Chapter 19

21 2 0
                                    

Chapter 19

Crazy

-----

"Puti ng legs! Sana all!"

Umirap ako sa hangin nang marinig ang boses nina Amanda. Pumasok sila sa room kung saan ako inaayusan. Nakasuot na ako ng jersey dress ng section namin. Pink ang pinaka-kulay no'n habang white naman ang lining. Sleeveless din siya kaya medyo hindi ako komportable dahil hindi ako sanay na mag-suot ng mga sleeveless na mga damit. Suot ko ang puti kong rubber shoes. Bago pa 'yon at padala ni Papa galing ibang bansa nang malaman na ako ang muse ng section namin. Medyo nakakulot ang buhok ko habang napaka-simple lang ng inilagay na makeup sa 'kin dahil hindi rin ako masyadong sanay do'n. Bagay naman daw sa 'kin ang simpleng makeup lang kaya pumayag 'yung naga-ayos sa 'kin.

"Kinakabahan ka?" Tanong ni Amanda sa 'kin habang pinagmamasdan ako.

"Malamang," sagot ko, nakanguso.

"Kaya mo 'yan. Partner mo naman crush mo, e," natatawang wika sa 'kin ni Keizhel.

"Partner," ulit ko bago mapaglarong ngumisi.

"Kinikilig ka ba?" Natatawang tanong sa 'kin ni Sanya.

"Secret," sagot ko, natatawa na rin.

"Amin ka na," ani Rica.

"'Pag nanalo kami," tawa ko.

Nakita ko ang pag-ngiwi nang apat nang marinig ang sinabi ko. Pare-pareho silang nakasuot na ng jersey ng section namin. Hindi umabot sa tuhod nila ang suot nilang jersey shorts. Kita ko ang mga cycling na suot nila dahil alam kong hindi rin sila komportable sa mga suot nilang shorts. Masyado kasing maiksi dahil jersey nga.

Agad din namang lumabas sila nang sabihin na ng MC na malapit nang magsimula ang program. Last day na ng Intrams kaya ngayon na rin kami magpe-perform at rarampa. 2nd place kaming buong section sa pagsa-sayaw namin habang mamaya na rin ia-announce ang bagong Ms. Intrams at Mr. Intrams ngayong taon dito sa Aristotle. Kinakabahan ako dahil bukod sa unang beses kong maging muse, last year pa namin bilang junior high school dito sa Aristotle kaya gusto ko talagang manalo.

Muling inayos ang itsura ko nang kinuhang taga-ayos ni Mama para sa 'kin bago ako tuluyang lumabas ng classroom. Pumunta na ako sa backstage para mag-handa na sa pag-rampa namin. Nakita ko si Atlas na nakaupo na pwesto namin nang dumating ako. Agad akong umupo sa tabi niya, dahilan nang pag-baling niya sa 'kin. Umawang ang labi ko nang makita siya ng malapitan. Suot niya ang jersey ng section namin. Nakaayos ang buhok niya habang kaunti lang ang inilagay na makeup sa mukha niya. Ang gwapo!

"Kinakabahan ka?" Tanong niya nang mapansin akong nakatitig sa kaniya.

"Halata ba?" Tanong ko, kinakabahan.

"Hindi," umiling siya bago mag-pakita ng isang marahan na ngiti. "'Wag kang kabahan. Baka, matapilok ka. Hindi pa naman kita tutulungan dahil tatawanan lang kita,"

Mabilis akong napasimangot nang marinig ang sinabi niya. Agad naman siyang natawa nang makita ang naging reaksyon ko dahil sa sinabi niyang 'yon. Inirapan ko lamang siya bago inumin ang tubig na ibinigay sa 'min ng adviser namin.

Mabilis kaming tumayo nang tawagin na ang pangalan ng kandidato na rarampa bago kami. Sabay kaming rarampa ni Atlas kaya parehas kaming halatang kabado. Ipinikit ko ang mga mata ko bago magpakawala ng isang malalim na hininga nang marinig ang mga pangalan naming dalawa. Rinig ko ang malakasang sigawan ng mga kaklase ko, pati na rin ng mga pamilya naming dalawa ni Atlas, nang sandaling lumabas na kami mula sa backstage.

Take It Slowly (High School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon