† Dead 19 - Made A Move

1.8K 40 19
                                    

[Unknown's P.O.V.]

Hahahaha, zombies are now leveling up. I feel proud of myself. Dahil sa chamical reaction na si-net up ko para umulan, ang ulan na to ang magpapabilis ng accuracy ng mga zombies na pinasimulan ko. Ang boring kasi e, hindi ko nakikitang nagsusuffer ang mga kaklase ko kasi slowpoke tong mga zombies na 'to. Kaya ayun, pinabilis ko. Let's see who will survive this wave. Hahahaha. HAHAHAHAHAHA!

[Kimberly's P.O.V.]

Nababahala ako, iniwan namin yung iba naming kaklase sa loob ng Guidance Office. I feel down. Ako pa naman ang president ng klase namin tas ako pa ang masisisii kapag may namatay sa kanila, pero 'wag naman sana.

"Saan na tayo pupunta?" tanong ni Bianca.

"Ugh, hindi ko alam." sagot ni Rogel. Nandito kami sa room namin. Walang tao, or zombies sa corridor. Tahimik. Umuulan pa rin. Nakaupo na lang kaming lahat sa isang corner ng kwarto. Isinara na namin lahat ng bamboo curtains sa kwarto namin para 'di kami makita.

"Kanina pa yang ulan na yan." sabi ni Mae Lynn, nakatitig sa bintana sa may labas.

"Duh, kahapon pa po." sagot ko.

"Magbabaha na siguro yan." sabi ni Jerwin. "Ang lakas pati. Nakakatakot. May bagyo ba?"

"Ewan. Kung meron man, dapat mas mag-ingat pa tayo lalo dahil hindi na biro ito." sabi ko. Lilima na lang kaming magkakasama, ayokong mabawasan pa kami.

Napansin kong patinfin-tingin lang si Bianca sa amin at sa buong kwarto. "We're not safe kung sa sulok lang tayo, kailangan nating magbuild ng mapapagtaguan sa likod ng mga upuan, cabinets, at sa lahat ng makikita natin sa loob ng room." sabi niya. Sabi na nga ba't may iniisip 'to eh!

"Okay, guys, move! Let's bring it on!" sigaw ko. Agad din naman silang sumunod, gumawa kami ng isang maliit na matutulugan sa sulok ng classroom. Pero may nagagawa itong maliliit na ingay habang ipinagpapatong-patong namin at pinagtatabi-tabi ang mga ito. "Minimize your noise, please."

University Of The DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon