Chapter 13

18 2 0
                                    

Chapter 13

Flour

-----

Hinintay naming makababa ang grupo nina Atlas bago kami bumaba ng baby bus nang makarating na kami sa Omega Mall. Pulado pa rin ang buong mukha ko kaya tinadtad ako ng panga-asar ng mga kasama ko habang nagla-lakad na papasok sa mall sina Atlas. Hindi yata ako nakita o hindi lang ako nakilala.



"Kheerah, huminga ka naman," natatawang ani Amanda sa 'kin.



"Tang ina mo, tumahimik ka," asik ko sa kaniya.



Humalakhak silang lahat dahil sa naging reaksyon ko. Mas inasar lamang nila ako nang magsimula na kaming mag-lakad papasok ng Omega Mall nang bigla kaming harangin ng guard. Napakurap-kurap ako dahil sa gulat at pagkalito dahil sa biglaang pagharang sa 'min. Akala ko ay kung ano na nang mapansin ko na hindi pa rin pala nakakapasok ang grupo nina Atlas sa loob.



"Bawal pa pumasok sa loob ang mga high school students. Mamayang alas cinco pa kayo pwedeng pumasok," wika ng guard sa 'min na nagpaawang ng mga labi namin.



"Uwian na po namin, Kuya," ani Kuya Neil, sinusubukang mapapayag ang guard.



"Bawal talaga. Sumusunod lang ako sa protocol namin," anito bago bahagyang bumaling kina Atlas na nakabaling na pala sa 'min. "Sila nga, hindi nakapasok, e. Naka-uniform kasi kayo. Kita sa CCTV 'yan. Kung gusto niyo talagang makapasok, magpalit kayo ng mga damit o 'di kaya ay hintayin niyong mag-alas cinco,"



Bahagya akong napanguso dahil sa sinabi noong guard. Kung hihintayin pa namin na mag-alas cinco ay kaunting oras na lang ang matitira sa 'min para makapaghanap ng mga ingredients dahil ang iba sa 'min ay may curfew, kasama na ako. Kung magpapalit naman kami ng mga damit, saan at pa'no 'yung iba na walang dalang damit?! Pucha.



"May mga damit ba kayo?" Tanong ni Pablo sa 'min habang nilalabas niya ang kaniyang extra'ng itim na t-shirt. "Nakasuot na ako ng shorts, e. 'Yung girls, may suot na talagang shorts, 'di ba? T-shirt na lang problema niyo,"



"Sa'n ka magpapalit?" Nakataas ang kilay na tanong ko rito.



"Sa harap mo," tarantado niyang sagot.



Nanlaki ang mga mata ko nang simulan nang buksan ni Pablo ang mga butones ng uniporme niya. Mabilis kong tinakpan ang mga mata ko habang ang mga lalaki naman ay pinagmumura na si Pablo dahil sa pinaggagagawa nito sa may entrance ng mall. Malutong kong minura si Pablo bago ako tumalikod at naglakad palayo sa kanila.



"Tarantado, amputa," mahina kong sambit habang pinapanood si Pablo na natatawang sumusunod sa 'kin habang suot-suot na ang black t-shirt niya.



"Kheerah, feeling innocent! E, may SPG scenes nga 'yung mga sinusulat mong istorya, e! Mga umuungol pa!" Sigaw pa nito, dahilan nang pag-laki ng mga mata ko.



Humalakhak sina Kuya Neil dahil sa sigaw na 'yon ni Pablo. Nakuha kasi nito ang iilang atensyon ng mga taong napapadaan sa 'min. Wala na kasi kaming choice kung hindi ang mag-hintay na mag-alas cinco para makapasok kami sa loob kaya narito na kami sa may gilid ng mall kasama sina Atlas na tahimik lang na kinakain ang mga dala nilang pagkain.



"Ang tagal," naiinip na wika ni Masernan sa tabi ni Pablo.



"Tawag kayo sa mga nanay niyo. Baka, nasa loob lang ng mall. Makakapasok na tayo," ani Kuya Neil.



Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Agad akong napatayo na naging dahilan nang pagbaling nila sa 'kin. Nakita ko kung papaano kumunot ang mga noo ng mga kasama ko habang nakangiwi naman ang iba nang makita ang malawak kong ngisi sa kanila.



Take It Slowly (High School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon