Chapter 23
Prom
-----
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin na nasa unahan ko. Simple lang ang makeup na nakapatong sa mukha ko, ayon na rin sa gusto ko. My hair was in an elegant messy bun with some fake flower clip on my hair. Bahagya akong napanguso habang ilang ulit nang pinupuri ang sarili dahil sa kagandahan na nakikita ko.
Ang ganda ko talaga. Shit.
Ang kaninang matamis na ngiti ay agad na napalitan ng pagkasimangot dahil sa mga babaeng nagkakagulo sa likuran ko. Ang ingay nila dahil sa pagpapaulan ng mga papuri sa isa't isa. Maski ako ay dinamay nila, dahilan nang muli kong pag-nguso. Ano ba 'yan? Alam ko na naman 'yon. Hindi na nila kailangan pang ipag-sigawan.
"Let's wear our dresses already!" Natutuwang sambit ni Sanya na siyang nauna sa pag-takbo patungo sa isang fitting room sa loob ng silid.
Narito kami ngayon sa bahay ni Sanya. Rito namin napagkasunduan na mag-ayos ng mga sarili namin dahil na rin gusto naming magsabay-sabay sa pag-punta sa venue ng prom namin. Ang magulang ni Keizhel ang nag-bigay sa 'min ng mga makeup artists para sa 'min. Si Sanya naman ay marami na talagang mga dresses kaya sa kaniya na kami manghihiram.
Tumayo na rin kami at pumasok sa mga fitting room na nasa loob ng silid. Tela lang naman ang mga fitting room na 'yon dahil stock room lang naman talaga 'tong silid na 'to. Stock room ng mga damit ni Sanya na minsan lang niya sinusuot. Dito rin naman kami nag-ayos last year kaya alam na namin kung anong gagawin namin.
I picked a beige off-shoulder flowy dress. I also wore my beige pump heels. I could wear them easily now since I already got used with them when I practiced wearing them for the pageant of the school's intramurals. I also wore my mother's silver jewelries that she lent me. Nang matapos ay agad kaming lumabas ng stock room para mag-hintay sa may sala nina Sanya.
"Ang gaganda niyo naman! Kuhanan ko kayo ng mga pictures, ha? Para naman may remembrance kayo..." wika ng nanay ni Sanya habang may hawak na DLSR camera.
Agad kaming umayos ng pagkakaupo sa sofa nila nang marinig ang sinabi ni Tita Susan. Ngumiti kami sa harap ng camera ni Tita habang nakatayo siya sa harapan namin. Naka-ilang kuha pa kami ng mga litrato nang makarinig kami ng doorbell. Lumawak ang ngiti ni Tita Susan bago siya magprisintang magbubukas ng pinto.
"Ba't parang ang bilis naman ata nila?" Nagtatakang tanong ni Rica.
"Hello? Si Yohan ang kasama nila. Mainipin 'yon," irap ko.
"Kaya nga, e. Kawawa naman ang mga boys. Feeling ko, hindi sila nakapag-ayos ng mabuti dahil kay Yohan," natatawang sambit ni Sanya.
"Si Sanya, tawa nang tawa porke't crush niya 'yung partner niya," nakangiwing sambit naman ni Keizhel.
"At least, gusto niyo mga partner niyo," sambit ni Amanda bago ngumuso. "Napilitan lang ako sa partner ko, e..."
"Kahit naman nandito pa si Kier, 'di mo pa rin 'yon magiging partner. Senior high na siya, e," sagot naman ni Ruby.
"Pakialam ko kay Kier?" Mabilis na irap ni Amanda.
Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabing 'yon ni Amanda. Maski ang mga kasama namin ay namilog ang mga mata dahil sa kaniya. Sabay-sabay kaming nagtawanan dahil do'n kasabay nang pag-pasok ng mga lalaki sa loob ng bahay nina Sanya.
BINABASA MO ANG
Take It Slowly (High School Series #2)
Romance[High School Series #2] She never expects something in high school when she entered her 1st year at Aristotle Academy. She just wants to study and graduate. To be specific, she only wants to graduate without even studying because she's too lazy to s...