Chapter 04

24 2 0
                                    

Chapter 04

Chat

-----

"Kheerah, pahiram ng notes,"



Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang pangalan ko. Naabutan ko si Pablo na nakatayo sa unahan ko, nakatingin sa 'kin, hinihintay akong tumingin sa kaniya. Nang mag-tama ang mga mata namin ay agad siyang ngumiti, nagmumukhang mabait kahit isa rin namang demonyo kagaya namin.



"Sa Math?" tanong ko, hawak ang librong binabasa.



"Ayoko ng Math. Turuan mo 'ko no'n," aniya habang nakangiwi.



"Ano ka? Gold?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya.



"Ito namang si Kheerah, parang others. Libre kita Cloud9, turuan mo lang ako sa Math para sa quiz mamayang hapon," anito, lumawak ang ngiti.



"Ilang Cloud9?" tanong ko.



"Isa lang, malamang! Ang mahal-mahal no'n! Sampung piso, isa?!" agad niyang reklamo.



"Sige, isa lang," payag ko bago ilabas ang notebook ko kung saan nakalagay ang notes ko. Nilabas ko na rin ang isang pad paper ko para sa pag-tuto ko sa kaniya. Agad naman siyang humila ng isang upuan palapit sa 'kin bago siya roon umupo.



Lunch break kaya wala gaanong tao sa loob ng classroom. Halos lahat ay nasa ground floor, nanonood ng laro ng mga volleyball players. Puro babae lang ang nakikita ko sa loob ng classroom dahil nagaaral din sila para sa quiz sa Math at Science. Dalawa ang quiz namin ngayong araw kaya ganito na lang sila kung mag-aral. Lahat ay sa 'kin nagtatanong kaya kahit papaano ay nakakapag-aral na rin ako dahil sa paulit-ulit kong pagpapaliwanag sa kanila.



"Ano 'yan?" tanong ni Kuya Neil nang pumasok siya sa loob ng classroom. Pucha, pawisan pa.



"Para sa quiz mamaya sa Math. Nagpapaturo ako kay Kheerah," sagot ni Pablo na taimtim na nakikinig sa akin.



"Sus. Maga-aral pa, e, babagsak din naman? 'Wag ako, Pablo! 'Wag ako!" singhap ni Kuya Neil na nagbibihis sa unahan namin.



"Kuya, may cr," ngiwi ko.



"Hayaan mo na. Minsan ka lang makakita ng may abs, e," nakangisi nitong sambit.



"Kapal ng mukha, amputa," bulong ko bago bumalik sa pagtuturo kay Pablo.



Totoo naman na may abs siya pero ang kapal pa rin ng mukha niya. Dalawang taon ang tanda sa 'kin ni Kuya Neil kaya mas marami siyang alam kaysa sa 'kin. Kahit na mas lamang ang kaalamanan ko sa academics, siya pa rin ang gumagabay sa 'kin araw-araw dahil na rin sa palagi kaming magkasama. Minsan na lang din naman kaming mag-sabay sa pag-uwi dahil doon na siya madalas umuwi sa bahay ng papa niya. Hindi naman kasi kasal ang mga magulang niya. Anak siya sa labas ng papa niya habang ang mama naman niya ay may kinakasama na at may tatlong anak sa kinakasama niya. Iba ang asawa ng papa niya pero kahit gano'n, welcome pa rin siya sa bahay ng papa niya.



Malapit si Kuya Neil sa mga kapatid niya, parehong sa tatay at nanay. May iba rin kasing mga anak ang papa niya. Panganay siya ng nanay niya habang pang-apat siya ng tatay niya. Apat silang magkakapatid sa nanay. Lima naman sa tatay. Sinusuportahan naman siya ng tatay niya gamit ang perang tinatrabaho nito sa ibang bansa pero humahanap pa rin si Kuya Neil ng trabahao para sa sarili niyang kagustuhan. Kahit kasi gano'n na tanggap siya ng mga magulang niya at ng mga kinakasama ng mga ito, nangunguna pa rin 'yung hiya sa kaniya. Kahit na palagi niyang sinasabi na dapat lang na bigyan siya ng pera ng mga magulang niya dahil sila ang gumawa sa kaniya, alam kong nahihiya pa rin siya sa kanila.



Take It Slowly (High School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon