Chapter 33

29 2 0
                                    

Chapter 33

Issue

-----

"B-Bakit?" Hindi ko na alam kung ano ang itatanong o sasabihin ko dahil sa nalaman ko.



"Nag-hiwalay na sina Mama at Papa..." mahinang sagot sa 'kin ni Asher. "Pagod na raw si Papa kay Mama, Ate. Hinintay lang talaga ni Papa na matapos ni Kuya ang second-year niya rito sa Pilipinas bago sila umalis. Mukhang hindi talaga sinabi sa 'yo ni Kuya kasi binigyan siya ni Papa ng isang linggo para makapag-paalam sa 'yo..."



Mariin akong pumikit, dahilan nang pag-patak ng luha ko. Nang maramdaman ang mainit na luha sa pisngi, naging sunod-sunod na ang pag-patak ng mga luha ko na para bang pagod na rin sila kagaya ko.



"Gusto kong makausap ang kuya mo..." sabi  ko, sinusubukan na hindi iparating sa kaniya na hindi ko na kaya.



"Baka, online, Ate... Chat ko si Papa para sabihin kay Kuya na gusto mo siyang makausap..." sambit ni Asher bago patayin ang linya.



Mabilis akong napaupo sa sahig nang sandaling mawala si Asher sa kabilang linya. Tinakpan ko ang bibig ko habang hinahayaan ang ibang tao na mapatingin sa 'kin dahil sa itsura ko. I stiffled my sobs as my tears kept on falling on my cheeks while my heart was aching because of tiredness.



Austin left. Umalis siya nang hindi sinasabi sa 'kin. Umalis siya nang hindi alam na kailangan ko siya. Tang ina. Kailangan ko siya ngayon, pupuntahan ko na siya, 'yon pala, wala na siya. Umalis na siya. Iniwan na niya ako.



Halos hindi na ako makahinga habang umiiyak sa plaza. Nilalagpasan ako ng mga tao habang patingin-tingin sa 'kin. Tumayo ako mula roon bago umupo sa isang bakanteng bench sa plaza. Agad kong tiningnan ang cellphone ko nang maramdaman ko ang pag-vibrate nito.




From: Asher
Ate, online na si Kuya. Ikaw na raw ang tumawag sabi ni Papa kasi ayaw galawin 'yung cellphone niya. Nakakulong lang daw sa kwarto, ayaw lumabas.




Nakita ko ang pag-patak ng luha ko sa screen ng phone ko nang mabasa ang message sa 'kin ni Asher. Mukhang totoo nga na wala sa bansa si Austin. Mukhang iniwan na nga niya ako.



I was trying to breathe when I tapped my phone to call Austin through Messenger. It was true that he's already online unlike earlier. My hands were shaking when I called him. I put my phone on my ears, waiting for him to answer my call.



I bit my lower lip to prevent myself from making sobs when Austin answered my call. He wasn't talking. I wasn't talking neither. We were just silent, listening to each other's breathing sounds.



My tears kept on falling as I covered my lips when a sob escaped from my lips. My lips were shaking as well as my hands. I heard Austin heavily breathe when he heard my sob. It looked like he realized that I was trying to keep from him the fact that I was crying while on the other line.



"Kheerah..." he called my name, voice was shaking.



"Nasa'n ka? Hindi kita mahagilap," sambit ko, pinipigilan ang pag-iyak habang kausap siya.



"K-Kheerah..." he called my name again, shaking.



Mariin akong pumikit nang maramdaman ang muling pag-kirot ng puso ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko dahil sa mga nangyayari. Napapagod na ako.



"I'm sorry, Kheerah... I'm so sorry," aniya, umiiyak na. "H-Hindi ko na kaya..."



"Anong hindi mo na kaya, Austin?" Hindi ko siya maintindihan.



Take It Slowly (High School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon