† Dead 16 - Carelessness

2K 42 10
                                    

[Janvin's P.O.V.]

Nandito na kami, tumatakbo matapos sabihin ni Kennedy na magsasacrifice na lang siya para sa amin. Kasama kong tumatakbo sina Hazel at Ronalyn, nasa likod namin sina Jiemaica at Ryan.

"Maverick!" sigaw ko.

"Oh?! Saan kayo galing?" tanong niya at napatigil siya bigla.

"W-Wala na si Kennedy, nagsacrifice siya para sa atin, at yung pagsasacrifice na yun, hindi pa sapat, kaya eto, hinahabol tayo ng mga zombies." paliwanag ko.

"Ano?!" gulat ni January.

"What the--" sabi ni Anna Marie.

"Oh, bakit parang umonti tayo? Nasaan sina--" sabi ni John Victor.

"Oo nga ano, nasaan sina Ronalyn, Jiemaica at Ryan?" tanong ko kay Hazel na pagod na pagod.

"E-Ewan ko....." sagot niya.

"Tsk Tsk Tsk." sabi ni Maverick.

"Kailangan na nating umalis dito. The clock is ticking." sabi ni Maverick.

"So, let's go!" sigaw ni January.

Ayun, kinakabahan na kaming lahat, hindi namin alam kung macocorner ba kami ng mga zombies, or kahit anong negative vibes in our way. Ilang minuto na rin kaming tumatakbo, nang biglang wala na kaming matakbuhan. Dead end na kung baga.

University Of The DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon