Epilogue

63 3 0
                                    

This is the last chapter of the second installmation of this series, entitled "Take It Slowly", the story of Kheerah Cachet Abcan and Austin Masernan. I hope you learn something while reading this story. I hope you enjoy reading the story until the very end! Lablets! <3

Epilogue

-----

"Austin, Asher! Kakain na!"



Nagkatinginan kami ng kapatid ko na si Asher nang marinig ang sigaw ni Mama bago sabay na tumayo at tumakbo pababa ng kwarto. Agad naman kaming sininghalan ni Mama nang makita ang ginawa naming pag-takbo ni Asher. Buhat-buhat ni Mama si Aliyah na bunso naming kapatid habang pinapakain na ito.



Namilog ang mga mata ko nang makita ang lechong kawali sa harapan namin. Gano'n din ang naging reaksyon ng kapatid ko na si Asher dahil minsan lang kami makakain no'n dahil palaging may sabaw ang ulam namin nitong mga nakaraang araw para kay Aliyah. Dahil sa gutom at pagkasabik, halos maubos na namin ni Asher ang ulam namin. Ang sabi naman ni Mama ay nakakain na siya kaya hinayaan niya na lang kami sa pag-kain.



Kukuha pa sana ulit ako ng ulam nang makitang isang piraso na lang 'yon. Wala na ring ulam si Asher kagaya ko kaya tiningnan niya ako bago bumaling kay Mama, hindi alam kung ano ang gagawin. Napangisi naman ako nang makita kung pa'no ngumuso ang kapatid ko, alam nang ako ang magwa-wagi sa ulam. Kukuhanin ko na sana 'yon para ilagay sa plato ko ng pigilan ni Mama ang kamay ko.



"Kuya... Hayaan mo na kay Asher 'yan. Ikaw na ang mag-paubaya at ikaw ang panganay..." marahan na sambit ni Mama, dahilan nang pag-bitaw ko sa paboritong ulam.



Pinanood ko kung pa'no ilagay ni Mama sa plato ni Asher ang natirang ulam, dahilan nang malawak na pag-ngiti nito. Dinilaan ko ang pang-ibabang labi ko habang pinapanood kung pa'no masayang kainin 'yon ni Asher sa harapan ko. Mukhang napansin yata ni Mama na sumama ang loob ko dahil sa ginawa niya kaya binigay niya na lang sa 'kin 'yung natitirang soft drinks.



"Inom ka na, Austin..." ngumiti sa 'kin si Mama.



Tumango na lang ako sa kaniya bago sundin ang gusto niya. Ininom ko ang soft drinks na binigay sa 'kin ni Mama nang hindi na tinitingnan ang kapatid ko na hindi napansin kung pa'no sumama ang loob ko dahil sa sapilitang pagpapaubaya ng paboritong ulam. Hindi ko alam kung alam ba ni Mama na paborito ko ang lechong kawali kaya binigay niya na lang 'yon kay Asher pero... Kagaya nga ng sabi niya. Ako ang panganay kaya ako na ang magpa-paubaya kahit masama talaga ang loob ko.



Minsan na nga lang makatikim ng paboritong ulam dahil ang paboritong ulam lagi ni Asher ang kinakain, nabitin pa dahil ako ang panganay. Kainis.



Pinanood ko ang mga batang kasing-edad ko na mag-laro sa tapat ng bahay namin habang nakaupo lang ako sa semento. Hindi nila ako sinasali dahil hindi raw ako bagay sa grupo nila. Kaya heto ako ngayon, pinapanood na lang sila.



"Austin, bakit ayaw mong makipag-laro sa kanila?" Tanong ni Maureen nang maabutan akong nanonood lang sa mga bata.



Nag-angat ako ng tingin sa pinsan ko nang marinig ang boses niya. Maganda ang suot niyang mga damit, halatang bago pa lang. Lahat yata ng damit ni Maureen ay mga bago dahil bukod sa nag-iisang anak, marami pang pera ang mga magulang. Kahit na gano'n ang estado ng pamilya nila, hindi naman mababa ang tingin sa 'kin ni Maureen hindi kagaya ng iba na hindi na nga mayaman, kung makaasta pa, akala mo ay kagaganda't kagagwapo.



"Ayaw nila akong isali," umiwas ako ng tingin mula sa kaniya.



"Huh? Bakit naman?" Nagtatakang tanong nito sa 'kin.



Take It Slowly (High School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon