Chapter 15
Umamin
-----
"Hindi ko na kaya," nanghihinang wika ni Pablo nang makababa na kami mula sa sinakyan naming ride. "Magpahinga muna tayo, pucha. Gutom na rin ako,"
Natatawa kong pinanood sina Pablo at Lander na halos humiga na sa sahig dahil sa ride na sinakyan namin. 'Yung Space Shuttle ang sinakyan namin kaya ganito na lang ang mga itsura nila. Maski sina Sanya at Amanda ay namumutla na rin. Pangalawang beses ko na 'tong pag-sakay sa Space Shuttle kaya ayos lang ako. Hindi katulad no'ng unang beses na halos mangisay na rin ako.
"Sige, kain muna tayo. Madilim na rin naman," pag-sangayon ni Kuya Neil.
Tumingala ako sa madilim na langit habang naglalakad kami patungo sa kainan. Maraming bituin ang makikita sa madilim na langit kaya naman ay kampante akong hindi uulan. Sabi kasi ni Nanay, kapag daw maraming bituin sa langit, hindi uulan. Base sa mga naranasan ko, totoo 'yon dahil tuwing walang bituin, palaging naulan ng malakas.
Sabay-sabay kaming kumakain ng hapunan namin nang ilabas ko ang cellphone ko. Malakas ang mga boses nila habang nagku-kuwentuhan. Binuksan ko ang data ko para tumingin sa Facebook. Kinagatan ko ang binili kong burger habang ang mga mata ko ay nakatutok lamang sa cellphone ko.
May chat sa 'kin si Kheezah kaya 'yon muna ang inabala ko. Napangisi ako nang makitang link na naman 'yon ng post ni Ninang Rocelyn. 'Yon lang naman palagi ang dahilan nang pagpa-padala ni Kheezah ng mga chat sa 'kin. Nasa iisang bahay lang naman kami nakatira kaya hindi kami masyadong nagcha-chat. Sa tuwing nakakakita lang kami ng mga bagong post ni Ninang Rocelyn, do'n lang kami nagcha-chat.
Kheezah Abcan:
Ate
HAHAHAHAHAHA
Basahin mo
Gigil ako, ha
Alam kong masaya ka jan kaya guguluhin kita
Pakibasa ng post ng ninang mo para mawala ang kasiyahan na nadarama mo🤩🤩🤩
AHAHAHAHAHAHAHAHANapailing na lamang ako dahil sa mga chat niyang 'yon. Napaka-tarantado talaga kahit kailan. Hindi na naman kasi siya nakasama sa fieldtrip ng school niya kaya ako naman ngayon ang ginugulo niya. Next year naman ay makakasali na siya sa mga fieldtrip dahil sa AA na rin siya maga-aral.
Pinindot ko ang link na pinasa sa 'kin ni Kheezah habang sumusulyap sa mga kasama ko na abala pa rin sa pag-kain at pagku-kuwentuhan. Walang nakakaalam sa kanila ng mga nangyayari sa mga magulang namin ni Jonah maliban kay Kuya Neil, s'yempre. Alam 'yon ni Kuya Neil dahil ang Mama niya ay kaibigan din ni Mama noon pa man. Hindi na naman na kailangang malaman ng mga kaklase ko ang away na nagaganap sa pamilya namin nina Jonah dahil labas na kami ni Jonah ro'n.
Ininom ko ang soda na ibinili ko kasabay nang pag-labas ng post ni Ninang Rocelyn sa screen ng phone ko. Nakita ko ang bahagyang pag-silip ni Kuya Neil sa phone ko na naging dahilan nang halos mag-buga niya ng iniinom niyang juice. Hindi kami nagpahalata kahit na halos mamatay na sina Masernan sa kakatawa dahil sa nangyari sa kaniya.
Rocelyn Helio
Kumusta na kaya ang anak ko??? Sana ay kumakain siya ng maayos don lalo na't hindi niya kami kasama don 😞😞 kasama pa naman niya ung anak nong plastik na yon! Hayssst!!!! 😥😥😥Rocelyn Helio
Ang ganda ng anak ko! Nakita yata ang post ni mama niya kaya pinadalhan ako ng pic niya hahahaha🤣🤣🤣 mana talaga anak ko sakin!!!😜😜❤ tapos mana rin anak niya sa kaniya hahahahaha🤣🤣🤣Rocelyn Helio
Ang panganay ko dalaga na!😭😭😭 Jonah kahit dalaga ka na bawal pa rin magboyfriend hah!😡 wag kang gagaya sa anak ng iba jan na ang bata bata pa lang ay ang landi landi na! 😥🤣 hindi na talaga ako magugulat kapag maagang nabuntis yon! Ganon ba naman ang nanay! 🤣🤣🤣
BINABASA MO ANG
Take It Slowly (High School Series #2)
Romance[High School Series #2] She never expects something in high school when she entered her 1st year at Aristotle Academy. She just wants to study and graduate. To be specific, she only wants to graduate without even studying because she's too lazy to s...