Chapter 11
Plaza
-----
"I'll give you more thirty minutes to review before we proceed to our quiz. Remain silent because I appointed someone to list those noisy people, who will be the cleaners for today," ani cher Amy habang nakaupo sa kaniyang lamesa.
Agad na tumahimik ang mga section namin nang marinig ang huling pangungusap sa sinabi ni cher Amy. Walang may gustong maging cleaners, lalo na't kakagaling lang namin sa laro kaninang tanghali. Performance task kasi namin ay ang pagla-laro ng basketball. Lahat kami ay pagod pa rin galing sa laro dahil lahat kami ay gustong makakuha ng perfect score. Kung maglilinis pa kami, bakit pati ako? Pucha, nakakamatay na sa pagod, ha!
"Cher, pwede pong tumayo para magpaturo?" Tanong ni Kuya Neil na nasa likuran ko.
"Oo, basta, hindi maingay," sagot ni cher Amy.
Agaran ang pag-tayo ni Kuya Neil nang marinig ang sagot ni cher Amy. Hinila niya ang armchair niya patungo sa tabi ko bago muli siyang umupo. Ang katabi kong si Pablo ay agad ding inayos ang upuan niya paharap sa 'kin. Ngumiwi ako sa kanilang dalawa bago ayusin ang notebook ko, kung saan nakasulat ang mga notes ko.
"Mga tamad," bulong ko sa kanila.
"S'yempre. Ikaw naman, parang others," ani Pablo.
"Bilisan mo na lang," ani Kuya Neil.
Napailing ako sa kanila bago simulan ang simpleng pagtu-turo tungkol sa quiz namin kanina. Habang abala kaming tatlo sa pagre-review, lumapit sa 'min si Gerard na hawak din ang kaniyang notebook. Bahagya siyang nakanguso nang lumuhod siya sa harapan ko upang makita ang nakasulat sa notebook kong binabasa rin nina Pablo at Kuya Neil.
"Kheerah, paturo ako," pakiusap ni Gerard nang hampasin ni Pablo ang kamay niyang pasimpleng inaagaw ang notebook ko.
"Tungkol sa'n ba?" Tanong ko, binabantayan ang dalawang tuta na katabi ko.
"Tungkol sa quiz mamaya," sagot niya bago siya kumurap-kurap. Agad din naman niyang binawi ang sinabi niya bago tumayo mula sa unahan ko. "'Wag na pala. Kay Sanya na lang ako magpapaturo. Top 2 ka na lang naman, e. Baka, mali pa maturo mo sa 'kin. Kay Sanya, sigurado na dahil top 1 at best in Science pa,"
Umawang ang labi ko dahil sa sinabi niyang 'yon. Ngumiti pa siya sa 'kin bago tingnan sina Pablo na gulat din dahil sa sinabi niya.
"Kay Kheerah ba kayo magpapaturo? Ayaw niyo kay Sanya?" Tanong nito sa dalawang katabi ko.
Binaba ko ang kamay ko sa may ilalim ng lamesa ng armchair ko bago ikuyom ang kamao ko dahil sa inis at sakit na nagmula sa mga salitang nadinig ko. Umiwas din ako ng tingin mula kay Gerard upang tingnan ang notes na nasa notebook. Ramdam ko ang pag-sikip ng dibdib ko dahil sa mga salitang nadinig mula sa kaniya kasabay nang pagsubok kong pagkalma sa sarili ko.
"Ayaw niyo?" Ulit ni Gerard nang wala siyang makuhang sagot mula sa dalawa. "Sige, bahala kayo,"
Umalis na si Gerard sa unahan ko at lumipat kay Sanya. Nang tingnan ko ang direksyon ni Sanya ay naabutan ko ang iba kong mga kaklase na nakapalibot sa kaniya, nagpapaturo rin. Kita ko ang iritasyon sa mukha ni Yohan na nasa tabi ni Sanya dahil sa rami ng taong nakapaligid sa kanila pero hindi siya makapagreklamo dahil nagpapaturo ang mga 'yon sa katabi niya.
Mabilis kong iniwas ang mga mata ko mula sa kanila nang maramdaman ang mas pag-sikip ng dibdib ko habang tinatanaw sila. Hindi ko maiwasang masaktan dahil dati ay sa 'kin sila lumalapit para magpaturo sa mga lessons na hindi nila maintindihan dahil sa isip-isip nila ay ako ang pinaka-nakakaintindi sa mga bagay na wala pa rin silang ideya. Ngayon, sa iba na sila lumalapit dahil nag-iba na rin ang pananaw nila. Nakakatawa lang kung pa'no magbago ang mga pananaw nila nang dahil lang sa ranking ng section namin.
BINABASA MO ANG
Take It Slowly (High School Series #2)
Dragoste[High School Series #2] She never expects something in high school when she entered her 1st year at Aristotle Academy. She just wants to study and graduate. To be specific, she only wants to graduate without even studying because she's too lazy to s...