Chapter 38

26 1 0
                                    

WARNING: Hallucinating out of trauma,

Chapter 38

Secure

-----



Umalis ako sa mula sa table namin. Hindi ko kayang tagalan 'yung mga mata niyang nakatingin sa 'kin, lalo na't may mga kasama pa 'yung luha. Hindi ko maintindihan. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.



Ang sabi ko, wala akong pakialam kung makita ko siya ulit dahil maayos naman ang hiwalayan naming dalawa. Nakapag-usap pa nga kami, 'di ba? Kaya nga, 'di ba, nagkaroon pa kami ng usapan na hihintayin ko siya kasi magpa-pahinga lang siya. Ang tagal ko rin namang nag-hintay sa kaniya.



Oo, nag-hintay ako. Naghi-hintay pa rin ako sa pagba-balik niya pero hindi ko maiiwasan na mapagod. Napagod din ako. Napapagod din naman ako. Napagod ako kakahintay sa kaniya kasi ang dami ring nangyari sa 'kin. Hindi agad ako nakabangon dahil sa ginawang pangba-bastos sa 'kin ni Edgar. I-dagdag mo pa 'yung trauma na hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin dahil kay Edgar.



We never contacted each other after we broke up through a call. Kay Asher lang ako nakikibalita tungkol sa mga nangyayari sa buhay ni Austin. Ngayon, hindi ko na alam kung ano ang meron sa buhay niya dahil tumigil na rin ako kakatanong kay Asher. Well, Asher was informing about what's happening to Austin in Canada, but I was refusing to listen. Or that's what I think?



I heard from Asher that Austin couldn't pursue his dreams of being a flight attendant because his father got fired from his work before, so he needed to work, too. Austin used his hobby, photography, as his job. Fortunately, he finished college two years ago with the same course as before. Mas nag-focus na lang siya sa pagta-trabaho para makakita ng pera kaysa gawin kung ano ang gusto niya. Kahit na may trabaho na ulit ang Papa niya at kaya na ulit siyang pag-aralin, photography na lang ang kinukuhanan niya ng pera ayon kay Asher.



I let out a heavy sigh as I stared at my reflection at the mirror in front of me. My face was soaking in water upon washing it to wake up. My makeup got removed because of how many times I washed my face. I took out a towel from my handbag before drying my face with it. I put another light makeup on my face before only putting a light pink lipgloss on my lips, not putting any lipstick color.



Sa loob ng limang taon, kailanman ay hindi umuwi ng Pilipinas si Austin. Ngayon lang. Ilang beses din siyang iniimbita nina Kuya Neil para pumunta sa reunion namin pero hindi siya pumunta. Imbitado rin siya sa kasal ni Pablo noong nakaraang taon pero hindi rin siya dumalo. Ang sabi sa 'min ni Asher, hindi pa raw handa si Austin na bumalik ng Pilipinas dahil bukod sa kaka-graduate niya lang, nagta-trabaho pa siya para kumita ng pera. Hindi pa rin naman gumagamit ng gadgets si Austin maliban sa DLSR at laptop niya na kailangan niya para sa trabaho niya. Ayon kay Asher, nakakausap niya lang daw si Austin gamit ang Papa nila.



I fixed myself first for the last time before I stepped out of the restroom at the venue. I  lifted my chin as I walked with full confidence. Marami ang bumabati sa 'kin dahil nga kilalang tao na ako ngayon. May mga nagpa-pirma pa ng mga libro na dala nila na ako ang may sulat. I felt proud dahil ang dating mga taong dinadaan-daanan lang ako, nagpapa-pirma na sa librong sinulat ko.



Liyab wasn't on the stage anymore when I checked them. Iba na ang tumutugtog ngayon kaya alam kong pagala-gala na lang sa loob ng venue ang bawat miyembro ng banda. I was right because I saw Zion smirking at me while waving his fingers at me. He was sipping on his champagne when his eyes found me. He was wearing his black Liyab shirt with his ripped jeans, and denim jacket. The piercing on his lips was touching the glass of his champagne as his black, and silver earrings are shining. He was wearing a silver chain necklace, too.



Take It Slowly (High School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon