† Dead 12 - Meanwhile

2K 48 3
                                    

[Christine's P.O.V.]

Naglalakad na kami sa left lane. Kinakabahan ako, siguro nga pati sila. Madilim ang paligid, ang tanging ilaw lang na makikita mo ay yung ilaw galing sa cellphone.

"Uy, ilan na lang ang bars ng battery niyan?" tanong ni Yaj habang kinakalabit si Annie.

"Hmm... 2 bars na lang." sagot ni Annie matapos i-check ang cellphone.

2 bars na lang pero mukhang magdamag kaming manginginig at maglalakad dito. Hay nako.

Kaso biglang may pumatak mula sa taas. Patak ng tubig. Kanina wala naman siya, bakit kaya? Bigla akong kinabahan.

"Guys, ingat lang po." sabi ko.

Tumingin silang lahat sa akin.

"Basta. Please. Magtiwala kayo. Doblehin niyo pa ang pag-iin--" hindi ko na natapos ang pagsasalita ko dahil sandamakmak na zombies ang nahulog mula sa bubong! Pero saan sila galing?

Bubong?

Umuulan pala.

At nasa highest floor kami ng building na to. Ibig sabihin wala kaming ibang gagawin kundi bumaba.

"Takboooo pababaaa!" sigaw ni Annie.

As usual. paunahan, mind your own business ang main rule dito. Kahit mamatay lahat basta yung buhay mo hindi pa natatapos, takas lang, wala kaming kahit ano, tanging cellphone lang ang ilaw namin. Madulas pati ang sahig, umuulan kasi e.

University Of The DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon