Chapter 08
Transferee
-----
Mabilis lumipas ang mga araw. Ang alam ko na lang ay naghahanda na ako para sa pasukan na naman ngayong 8th grade. Gano'n pa rin ang section namin dahil wala naman masyadong transferee. Ang alam ko ay isa lang ang lumipat sa school namin, narinig ko lang galing kay Kuya Neil.
Naka-sky blue cropped boxy t-shirt ako na ipinares ko sa itim kong ripped jeans nang suotin ko ang puti kong rubber shoes. Inilugay ko ang bagong gupit kong buhok na rati'y hanggang beywang ko na ngayon ay hanggang balikat ko na lamang bago gawing headband ang itim na plain kong panyo, hinahayaan na mas makita ang light bangs na bago ring gupit. Nag-lagay ako ng lipbalm sa labi ko bago mag-lagay ng tipid na liptint sa ibabang labi ko upang magka-kulay ito kahit papaano. Medyo maputla kasi ang mga labi ko. Ayoko rin naman ng makapal na lipstick kaya tipid na liptint na lang ang ginamit ko.
Isinuot ko ang may grado kong bilugan na salamin para sa mga mata ko na may transparent na frame bago kuhanin ang itim na mini backpack sa may couch namin. Nauna na si Kuya Neil sa school dahil sa Sapa siya natulog kagabi, sa lugar kung nasaan ang bahay ng papa niya. Nauna na rin ang kapatid ko sa pag-alis dahil 6AM ang flag ceremony nila sa school niya. Next year, sa Aristotle na rin siya maga-aral.
"Alis na po ako!" Paalam ko bago lumabas ng bahay.
Inilabas ko ang cellphone ko pagka-sakay ko ng sidecar de-pedal. Nakita ko ang tadtad na mga chat ng mga kaklase ko roon, mga nagtatanongan na kung nasaan na kami. Sinagot sila at sinabing nasa biyahe na ako bago itago ang cellphone ko sa bulsa ko. Inilabas ko ang bago kong bili na libro upang basahin iyon habang nasa biyahe pa rin ako. Nang makarating sa tapat ng school ay agad akong napangiwi dahil sa mga kaklase ko na parang tanga sa may gate.
"Bakit nandito kayo?" nakangiwi kong bungad pagkababa ko ng sasakyan.
Nakita ko kung paano mamilog ang mga mata nila nang makita ako. Hindi ko maiwasang mapakunot ang noo dahil sa mga gulat nilang itsura, lalo na ang mga lalaki. Tiningnan ko ang sarili ko nang bigla na lamang akong sugurin ni Xyril ng yakap na sinundan na ng mga babae kong kaklase.
"Tumangkad ka lalo!" ani Xyril habang nakayakap pa rin sa 'kin.
"Inggit ka?" natatawa kong tanong sa kaniya, dahilan nang pag-hampas niya sa braso ko. "Aray! Joke lang naman, e!"
"Bagay sa 'yo 'yung bangs mo!" rinig kong sambit ni Pablo sa 'kin.
"Alam ko," ngiti ko sa kaniya.
"Ayiieee!"
BINABASA MO ANG
Take It Slowly (High School Series #2)
Romance[High School Series #2] She never expects something in high school when she entered her 1st year at Aristotle Academy. She just wants to study and graduate. To be specific, she only wants to graduate without even studying because she's too lazy to s...