Chapter 39

26 1 0
                                    

Chapter 39

Pahinga

-----


"Engineer Abcan, may naghi-hintay po sa inyo sa labas," one of our constraction worker said after knocking at the door of our office.



I let out a heavy sigh as I put the blueprint that I was holding down. I saw how Adam looked at me with a smug smirk on his lips. I rolled my eyes at him before telling to our worker that I'll be right there. I stood as I hid the blueprint inside my drawer before fixing myself.



"Napapadalas na yata ang pag-dalaw ng ex mo rito, Engineer? Pa'no ba no'n nalaman ang site natin?" Tanong ni Adam na may halong panga-asar.



"Sinabi yata ni Kuya Neil sa kaniya," hindi siguradong sagot ko sa kaniya habang tinitingnan ang sarili sa salamin na hawak.



"Ang daldal talaga n'yang si Neil, 'no? Hindi mapigilan ang pagkutata," ngumiwi si Adam.



"Sige lang, Engineer Velez. Asarin mo pa si Kuya Neil at baka kayong dalawa pa ang magkatuluyan sa huli," sambit ko bago siya lingunin. "Expert ang pinsan ko sa kama, Engineer. Baka, bumaba ka bigla,"



Nandidiring ngumiwi sa 'kin si Adam dahil sa sinabi kong 'yon. Nginisian ko lang naman siya bago ako tuluyang lumabas ng opisina namin sa site. Maayos at mabilis ang pagla-lakad ko dahil naka-rubber shoes naman ako. Maghapon na naman kasi ako rito sa site kasama si Adam para bantayan 'yung ginagawa naming building.



Malalim akong napahinga nang makita si Austin na nakasandal sa itim niyang sasakyan. Nakasuot siya ng simpleng puting t-shirt at itim na cargo shorts. Naka-itim rin siyang rubber shoes habang may suot na itim na bucket hat. Abala siya sa pag-kuha ng mga litrato sa site gamit ang DLSR camera niya nang mahagilap ako ng mga mata niya, dahilan nang pag-tuwid niya sa pag-tayo. Binaba niya rin ang hawak niyang camera bago ako marahan na nginitian habang pinapanood akong mag-lakad palapit sa kaniya.



"Kumain ka na ba, Kheerah?" Bungad niya sa 'kin habang suot ang matamis na ngiti. "Dinalhan kita ng pagkain. Luto ko. Paborito mo 'yan, adobong baboy,"



Pinanood ko kung pa'no kuhanin ni Austin ang isang paperbag galing sa loob ng kotse niya. Tiningnan niya pa 'yon saglit para  i-check bago 'yon iabot sa 'kin. Binaba ko ang mga mata ko ro'n bago muli siyang tingnan. Nang mapansin na wala akong balak na kuhanin 'yon mula sa kaniya, agad niyang hinawakan ang kamay ko bago siya na mismo ang nag-lagay ng paperbag sa loob ng kamay ko.



"I also put a juice in there. Your favorite, buko juice. Inumin mo 'yon hangga't malamig pa dahil mas masarap 'yon kapag gano'n, lalo na't fresh pa 'yan. Binilhan din kita no'ng paborito mong candy, 'yung Cloud9? Meron din no'n d'yan. Tsaka 'yung prutas na binili ni Amanda para sa 'yo, nar'yan na rin. Pinadala niya sa 'kin para sa 'yo," aniya habang nakangiti pa rin sa 'kin.



"Austin—"



"If you're going to say that I should stop, I won't, Kheerah," putol niya sa sasabihin ko bago ako marahang ngitian, medyo nawala ang tamis nito. "Hindi ako titigil hanggang sa kaya mo na ulit,"



Mariin akong napapikit dahil sa sinabi niya. Weeks ago, Austin and I talked. Tinanong niya ako. Ang tanong niya, kung hanggang ngayon ba raw ay naghihintay pa rin ako sa kaniya. To be honest, I was surprised when I learned that Austin came back for his family, and for me also. Binalikan niya ako dahil nangako siya na babalik siya. Binalikan niya ako dahil gusto niya. Binalikan niya ako dahil mahal niya 'ko.



Pero ang sagot ko, pagod na ako. Napagod ako. Na hindi na ako naghihintay sa kaniya kahit na mahal ko pa siya.



Austin understands that, and didn't ask me why and how. Mukhang nakuha niya agad kung bakit gamit ang pag-tingin pa lang sa mga mata kong mabilis niyang nababasa. Alam ko na ang iniisip niya na ang dahilan nang pagkapagod ko ay 'yung napagdaan ko dahil kay Edgar, at tama siya ro'n. Napagod ako dahil nabastos ako. Napagod ako dahil hindi ako nirespeto bilang babae at bilang tao. Napagod ako... Dahil do'n. Sabihin na nilang mababaw pero wala akong pakialam. Napagod ako dahil do'n, e. Ano pa ba ang magagawa ko?



Take It Slowly (High School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon