Chapter 03
Pangalan
-----
"May papel ka?" tanong sa 'kin ni Masernan.
"Meron," sagot ko habang kinukuha ang isang pad paper mula sa bag ko.
"Pahingi isa," aniya.
Hinarap ko siya habang nakataas ang kilay na naging dahilan upang itikom niya ang bibig niya. Bahagya niyang kinamot ang kaniyang kilay bago ngumiti ng peke.
"Nakalimutan kong dalhin 'yung akin," paliwanag niya.
"Kailangan mo pa ba ng papel? Sarili mo na lang sulatan mo. Tutal, mapapel ka naman, 'di ba?" asik ko sa kaniya, dahilan nang pag-awang kaniyang labi sa gulat.
Tinaasan ko lalo siya ng kilay dahil sa naging reaksyon niya. Lumingon siya sa paligid habang hindi pa rin makapaniwala sa sinabi kong 'yon. Narito kami ngayon sa loob ng assigned room sa 'min para sa pag-take namin ng periodic exam. Magkasama na naman kaming dalawa ni Masernan at halos barahin ko na siya buong araw dahil sa pagkainis sa kaniya. Gano'n din naman siya sa 'kin. Mas malala lang ako.
"Ito na nga. Kawawa ka naman. Malapit ka ng umiyak, e," ani ko kasabay nang pag-abot sa kaniya ng dalawang pirasong papel.
"Salamat na lang sa lahat," irap niya, tinanggap pa rin ang papel na ibinigay ko.
Lumapit ako kay Bella na kasama rin namin sa room. Abala siya sa paga-aral kaya tahimik lang siya. Dahil wala naman akong masyadong ginagawa ay inaral ko na lang din 'yung reviewer na ginawa ko. Uunahin namin ang Science ngayong araw bago ang Araling Panlipunan. Dalawang subject lang ang sasagutan namin ngayon kaya pwede na kaming umuwi pagkatapos noon. Hindi lang ako sigurado kung uuwi na ba agad ako o sasama pa sa kanila sa may plaza para tumambay.
Pagkarating noong teacher na magbabantay sa amin ay agad na naming inayos ang puwesto namin. One seat apart kaya halos nasa dulo na ako. Nasa bandang likuran sina Masernan dahil nandoon ang kaibigan niyang si Lander. Naroon din si Keizhel na halos kalbuhin na si Masernan sa inis dahil sa pag-agaw nito ng reviewer na ginawa niya.
Sige lang, Keizhel. Support kita r'yan.
Ako ang naunang matapos sa pagsagot ng exam kaya agad akong lumabas ng room. Hindi kasi kami naghihintayan sa pag-sagot. Kung tapos ka na sa Science, pwede ka nang kumuha ng exam paper sa Araling Panlipunan para magsagot. Hindi ko naman sila pwedeng hintayin sa loob dahil lahat sila ay hindi pa tapos at dapat lang talaga na nasa labas na ang mga tapos na.
BINABASA MO ANG
Take It Slowly (High School Series #2)
Romance[High School Series #2] She never expects something in high school when she entered her 1st year at Aristotle Academy. She just wants to study and graduate. To be specific, she only wants to graduate without even studying because she's too lazy to s...