Chapter 14

21 2 0
                                    

Chapter 14

Camera

-----

"'Wag kayong maingay!" Suway ni Kuya Neil habang nakaupo sa bandang likuran ko. "Inaantok ako!"



"Ikaw kaya 'yung maingay!" Sagot ni Kisses. "Manahimik ka nga!"



"Ewan nga sa 'yo! Porke't nag-away na naman kayo no'ng girlfriend mo, e, ako naman 'yung aawayin mo!" Sagot ni Kuya Neil.



Umirap ako sa hangin dahil sa kaingayan na naririnig ko. Mukha silang mga tanga na parang first time lang nila sumama sa fieldtrip kung kailan ay pangalawang beses na namin 'to. Nang umandar na ang sinasakyan naming bus ay agad akong humanap ng pwesto para matulog habang ang katabi kong si Sanya ay kanina pa nakatulog habang may nakasalampak na earphones sa magkabila niyang tainga.



Isinuot ko rin ang earphones ko bago mag-hanap ng kanta. Napukaw ang atensyon ko sa kantang hindi ko pa napapakinggan. Pinindot ko ang kantang may pamagat na "Upuan" na ikinanta ng Ben&Ben. Ipinikit ko ang mga mata ko nang mag-simula na ang kanta. Ang bawat tunog na ginagawa ng mga instrumentong ginamit sa kanta ay dinig na dinig gamit ang suot sa magkabilang tainga na earphones.



Habang pinapakinggan ang kanta, idinilat ko ang aking mga mata bago bumaling sa bintanang nasa tabi ko. Biglaan ang pag-ulan. Ang bawat patak ng ulan na bumabagsak sa sasakyan prumoprotekta sa 'min ngayon ay kitang-kita mula sa pwesto ko. Ang mga sasakyang nadadaanan namin ay mga nagmamadali na makapunta sa mga lugar na kailangan nilang puntahan. Ang mga taong hindi inaasahan ang biglaang ulan ay nagtakbuhan upang makisilong o 'di kaya ay mga nagu-unahan na makasakay upang makauwi na.



Pinanood ko ang mga patak ng ulan na nasa bintana ng bus na sinasakyan namin. Naguunahan sila sa pagdausdos pababa ng sasakyan. Habang pinapanood ang mga 'yon ay may nahagip ang mga mata ko. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinapanood ang bata na tumutulong sa isang matanda na isulong ang mga gamit nitong paninda. Kita ko ang galak sa mga mata ng ginang habang hinahayaan ang bata sa pag-tulong sa kaniya. Nang malikom na ang mga gamit ay agad din silang sumilong para umiwas sa sakit na maaring maidulot ng malakas na ulan.



Naramdaman kong may nakatingin sa 'kin kaya naman ay napaiwas ako ng tingin sa scenario'ng pinapanood ko upanh hanapin ang mga matang nakamasid sa 'kin. Nakita ko si Masernan na nakatayo sa gitna ng bus habang hawak-hawak ang kaniyang DLSR camera. Mukhang may kinuha siya mula sa pinsan niyang kasama rin namin sa loob ng bus dahil sa pagkakaalam ko ay sa tabi siya ni Kuya Neil nakaupo.



Nakasabit sa leeg niya ang tali ng dala niyang DLSR camera habang nasa kanang kamay naman niya ang isang supot ng gummy bears. Bahagyang nakaawang ang labi niya habang nakatingin sa 'kin. Tipid akong ngumiti sa kaniya nang mag-tama ang mga mata namin na naging dahilan nang pag-kurap niya, mukhang nagising na mula sa pagkakatulala niya. Kumurap ulit siya bago tingnan ang camera niya. Pinanood ko siyang umiwas ng tingin mula sa 'kin bago umiling-iling at bumalik sa tabi ni Kuya Neil.



Kailangan naming gumawa ng isang documentary para sa isang subject namin tungkol sa fieldtrip namin ngayon. Si Masernan ang pinaka-magaling sa pag-kuha ng mga video at litrato dahil ayon kay Lander, na matagal na niyang kaibigan, elementary pa lang ay mahilig na si Masernan na kumuha ng mga litrato ng kahit ano at kahit sino. Dahil do'n, si Masernan ang ginawa naming videographer o photographer. Siya ang main namin habang lahat kami ay kailangang makakuha ng higit sa sampung litrato at dalawang video sa fieldtrip. Buong section namin ang kailangang makatapos ng gano'n. Hindi individual o groupings. Buong section.



Nang maalala ang proyektong kailangang gawin, inilabas ko ang cellphone ko bago itutok ang camera nito sa kalsada kung saan nagkakagulo ang mga tao dahil sa biglaang pag-ulan. Kinuhanan ko ito ng mga litrato bago kuhanan ng litrato ang sarili. Hinarap ko rin ang camera ko sa mga kaklase kong natutulog pa dahil sa kaantukan, lalo na't anong oras din ang rollcall namin kanina. Kung late kasi kami pupunta, iiwanan na kami.



Take It Slowly (High School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon