† Dead 3 - Spilled

5.4K 87 8
                                    

[Kimberly's P.O.V.]

Place: Gymnasium | Date: November 26, 2012 | Time: 11:11pm

Ang saya talaga nilang titigan. Hay nako. Pero hindi naman sila nakakainggit. Haha. Bawim-bawi ang punchline ko no. Ah-ah-ah. Biglang lumapit sa akin si Aila, di kami masyadong close no!

"Uy, nakita mo ba si Christian? Hinahanap siya ni Mrs. Kylie." tanong niya.

"Aba hindi! Kala ko ba kasama niyo na siya?" tanong ko.

"Hindi e. Umalis siya. At hindi nga namin alam na umalis siya e."

"Ah." Pagkatapos nun, umalis na siya. Bumalik na siya dun sa crowd. Nang bigla namang lumapit sa akin si Maverick, siya yung Treasurer ng klase. Kailangan pa bang alamin yun? Di na.

"Kim, nakita mo ba si Annie? Kaninang-kanina ko pa siya hinahanap e." tanong niya.

"Tanungan ba ako?"

"Ha?!" sabi niya. Salamat at hindi niya narinig. Whew. Mapapahiya ako dito sa taong to pag nagkataon lang talaga. Whew ulit.

"Wala yun. Hehe. Uhmm.. Hindi ko rin alam e. Pasensya na." sagot ko. Wala ng sinabi si Maverick. Umalis na lang din siya. Ano ba yan, di man lang nag-thank you! Haha, demanding ng peg. Bakit kaya ang daming nawawala ngayon?  Tas sa akin silang lahat nagtatanong. Tsk naman o! Pero bakit nga ba...mahal kita? Kahit di pinapansin ang damdamin ko? #ParaSaMgaFriendzonedDiyan!

Biglang lumiwanag ang buong paligid. Nagbukas yung spotlightsxzs. Napatigil ang lahat. Nagtataka. Nang may biglang sumigaw sa 'di kalayuan.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH!" sigaw nung babae. Pamilyar yung boses niya. Pero di ko matukoy kung sino. Nagkumpulan yung mga tao sa may bungad ng gymnasium, at nakita ko si Angel. Isa sa mga kaklase namin. Tumatakbo siya papalapit sa amin, takot na takot siya. Pagkarating niya ay tinanong agad namin siya. Nice, Jumi-Jessica Sohoooo!

"Angel? Bakit?" tanong ko.

University Of The DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon