† Dead 18 - Unsuccessful Treatment

1.8K 43 7
                                    

[Yaj's P.O.V.]

Nandito kami sa loob ng 2nd year laboratory. Nagpapahinga, natatakatok, nawawalan ng pag-asa. 'Di na namin alam kung hanggang saan na lang ba kami at kung makakaligtas pa ba kaming lahat.

"Arrgh, hanggang kailan ba tayo dito sa lab?" tanong ni Julia.

"Hanggang sa mamatay ka na." pabarang sagot ni Paulo sa kanya. Tinignan naman niya ito ng masama.

"Hindi kita tinatanong, pwede ba, kung wala ka namang magandang sasabihin, it's better to just shut your mouth." inis na sabi ni Julia.

"Gutom na 'ko." pag-iiba ng usapan ni Annie. "Ang tagal na nating 'di kumakain. Pero parang wala din naman kasi kinakabahan tayo."

"Kaya nga eh, 'di ko na nga din masyadong naiisip na gutom ako eh." sang-ayon ko sa kanya. "Sana makaligtas tayo ta's makakain tayo ng masasarap na pagkain."

"IDK. Baka makaligtas" tanging sagot ni Christine na pabalang at sarkastiko pa ito.

"Isipin niyo na lang na makakakin kayo ng pizza, french fries, Starbucks, at kung ano-ano pa kapag nakaligtas tayo dito! Motivation guys, motivation!" sigaw ko sa kanila. Nakatitig lang sila sa akin.

"Okay salamat sa motivation mo. Baka makatulong 'yan." sabi ni Paulo. Tinignan ko na lang siya.

"Kung gumawa kaya tayo ng antidote? Para satin?" suggest ni Danielle.

"Ugh, mahirap gumawa nun lalo na't hindi natin alam kung paano at hindi natin alam ang mga ingridients!" sabi ko sa kanila.

"Ay! Meron akong formula dito sa bag ko!" sigaw ni Annie. Kinuha niya yung bag niya at naglabas ng isang librong kulay puti at binuklat ang ilang pahina nito. "Ito oh!" masigla niyang anunsyo sa amin.

University Of The DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon