Chapter 26
Bakit
-----
"Gagi, mamamatay na yata ako," kinakabahang sambit ni Masernan habang naglalakad kami papasok ng baranggay.
"Kaya mo 'yan," natatawa kong sambit bago ayusin ang suot na salamin sa mga mata.
Papunta kami ngayon ni Masernan sa bahay namin. Gusto siyang makausap ni Papa ng masinsinan ayon sa tinanong niya ro'n sa Facebook. Kahapon lang 'yon nangyari pero itong si Papa, gustong-gusto na talagang makausap 'tong si Masernan dahil do'n. Hindi ko naman masisisi si Papa dahil unang manliligaw ko 'tong si Masernan tapos sa Facebook pa talaga nag-tanong. E, 'di, ang daming nakabasa. Mga pinsan ko tuloy, gusto nang pumunta rito sa Rosario para makilala si Masernan.
Naka-puting t-shirt at itim na cargo shorts lang si Masernan. Naka-suot din siya ng itim na may pulang lining na rubber shoes habang may silver cross necklace din siyang suot. Medyo basa pa ang magulo niyang buhok na sa tingin ko ay dahil kakaligo pa lang niya. Hawak niya lang ang cellphone at wallet niya habang ang mukha niya ay may kabang naka-kubli.
Naka-kahel akong boxy cropped t-shirt at itim na jogging pants dahil nasa bahay lang naman ako. Tsinelas lang ang suot ko habang nagla-lakad kami patungo sa bahay, kung saan naghi-hintay sina Papa kay Masernan. Nasa bahay din si Kuya Neil dahil gusto niyang masaksihan kung pa'no kabahan ang kaibigan niya na sa wakas daw ay nagkaroon ng lakas ng loob para ligawan ako.
"Dito na po kami," anunsyo ko habang papasok ng bahay.
Nasa likuran ko si Masernan na hinuhubad ang sapatos na suot niya. Hinintay ko siyang matapos bago ko siya dalhin sa sala kung saan naabutan namin sina Kuya Neil at Kheezah na nagla-laro ng Mobile Legends habang may orange juice na nasa unahan nila. Rito rin kakain ng tanghalian si Kuya Neil kaya talagang masasaksihan niya kung pa'no haharapin ni Masernan si Papa.
"Ninong! Nandito na po 'yung manliligaw ni Kheerah!" Malakas na sigaw ni Kuya Neil nang maupo kami ni Masernan sa tabi nila.
Nakita ko kung pa'no suklayin ni Masernan ang buhok niya gamit ang mga daliri niya nang sandaling sigawin 'yon ni Kuya Neil. Narinig ko ang malakas na pag-tawa ni Kuya Neil nang mapansin niya rin ang ginawang 'yon ni Masernan dahil sa pagka-kaba. Nilingon lang ni Kheezah si Masernan sa tabi ko habang ako ay abala sa pamimili ng mapapanood na movies.
"Kuya, may sakit ka ba?" Tanong ni Kheezah sa katabi ko na kanina pa namumutla.
"Huh? Hindi, ayos lang ako," sagot ni Masernan bago kagatin ang kaniyang mga labi upang papulahin ang mga ito.
"Talaga ba? Ayos ka lang? Akala ko, mamamatay ka na sa kaputlaan mo, e," mapang-asar na sabat ni Kuya Neil. "Akalain mo 'yon, 'no? Bukod sa naka-amin ka na kay Kheerah tungkol sa nararamdaman mo, liligawan mo pa tapos makakausap mo pa si Ninong. Naks, dream come true ba, Masernan?"
"Gago," mahinang pagmu-mura ni Masernan dito. "Ang ingay mo. 'Pag ako siniraan mo mamaya, lagot ka sa 'kin,"
"Aba! Tinakot pa 'ko! Baka nakakalimutan mo kung sino ako? Pinsan lang naman ako no'ng babaeng nililigawan mo!" Nanlilisik ang mga matang sambit ni Kuya Neil.
"Oo nga pala, 'no?" Biglang natauhan na sambit ni Masernan bago matamis na ngumiti kay Kuya Neil. "Kuya na rin ba ang itatawag ko sa 'yo?"
"Kuya, amputa!" Kuya Neil reacted, disgusted. "Kadiri, oy! Tropa tayo tapos tatawagin mo 'kong kuya?! Gago ka ba?!"
"Anong tropa ba? Family tayo. Family!" Natatawang pagtatama ni Masernan kay Kuya Neil. "Cousin-in-law kita!"
BINABASA MO ANG
Take It Slowly (High School Series #2)
Romance[High School Series #2] She never expects something in high school when she entered her 1st year at Aristotle Academy. She just wants to study and graduate. To be specific, she only wants to graduate without even studying because she's too lazy to s...