† Dead 39 - Lost Heroes

1.8K 31 5
                                    

[Angel's P.O.V.]

Place: 3rd Floor, Shopping Centre | Date: December 7, 2012 | Time: 6:17pm

Biglang ngumiti si Mr. Ravanes ng masama.

"B-Bakit ganyan ang ngiti mo?!" tanong ni Ryan.

"Gusto niyo bang ibulgar ang pumilit saking gumawa ng chemical? Para magkaroon ng outbreak?" sabi niya, nakita ko ang guilt sa mukha niya. Alam kong napilit lang siya kung sino man ang pesteng 'yon.

"Oo!" sigaw nilang lahat.

"Pwes, ihanda niyo ang sarili niyo." sabi niya.

"Kanina pa kami nakahanda. Sabihin mo na para mapatay na namin ang killer, kung sino man siya." sabi ni Ryan.

"Pwes, maniniwala ba kayo kung sasabihin kong si Angel yon?" tanong niya. Nagulat kaming lahat. Tumatawa siya na parang baliw.

"A-Ano?!" Tanong ko sa kanya.

"Ayaw mo pang umamin, Angel." sabi ni Mr. Ravanes. "Don't be a little fucking girl."

"Hmmm, hindi ko na papatagalin pa, sige, papatayin ko na kayo isa isa. Hahahaha." sabi ko. Oo, ako nga, ako nga ang nagpasimula ng outbreak na 'to. Cause I'm angry. I'm angry for treating me like that. Lagi na lang sila ang magkakasama, pwes, magsama sama din sila sa impyerno. Naiinis ako. Lagi na lamang akong naiiwanan, lagi akong naaapi. Hindi ako makapagtimpi, sumabog na ang loob ko--hindi niyo naman ako masisisi diba?

"Angel?!" tanong nila sakin.

"Wala ng tanong pa, I'll kill you bitches." sabi ko sa kanila, tinutok ko ang dalawang pistol sa kanila.

University Of The DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon