Chapter 31

23 2 0
                                    

WARNING: SPG, R-18, Foreplay,

Chapter 31

Date

-----

"Love, what do you think?" Tanong ko habang nakangiting nakaharap kay Austin habang suot ang damit na gustong bilhin.



"Fine," sagot niya habang matamis na nakangiti sa 'kin. "Bagay 'yung damit sa 'yo just like what I expected,"



Bahagya akong napanguso dahil sa sinabi niyang 'yon. Naramdaman ko rin ang pamumula ng buong mukha ko dahil sa sinabi niya. Nakita niya ang naging reaksyon ko kaya agad siyang natawa bago ako lapitan. Hinawakan niya ang siko ko para iharap ako sa kaniya ng mas maayos. Nang makaharap na sa kaniya, agad kong nakita ang ngisi sa kaniyang mga labi.



"Pero mas bagay ako sa 'yo..." bulong niya sa tainga ko bago pasimpleng halikan ang pisngi ko.



"Tsansing!" Puna ko bago siya itulak palayo na agad niyang tinawanan. "Gusto mo lang makahalik sa 'kin, e!"



"Kahit hindi ko naman sabihin 'yon, hahalikan pa rin naman kita," natatawa niyang sambit. "Papayag ka naman, 'di ba?"



"Ewan!" Singhal ko bago muling pumasok sa fitting room.



Narinig ko ang malakas niyang halakhak sa labas dahil sa naging reaksyon ko, dahilan nang pag-irap ko habang hinuhubad ang damit na pinakita sa kaniya. Kinuha ko ang mga damit na isinukat ko bago tuluyang lumabas ng fitting room. Agad namang tumayo si Austin na nakangisi pa rin sa 'kin bago ako samahan sa pagba-bayad ng mga damit na napili ko. Isinama ko na rin ang mga damit na napili niya. Nag-away pa kami kung sino ang magba-bayad dahil pareho kaming may pera. Sa huli, siya ang nag-bayad sa pinamili namin habang ako naman ang magba-bayad sa kakainin naming dalawa.



"Bibili na rin ako ng pagkain para kina Mama," sambit ko habang nakain kaming dalawa.



"Pupunta ka sa hospital ngayon? Sama ako," aniya habang nanguya ng pagkain.



"Akala ko ba, busy ka?" Tumaas ang kilay ko sa kaniya.



"Mukha ba akong busy? Isa pa, no'ng isang araw pa ako nakakapunta ro'n. Baka, miss na 'ko ni Tatay," aniya bago ako ngisian. "Ako ang miss no'n, hindi ikaw,"



"Bakit? Ikaw ba ang apo?" Napipikon na tanong ko sa kaniya.



"Future," sagot niya bago humahakhak. "Ayaw mo no'n? Tanggap na talaga ako ng buong angkan mo. Kasal na lang ang kulang,"



"Sus, tumigil ka nga. Maging flight attendant ka muna bago ka magga-gan'yan," pagbibiro ko pa.



"'Pag ako naging flight attendant, papakasalan agad kita," ngisi niya bago bumalik sa pag-kain.



"Kahit hindi ka pa flight attendant, pakakasalanan na kita," sambit ko habang matamis ang ngiti sa kaniya.



Binitawan niya ang mga hawak niyang kutsara't tinidor nang marinig ang sinabi ko. Agad akong napatawa nang makita ang pag-sandal niya sa upuan habang bigo ang mukha, halatang hindi inaasahan ang sinabi kong 'yon.



"Ang bilis mo talagang mag-isip, 'no? Sa tuwing may banat ako, meron ka rin. Kailan ba kita matatalo sa gano'n?" Nakangusong reklamo niya sa 'kin.



"Aral ka muna, love," humalakhak ako.



Sumimangot si Austin dahil sa sinabi kong 'yon. Mabilis lang din naman naming tinapos ang pag-kain namin dahil bibisitahin pa namin si Tatay sa may hospital. Naoperahan na si Tatay kaya naka-stay muna siya sa hospital para sa therapy niya. Pwede na naman siyang umuwi pero ayaw ni Mama dahil mahihirapan pa si Tatay sa pagpabalik-balik niya sa hospital, lalo na't bagong opera pa lang siya.



Take It Slowly (High School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon