Chapter 22

22 2 0
                                    

Chapter 22

Partner

-----

Mabilis kong hinubad ang PE t-shirt ko. Pinaltan ko 'yon ng isang puting plain na t-shirt bago lumabas ng cubicle sa restroom. Nakita ko sina Amanda na naga-ayos ng mukha sa harap ng salamin, dahilan nang bahagya kong pag-ngiwi. Tumabi ako sa kanila bago basain ang mukha para mawala ang pagkakapawis ng mukha.



Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang bimpo na dala ko. Tinanggal ko ang pagkakatali ng buhok ko bago hiramin ang suklay ni Amanda na lagi niyang dala kung saan-saan. Nang matapos sa pagsu-suklay ay agad kong ipinusod ang buhok ko. Mainit kaya dapat lang na ipusod ko ang hanggang beywang ko ng buhok. Inilawit ko lang ang ilang hibla ng buhok para hindi mag-mukhang malaki ang mukha ko.



"Sa'n tayo mamaya?" Tanong ni Rica na abala sa paga-ayos ng buhok niyang naka-tirintas.



"Plaza, magha-hanap ng pogi," sagot ni Keizhel.



"Wala ba kayong date ni Jacques, Rica? Valentine's ngayon," tanong ni Sanya.



"Meron! Pero mamayang gabi pa naman 'yon kaya keri ko pang sumama sa inyo..."



Mabilis akong lumingon sa kaniya nang marinig 'yon. Napakurap si Rica nang makita ang sabay-sabay na pag-baling namin sa kaniya. Nang mapagtanto ang dahilan nang pagkabaling namin ay agad na namilog ang mga mata niya. Namumula ang buong mukha niya bago kami ipinagtuturo.



"Ang mga isip niyo! Ang dudumi!" Namumulang aniya.



"Wala pa kaming sinasabi, Rica..." wika ko bago ngumisi nang mapang-asar. "Gabi pala, ha..."



"Ano ba?! Ang babata pa natin, 'yan agad ang mga iniisip niyo!" Singhal nito sa 'min.



"Rica, baka, mabuntis ka ng maaga, ha? Gumamit kayo ng condom," panga-asar pa ni Sanya.



"Putang ina? Hindi nga kasi! Sa bahay ni Jacques kami pupunta mamaya!" Pagtatanggol pa ni Rica sa sarili.



"At sa bahay pa talaga ni Jacques! Nako, Rica! Sinasabi ko sa 'yo! Mahirap maging batang ina! Mapapa-putang ina ka talaga!" Wika ni Keizhel habang umiiling-iling kay Rica.



"Ipakikilala lang ako ni Jacques sa Mama niya mamaya! Gabi kasi nasa trabaho pa Mama niya tuwing hapon! Mga puta kayo!" Napipikon na sambit ni Rica.



"E, 'di, sana all na lang!" Singhal ko bago muling humarap sa salamin na nasa harapan namin. "Gusto ko rin ng date..."



"May date naman tayong mga girls! Ano ka ba naman, Kheerah?!" Marahang wika ni Amanda sa 'kin.



"E... Gusto ko ng tunay na date! Sana, next year meron na!" Suminghap ako. "Wala na naman akong natanggap ngayong Valentine's, e! Tapos, wala pa 'kong partner sa prom!"



"Hindi pa naman tapos ang araw, Kheerah. Wait ka lang," wika ni Sanya.



"Ewan nga! Bigyan niyo na lang ako ng mga natanggap niyong chocolates!" Sambit ko bago malakas na tumawa. "Hindi niyo naman 'yon mauubos! Ang dami kaya ng mga natanggap niyo!"



Tumawa na lang din sila dahil sa sinabi ko. Inayos namin ang mga sarili namin sa huling pagkakataon bago tuluyang lumabas ng restroom. Tinago ko ang PE t-shirt ko sa loob ng bag ko nang makapasok na ng classroom. Inaya ko si Amanda na pumuntang canteen para bumili ng inumin nang makaramdam ako ng uhaw.



Take It Slowly (High School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon