Chapter 17

21 2 0
                                    

Chapter 17

Bandaid

-----



"Nasa'n na ang documentary niyo? Nakapagpasa na ang ibang section. Tatlo na lang kayong mga hindi pa nakakapagpasa sa 'kin," tanong ng teacher namin.



Bumaling ako sa katabi ko na si Pablo na agad inilabas ang flashdrive niya. Nakita 'yon ng teacher namin kaya agad niyang pinatayo si Pablo. Si Pablo kasi ang nag-edit ng documentary na ginawa naming lahat noong fieldtrip. Tinulungan din namin siya sa paggawa no'n pero siya halos lahat ang gumawa.



Pinanood namin si Pablo na i-plug ang flashdrive niya sa television sa room namin. Si Kuya Neil ang may hawak ng remote control kaya siya ang nag-play ng video. Tahimik lang kami habang hinihintay na mag-play 'yung video nang mapangiwi ako dahil sa biglaang pag-kirot ng puson ko. Patago kong hinawakan ang puson ko habang namumutla na.



Tang ina. Ayoko talaga ng nireregla.



"Wow, ganda mo naman d'yan, Ruby," mapang-asar na puna ni Kuya Neil nang ipakita na ang mga litrato namin.



"Ako lang 'to, Neil. Ano ka ba?" Irap ni Ruby.



Hindi ko pinansin ang mga kaklase ko na natutuwa sa panonood dahil sa nananakit kong puson. Mukhang napansin 'yon ni Yohan dahil tiningnan niya ako. Kumunot ang noo nito bago tingnan ang kamay ko na hawak ang puson ko. Nakita ko kung papaano siya ngumiwi nang mapagtanto kung anong nangyayari sa 'kin.



"Pumunta ka ng clinic," anito sa 'kin.



"Hindi, ayos lang..." napapangiwi kong sagot. "Sanay ako— Aray, ayoko nang mabuhay!"



Mabilis kong tinakpan ang bibig ko dahil sa wala sa sarili kong pag-sigaw. Nanlalaki ang mga mata kong inikot ang paningin ko at nakitang lahat sila ay nakabaling sa 'kin. Narinig ko ang pagkawala ni Yohan ng isang malalim na hininga kasabay nang pagaalinlangan kong pag-ngiti sa teacher naming nakakunot na ang noo.



"Cher, mukhang masakit po ang puson ni Kheerah," rinig kong puna ni Masernan bago pa man makapagsalita ang teacher namin.



Binalingan ko siya. "Bakit mo alam? Manghuhula ka ba?"



"Hindi. May tagos ka kanina, e," sagot nito, dahilan nang pag-laki ng mga mata ko.



Narinig ko ang pag-ubo ng mga kaklase ko dahil sa narinig nilang naging sagot ni Masernan. Sanay na sila na lagi kaming naga-away ni Masernan pero ngayon, mukhang totoo ang sinasabi niya dahil nang tumayo ako para tingnan ang likod ng palda ko ay agad akong hinila paupo nina Pablo at Yohan.



"Kheerah, pumunta ka muna sa banyo," utos ng teacher namin.



Mas mabilis pa sa kidlat, tumayo ako at lumabas ng classroom dala ang pouch ko kung saan may extra akong underwears at napkins. Pumasok ako sa loob ng banyo at agad na ginawa ang dapat kong gawin. Mabuti na lang at oras ng klase kaya ako lang mag-isa sa loob ng restroom, dahilan para magkaroon ako ng tsansa na labhan ang suot kong underwear na nagkaroon na nga ng mantsa.



Ni-lock ko ang restroom bago hubadin ang suot kong palda para ayusin ang mantsa nito. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga nang mapagtanto na hindi ko 'yon pwedeng linisin dahil wala akong maisusuot kapag ginawa ko 'yon. Wala rin naman akong dalang jacket dahil hindi naman ako nilalamig at mainit sa room.



"Kheerah?" Rinig kong pag-tawag sa pangalan ko mula sa labas ng banyo kasabay nang pag-katok sa pintuan. "Kheerah, nandito ka ba? Hoy,"



Take It Slowly (High School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon