† Dead 25 - The Plan

1.6K 35 4
                                    

[Christian's P.O.V.]

Place: Forest [Back of school area] | Date: December 3, 2012 | Time: 8:00am

Gising na kaming lahat, Kaming labing walong natititra. Paano kaya kami makakalabas nito? Kung lahat ng zombies sa mundo kami ang target? Sana naman mabuhay pa kami. December 3 na, isang linggo na din pala matapos 'yung prom-gone-wrong namin.

"Ano nang gagawin guys?" tanong ni Jiemaica, nakasalampak lang siya sa may lupa at nakatingin sa kawalan.

"Nga squared." sabi ni Yaj. Hay, mukhang nganga na lang kami dito. Mag-iintay na sana may dumating na helicopter para sunduin kami. Ang lamig sa gubat. Actually, hindi naman talaga gubat to e, parang lugar lang na natatabunan ng maraming puno. Kaya walang makita ang mga zombies kasi nahaharangan kami ng maraming puno. Vice versa.

"Ano kayang pwedeng gawin?" tanong ni Janvin. "Bored na bored na ako't gutom na gutom na!"

"Nga squared." sabi ni Julia.

"Hehe." sabi ni Janvin. Biglang humangin ng malakas.

WHOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOSSSSSSSSSSHHHHHHH!!!

"Aaaaahhhhh!" sigaw naming lahat. Napahiga kami sa lakas ng hangin. Puro dahon ang lumipad, puro kahoy ang tumambad sa mga mata namin. Wala kaming makita. Ilang segundo din ang nakalipas, nawala rin ang hangin. Lahat kami napuwing dahil doon. Ang iba sa amin ay nakaupo, ang iba naman ay nakahiga, nakadapa, nakatuwad at tinatakpan ang ulo nila ng dalawang kamay.

"Cool." sabi ni Jerwin.

"Ayoko na talaga sa lugar na to. Kungdi zombies natural calamities naman." sabi ni Precious. Agad kaming tumayo nang bigla kaming nakarinig ng yapak, este, takbo. Takbo ng mga zombies.

University Of The DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon