita ni Atlas. The way he spoke the words he wanted to say is amusing. His words were delivered amusingly. Hindi na nakakapagtaka 'yon dahil siya nga ang valedictorian namin.





"Congrats!" naluluhang wika ni Bella. "Pucha, nakakaiyak naman na graduate na tayo kahit halos mag-patayan na tayo noon!"





"Gagi," tumawa si Kisses. "Hindi na nakakagulat nang malaman ko na si Atlas 'yung valedictorian. Mas nagulat pa ako dahil sa speech niya. Nakakaiyak!"





"Nakakaiyak? Mga plastik!" Pablo reacted. "Iiyak-iyak pa kayo, e, parang mga hindi nag=plastikan nitong mga nakaraang taon, ah?!"





"Kaya nga! Parang mga hindi na magkikita kung umiyak, e!" pagsang-ayon pa ni Lander.





Malakas ang pag-tawang ginawa ni Kuya Neil dahil sa mga sinasabi ng mga kaibigan niya. Maski ako ay natawa dahil do'n. Naga-asaran pa kaming lahat nang tawagin ang pangalan ko. Nang lingunin ko ay nakita ko si Kheezah na tinatawag ang pangalan ko habang may hawak na bouquet of red roses. Agad na umasim ang mukha ko dahil sa hawak niyang mga bulaklak, dahilan nang pag-halakhak niya, alam na hindi ako mahilig sa mga bulaklak.





Agad akong lumapit sa kaniya habang masama ang tingin sa hawak niyang bulaklak. Narinig ko na naman ang muling pag-tawa ng kapatid ko nang sandaling makalapit na 'ko sa kaniya. Inilahad niya sa 'kin ang hawak niyang bulaklak, dahilan nang mas pagkasimangot ko. Kahit na hindi ako mahilig sa mga bulaklak dahil wala naman akong mapapala sa mga gano'n, kinuha ko pa rin 'yon mula sa kaniya.





Take It Slowly (High School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon