Chapter 21

24 2 0
                                    

Chapter 21

Beyond

-----



"Problema no'n?" Tanong ni Amanda habang nakakunot ang noo na pinapanood si Masernan na nag-iba ng daan nang makita kaming nagla-lakad papuntang direksyon niya.



"Hayaan mo siya," sambit ko.



Pinanood namin ni Amanda si Masernan na naglalakad palayo sa 'min. Hindi ito tumitingin sa direksyon namin simula nang makita kami. Hindi ko maiwasang mapangisi habang pinapanood siya. Simula kasi nang malaman ko na ako ang gusto niya, iwas na siya nang iwas sa 'kin, nahihiya yata. Nalaman din 'yon nina Pablo, Kuya Neil, at Lander dahil halata ang pag-iwas ni Masernan sa 'kin. Nang tanungin naman nila ako kung anong nangyari, tumawa lang ako. Mukha naman na sinabi sa kanila ni Masernan ang nangyari dahil sa tuwing nakikita ako nina Kuya Neil ay agad nilang pauulanan ng panga-asar si Masernan, na hindi makuha ng mga kaklase namin.



Hindi ako kinakausap ni Masernan. Kahit na ako na mismo ang lumalapit, siya pa ang hindi namamansin. Mukha siyang tanga dahil maski sa Messenger, hindi niya pa rin ako kinakausap. Nababasa naman niya, hindi lang talaga siya nagre-reply. Feeling famous! Mukha tuloy na ako 'yung may gusto sa kaniya!



Hindi naman niya inamin na gusto nga niya ako. Pero dahil sa mga ginagawa niyang pag-iwas sa 'kin matapos nang usapan namin na 'yon, kumpirmado na totoo ang mga sinabi ko. Iwas-iwas pa siya! Akala mo naman talaga, kayang umiwas habang buhay! Sapakin ko siya, e.



Inilabas ko ang cellphone ko nang makaupo na kami ni Amanda sa may kubo. Uwian na namin kaya free na kaming gumamit ng mga cellphones. Si Amanda ay inilabas din ang cellphone niya. Nasa YouTube siya habang nasa Messenger naman ako. Mabilis kong hinanap ang pangalan ni Masernan sa Messenger ko bago mag-tipa ng mensahe para sa kaniya.




Kheerah Cachet Abcan:

Hoy!
Hanggang kailan ka iiwas?




Tiningnan ko ang direksyon ni Masernan matapos ma-send ng mensahe ko sa kaniya. Nasa kabilang gilid lang siya, kausap si Lander. Hinihintay yata nila sina Kuya Neil at Pablo na cleaners na naman. Pinanood ko kung pa'no tingnan ni Masernan ang cellphone niya na kanina niya pa hawak. Bahagya akong napangisi nang makita ko kung pa'no mamilog ang mga mata niya habang nakatingin sa cellphone niya, mukhang nabasa na ang mensahe ko.



Kumunot ang noo ko nang hindi niya pansinin ang mensahe ko sa kaniya. Lalo pang nawala ang ngisi sa mga labi ko nang itago pa niya ang cellphone niya sa bulsa niya. Sa iritasyon, nag-tungo ako sa Messages para padalhan siya ng text. Hindi niya yata alam na may number niya ako. Binigay sa 'kin 'yon ni Kuya Neil. Hindi ko lang alam kung bakit pero sinave ko na rin. Wala naman kasing kalaman-laman ang contact ko kaya naka-save na ang number sa 'kin ni Masernan para dagdag display lang.



Iritado akong nag-tipa ng mensahe para sa  kaniya habang nakakunot ang noo. Nang matapos ay agad kong sinend 'yon sa kaniya. Hindi ko siya titigilan! Malas niya dahil kaka-load ko lang kagabi. Unli pa!




To: Austin Masernan

Tang ina mo po. Famous ka po ba? If yes, pakyu.




Nag-angat ako ng tingin nang ma-send ko ang mensahe sa kaniya. Pinanood ko siyang kuhanin ang cellphone niya sa kalagitnaan nang pagu-usap nila ni Lander. Nakita ko kung papaano kumunot ang noo nito nang siguro ay mabasa na ang mensahe ko sa kaniya. Hindi ko inaasahan ang pag-ikot ng mga mata niya sa paligid na para bang may hinahanap.



Take It Slowly (High School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon