Chapter 02

37 2 0
                                    

Chapter 02

Notes

-----


"Get one whole sheet of paper and your M-2 card," bungad ni Cher Amy pagkapasok niya ng classroom namin.



Mabilis naming kinuha ang mga materyales na sinabi niya kasama ang matutulis naming mga lapis. Dahil Math subject na ay agad akong ginanahan dahil ito ang pinaka-paborito ko sa lahat ng subjects na alam ko. Lahat kami ay tahimik, hindi dahil gusto naming makinig, kung hindi ay dahil takot kaming gumawa ng kahit na anong ingay na pwedeng mapuna ng gurong nasa unahan namin.



Hindi ko masasabing terror si Cher Amy dahil nakikisabay naman siya sa 'min paminsan-minsan. Minsan nga ay siya pa ang nangunguna sa mga kalokohan, pero kapag Math class na, sumeseryoso na siya. Isa siya sa mga paborito naming guro rito sa Aristotle Academy dahil sa magaling niyang pagtuturo sa amin. Maayos siya kung magpaliwanag sa ng mga lessons namin kaya halos lahat kami ay naiintindihan ang mga itinuturo niya. Walang mahirap na tanong sa magaling na guro.



"In 2 minutes, exchange your papers with your seatmates. The timer starts now," 



Lahat kami ay napasinghap nang marinig na binawasan na ni Cher Amy ang kahapon lang ay tatlong minuto. Ang pagsasagot namin sa M-2 card ang ginawang brain exercise sa amin ni Cher Amy para bumilis ang pagsasagot namin sa Math, lalo na sa multiplication.



Lahat ay nagmamadali sa pagsagot ng mga tanong na nakalagay sa aming card. Mabilis lamang akong nakakasagot dahil saulado ko na yata ang card dahil sa pang-araw-araw naming pagsasagot nito. Saglit akong tumigil sa pagsagot upang ayusin ang papel ko nang masulyapan ko ang papel ng katabi ko. Bahagyang namilog ang mga mata ko nang mapansin na malapit na siyang matapos. Nitong mga nakaraang araw, palagi na lang siyang nauunang makatapos sa 'kin kaya naman ay binilisan ko ang pagsagot kahit na mas malaki ang posibilidad na mauna siya sa akin.



"Time's up!" anunsyo ni Cher Amy na naging nang singhapan ng mga kaklase kong hindi nakatapos sa pagsagot. "Exchange your papers with your cheatmates,"



"Cheatmates," natatawang ulit ni Kuya Neil.



"Oo, Neil. Cheatmates," ngumisi si Cher Amy.



"Cher, hindi po ako nangopya. Check niyo pa paper ko," ani Kuya Neil.



"Hindi ko naman sinabing nangopya ka, Neil. Defensive ka masyado," tumawa ito. "Kheerah, ikaw magsabi ng sagot,"



Mabilis na tumibok ang puso ko sa kaba nang marinig ang pangalan ko mula kay Cher Amy. Nakita ko ang mabilis na pagpalit ni Masernan sa mga papel namin upang hindi ko masabi ang mga sagot niya. Bahagya akong napangiwi dahil doon bago kuhanin ang sarili kong papel. Nang iikot ko ang aking mga mata ay doon ko lang napansin na halos lahat sila ay nagaabang na sa 'kin.

Take It Slowly (High School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon