Chapter 05

24 2 0
                                    

Chapter 05

Slight

-----


"Scammer," matalim ang mga matang baling sa 'kin ni Keizhel nang makita akong pumasok ng classroom.



"Ano na naman ba?" tanong ko rito.



":Sabi mo, 'di ka nag-review? E, bakit ikaw 'yung highest sa English?!" singhal niya sa akin.



Agad akong natawa dahil sa sinabi niyang 'yon. Kakagaling ko lang galing banyo, ganito agad ang bungad sa 'kin. Totoo naman kasi talaga na hindi ako nakapag-review dahil nakalimutan kong may quiz nga pala kami sa English. Stock knowledge lang ang ginamit ko tapos ako pa naging highest. Ayan tuloy, duda na sila sa 'kin kung hindi ba talaga ako nakapag-review.



Pucha, pa'no ako makakapag-aral kung hindi nila ako tinitinigilan kagabi sa groupchat? Patuloy nila akong inaasar kayla Yohan at Masernan dahil sa putang inang screenshot ni Masernan. Kung hindi niya kasi sinend 'yon, e 'di, sana ay nakapag-review pa ako!



Hindi ko alam kung may naniwala ba roon sa chinat ko sa groupchat kagabi. I mean, nag-sabi ako ng charot pagkatapos kong sabihin 'yon dahil una sa lahat, bakit ako mauunang umamin sa kaniya tapos sa groupchat pa ng section namin. Humati sa dalawang grupo 'yung section namin. Team Yohan at team Masernan. Hindi ko sila mapigilan dahil ilang beses ko na silang sinabihan na hindi ko gusto si Yohan at ilang beses ko na rin tinanggi na crush ko si Masernan. Ayan tuloy, nahati sila.



"Suwerte lang 'yon," sabi ko bago bumalik sa upuan ko, kung saan nagba-basa na naman ng libro ang masungit kong seatmate.



"Yohan, ano type mo sa babae?" tanong ni Kuya Neil pagkaupo na pagkaupo ko sa gitna nilang dalawa.



Sabay kaming napabuntong hininga ni Yohan dahil sa tanong na 'yon ni Kuya Neil. Dahil doon ay mabilis kaming nagkatingin bago ulit sabay na inirapan ang isa't isa. Alam naman niya na hindi ko talaga siya crush dahil halata naman niya 'yon. Kkung hindi niya 'yon halata, e 'di, wow. Bobo naman niya.



"Why are you asking me?" tanong ni Yohan kay Kuya Neil.



"Because... Why not?" sagot ni Kuya Neil.



Patago akong tumawa dahil sa naging sagot ni Kuya Neil. Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang kamay ko bago sumulyap sa kanilang dalawa. Hindi ko na napigilan ang pag-tawa ko ng malakas ng batukan ako ni Kuya Neil nang makita niya ang naging reaksyon ko. Dahil sa malakas kong tawa, napabaling sa amin ang mga kaklase naming walang ginawa kung hindi ang chumismis.



"Makatawa ka, ah? Best in English ka lang kasi tinamad ako, Kheerah. Yabang nito," irap sa 'kin ni Kuya Neil.

Take It Slowly (High School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon