Prologue

132 3 0
                                    

Prologue

-----

Paano mo ba masasabi na matalino ka? Kapag ba marami kang medal? Kapag ba kasama ka sa top? Kapag ba mataas ang grades mo? Kapag ba mataas 'yung score mo sa mga quiz, exams, at performance task? Pa'no ba?


Sabi nila, matalino raw ako, pero bakit hindi ko ramdam? Bakit parang hindi naman? Siguro, nasabi lang nila 'yon dahil nasa top ako. Dahil top 3 ako nang makapagtapos ako ng elementary.


Alam ko sa sarili ko na matalino ako pero minsan, hindi ko alam kung matalino ba talaga ako. Mabilis kong naiintindihan ang mga lessons namin no'ng grade 3 at grade 4, pero no'ng grade 5, biglang nawala talino ko. No'ng grade 6, biglang bumalik. Naging top 3 pa ako no'ng grade 6 kahit na puro bagsak 'yung exams ko kaya nalilito na ako kung matalino ba talaga ako o bobo talaga na nakaka-tsamba lang madalas.


Naalala ko pa no'ng grade 3 ako, madalas akong mag-taas ng kamay para sumagot, mataas din ang grades ko buong school year, pero hindi ako kasama sa top. Sabi ng adviser namin, mag-aral pa raw ako. Na makakasama na ako sa top kapag nag-aral pa 'ko. Hindi ko siya inintindi kahit na umasa ako. Umasa ako na kasama ako sa top 10 dahil ako madalas ang nakakakuha ng tamang sagot sa mga tanong nila kahit na minsan ay hindi ako sigurado sa sagot kong 'yon. Umasa ako, pero ano pa ba ang magagawa ko? Wala.


Sabi ng mga kaibigan ni Mama, top 5 daw ako no'ng nursery, pero dapat daw ay higit pa ako roon dahil higit na matalino pa ako roon sa top 1 namin no'ng nursery. Na bumabase raw ang adviser namin no'ng nursery sa pera na natatanggap niya mula sa mga nanay. S'yempre, hindi ko maiwasan mainis dahil gano'n pala ako kagaling no'ng nursery kaya bakit ako naging top 5 lang?


No'ng grade 1, hindi tanda ang mga ginawa no'ng nursery, nakatatak na sa utak ko na hindi ako matalino. Tanda ko pa no'n na mas umiiyak pa ako dahil iniwan ako ni Mama kaysa sa nag-aral ako. Mas iniyakan ko pa ang pagi-iwan sa 'kin ni Mama sa school kaysa sa mga bagsak kong grades.


Alam ko nang hindi ako matalino nang ipasok ako ni Mama sa MTAP. Tanda ko pa na sobrang kabado ako no'n dahil 'yung teacher ko sa MTAP 'yung pinaka-ayaw ko dahil sobrang tahimik ng section an hinahawakan niya. Ang sabi-sabi kasi ay nakakatakot daw siya kaya ahlos tumakbo na ako pauwi nang malaman ko na siya ang teacher namin sa MTAP.


Kumuha kami ng exams noon. 100 items kaya kinabahan ako dahil alam kong hindi ako matalino. Pero dahil bata pa lang ako no'n, sinunod ko lahat nang sinasabi ng teacher namin na 'yon. Kulayan daw ng pula kung alin sa tingin namin ang tamang sagot, at 'yon ang ginawa ko. Kinulayan ko ng pula ang mga bilog bago ang letra ng sa tingin ko ay ang tamang sagot.


Nang ibalik sa 'min ang test papers namin, gano'n na lamang ang pagkakagulat ko nang makita ang 98/100 na nakasulat sa itaas ng papel ko. Pinakita ko pa 'yon sa teacher ko at tinanong kung maling papel ba ang ibinigay niya pero nang ituro niya ang pangalan ko, sobrang natuwa ako dahil doon lang ako nakatanggap ng ganoong kalaking score no'ng grade 1. Pinagyabang ko pa 'yon sa mga kaklase ko na hindi rin makapaniwala sa nakuha kong score.


No'ng grade 2, bobo era ko. Grade 3, medyo matalino era. Grade 4, matalino era ko, lalo na sa Math. Garde 5, bobo era ulit. Grade 6, matalino era. Napasali lang ako sa top noong grade 4, top 7. Siguro kung nasa line of 8 lang 'yung grades ko sa Science, nasa top 5 na ako no'n kaso bobo talaga ako sa Science, e. No'ng grade 5, hindi man lang ako napasama sa top 10 pero ayos lang dahil top 15 naman ako. No'ng grade 6, top 5 na naging top 2 na naging top 3.


Matalino ba ako? Masasabi ko bang matalino ako kung ang sigurado ko lang ay magaling ako sa Math dahil 'yon ang napagtanto ko no'ng grade 4, kung kailan na-develop ang skills ko sa Math? Masasabi ko na bang matalino ako kahit na wala akong medal na nakuha? Masasabi ko na bang matalino ako kahit na palagi akong bagsak sa Science?


Take It Slowly (High School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon