Chapter 16

21 2 0
                                    

Chapter 16

Transfer

-----



"Pabili po! Bondpaper!" Wika ni Amanda sa tindera sa may canteen namin. "Pati po lapis!"



"Bili mo na 'ko," ani ko kasabay nang pag-abot ng bayad sa kaniya. "Bili mo na rin ako ng isang Cloud9,"



"Isang Cloud9 din po," dagdag ni Amanda.



Hinintay namin na maibigay na ang mga bagay na ibininili namin. Nasa baba kami, sa canteen mismo, bumibili ng mga materials na kailangan namin para sa isang activity na gagawin namin ngayong araw. Biglaan kaya pinayagan kami na bumaba para bumili ng mga kailangan namin.



Mabilis lang din kaming bumalik sa classroom namin nang mabili na ang mga kailangan. Hindi na namin kailangang mag-tanong kung anong gagawin dahil nakasulat na naman 'yon sa board. Gagawa kami ng tula. Tanka ang klaseng tula na gagawin namin. Dalawa o higit na stanza ang kailangan namin gawin basta ba ay Tanka.



Kalahating oras akong nag-sulat ng tula habang ang paga-ayos ng bondpaper ko ako nag-tagal. Nilagyan ko pa ng mga disenyo 'yon na angkop sa tulang isinulat ko. Nang matapos ako sa pag-desenyo, isinulat ko na ang ginawang tula sa mismong bondpaper bago ko ito muling inayos. Nang matapos ay binasa ko ang tulang ginawa ko.




"Tinibok

Pusong tumibok
Sa lalaking nag-alok
At 'di lumahok
Sa gitna ng pag-subok
At sa daang mapusok.

Hawakan ako
Sa biglaang pag-takbo
At pag-saklolo
Upang tayo'y masalo
Ng ating mga braso."




Bahagya akong napangiti nang mabasa na ang nagawa kong tula. Mahirap ang paggawa ng tula kaya nang mabasa ang nagawa ko ay hindi ko maiwasang matuwa dahil bukod sa hindi ako masyadong magaling sa paggawa ng mga tula, nahirapan pa ako sa pagi-isip ng mga salitang pwede kong gamitin.



Pwede na 'to, puta.



Huling subject namin ang Filipino kaya kahit anong oras ay pwede naming ipasa. Ang tapos na ay pwede nang umuwi kaya agad kong binigay ang akin. Lumabas lang muna ako ng classroom dahil hindi pa ako pwedeng umuwi. Bakit? Dahil cleaner ako, putang ina.



Inilabas ko ang dalang libro para mag-basa habang hinihintay ang mga kaklase ko na matapos sa paggawa ng tula. Habang nagbabasa, hindi ko maiwasang mapatingin sa loob ng classroom para tingnan kung ilan na lang ang dapat kong hintayin. Nang makita na iilan na lang naman sila ay agad akong tumayo para mag-simula na sa pagli-linis.



"Kisses! Why are you so slow?! May practice pa tayo!" Rinig kong sigaw ni Rhamuel mula sa ground floor.



"Wait lang!" Sigaw pabalik ni Kisses mula sa labas ng classroom namin. "Kakatapos ko lang gumawa ng tula, 'no!"



"Just come down here! Gusto ko nang umuwi!" Sigaw pa ni Rhamuel.



"Gustong umuwi... Baka gustong lumandi!" Ismid ni Kuya Neil na pababa na rin sa ground floor, manonood ng practice sa baba.



Napailing na lamang ako dahil sa walang katapusan na sigawan nila. May practice ang muse at escort ng bawat section ngayon dahil malapit na ang Foundation day namin. Si Kisses ang ginawa naming muse ngayong taon habang si Rhamuel naman ang escort. Napilitan lang naman ang dalawa dahil pinilit namin sila. Matangkad sila pareho kaya sila talaga ang pinili namin. Gwapo't maganda rin kaya sure na may laban kami. Last year kasi ay si Pablo at Amanda ang inilaban namin. Champion si Amanda habang 2nd runner up naman si Pablo. Ngayong taon, gusto namin na parehong makapasok ang pang-laban namin kagaya nang nangyari last year. Ayos lang na hindi champion, basta ba ay parehas na may panalo.



Take It Slowly (High School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon