Chapter 09
Warrior
-----
Sobrang bilis ng panahon, hindi ko na namalayan na tapos na pala ang first quarter namin. 2nd quarter na, ibig sabihin ay malapit na ang fieldtrip namin. Hindi pa 'yon masyadong pinagu-usapan pero sigurado na naman kami na sa Enchanted Kingdom ang huli naming pupuntahan dahil ayon sa pagkakarinig ni Kuya Neil ay tataasan daw ang fee ng feildtrip. Lahat makakasama dahil kasama na sa tuition fee 'yung pinaka-bayad sa feildtrip. May additional lang para ro'n sa iba pang mga pupuntahan namin.
"Ibalik ang mga papel sa may-ari," anunsyo ni Cher Emma habang nakatayo sa unahan namin.
Kakatapos lang ng pagsusulit namin sa English, kung saan si cher Emma ang teacher namin. Bumaling ako sa may kaliwa ko bago ipaabot ang papel ni Bella na siyang tsinekan ko. Pag-harap ko ay agad ding inabot ni Pablo ang papel ko na pinaabot lang din sa kaniya. Tiningnan ko ang score na nakuha ko at halos umawang ang labi ko nang makita na dadalawa lang ang mali ko. Pucha, sayang naman! Bakit ko ba nabaliktad 'yung sagot ko?!
"Ano score mo?" Tanong ko kay Yohan na ipinakita ang kaniyang papel sa 'kin para malaman ko ang sagot. "Pareho tayo. Baliktad,"
Nilingon ko si Sanya na abala sa paglalagay ng papel niya sa loob ng bag niya. Naramdaman niya ang tingin ko kaya naman ay bumaling siya sa 'kin bago kumurap-kurap, nagtataka kung bakit ako nakatingin sa kaniya.
"Score mo?" Tanong ko rito.
"Uh... 15," sagot niya sa 'kin.
Umawang ang labi ko dahil sa naging sagot niya. Umiwas ng tingin sa 'kin si Sanya nang makita ang pagkagulat sa mga mata ko nang sabihin niya ang score niya. Siya lang yata ang nakakuha ng perfect score dahil nang magtanong si cher Emma ng mga score ay pangalan ni Sanya ang binanggit sa highest score.
Ayos lang 'yan. No'ng grade 7 nga, si Jonah ang madalas na high score pero ako pa rin ang naging top 1. Kita mo ngayong 1st quarter, ako pa rin ang top 1 habang si Sanya ay top 2, natalo si Jonah na halos umiyak na dahil may tutor pa siya.
Si Sanya kasi ay parang si Yohan lang, natural lang na matalino. 'Yung kahit hindi sila mag-aral may maisasagot pa rin sila kasi hindi sila mabilis makalimot ng mga lessons habang ako, makakalimutan agad ang mga lesson kahit isang linggo pa lang ang agwat. Mabilis makasaolo si Yohan habang mabilis maka-gets si Sanya ng topic. Natural lang kay Yohan na gano'n siya dahil parehong doctor ang mga magulang niya, gusto niya pang maging abogado. Ang alam ko naman kay Sanya ay engineer ang Papa niya habang ang Mama naman niya ay nag-aral ng Medicine pero hindi nakapag-tapos dahil nabuntis na sa kaniya. Mas gustong alagaan siya kaysa tuparin ang pangarap na matagal na niyang gustong makamit.
Si Jonah naman, ang mga magulang niya ay may-ari ng isa sa mga palaisdaan doon sa may Pandawan. May dalawa silang bangka, isang malaki at isang maliit. OFW din dati ang Papa niya, tumigil lang nang magkaroon na sila ng negosyo rito sa Pilipinas. Ang Mama naman niya ay nag-aral ng accountancy kaya hindi rin sila masyadong nahihirapan sa pag-handle ng negosyo nilang 'yon. Matalino si Jonah. Walang duda 'yon dahil ayon din kay Kuya Neil ay top 6 dati si Jonah noong grade 6. May tutor siya kaya mas madili niyang naiintindihan ang mga lessons na itinuturo sa 'min.
Magkaibigan sina Mama at Ninang, mama ni Jonah. Hindi kami masyadong close ni Jonah dahil na rin masyadong siyang pressured sa paga-aral, lalo na't 'yung Mama niya ay halatang gusto siyang talunin ako sa acads. Meron na ring nangyayaring hidwaan sa mga magulang namin dahil sa malaking utang nina Ninang kay Papa. Wala naman sanang problema roon si Papa pero kailangan kasi ni Mama ng pera para sa panggagamot kay Tatay, ama ni Mama. Pahirapan ang pagbabayad ng utang na 'yon kaya hindi naman maiiwasan na magsalita sina Papa at Mama na nakarating pa pala kayla Ninang.
BINABASA MO ANG
Take It Slowly (High School Series #2)
Romance[High School Series #2] She never expects something in high school when she entered her 1st year at Aristotle Academy. She just wants to study and graduate. To be specific, she only wants to graduate without even studying because she's too lazy to s...